REAL STORIES: "Nakatulog akong yakap si baby. Pag-gising ko, may nosebleed siya at hindi na humihinga."

When I woke up, there was blood on my shirt and coming from her nose.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawat ina na katabi matulog ang anak ay tingin ginagawa ito para sa ikakabuti ng baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • “Nakatulog akong yakap si baby. Pag-gising ko, may nosebleed siya at hindi na humihinga.”
  • Kwento ng isang inang nawalan ng anak

Nasabihan silang natural lang ito at walang panganib kapag katabi matulog ang baby. Sinigurado ito ng mga kamag-anak, kaibigan at mga hindi kilala sa Facebook na ginawa na nila ito sa kanilang mga anak, at okay naman ang mga anak nila.

Nasabihan sila tungkol sa Safe Sleep 7 — na ligtas ang tabi matulog hangga’t ang ina ay nagpapa-breastfeed, hindi naninigarilyo, hindi uminom ng gamot pampatulog at hindi lasing, hindi overweight, gumagamit ng magagaan na kumot at kaunting unan, may matibay na kama, hindi sobrang pagod, at marami pang iba…

Maraming maliliit na bagay na maaaring malimutan. Napakaraming maliliit na bagay na kapag napabayaan, mamatay ang baby.

Image source: CafeMom

Sinabihan sila na masamang iwan ang baby na mag-isa sa loob ng crib. Nasabihan silang sa ibang bansa katabi matulog ang mga baby.

Sinabihan sila ng kasinungalingan, na ang bedsharing ay NAKAKAPAGPABABA NG PANGANIB NG SIDS dahil ginagaya ng baby ang paghinga ng ina!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi rin sa kanila na ang masama ay ang hindi katabing matulog ang baby. Dahil ang sobrang pagod na ina na sinusubukang bumangon para magpakain ng bata ay maaaring makatulog sa delikadong posisyon.

Malamang ay nagsinungaling sila nang tinanong ng doktor kung mag-isang natutulog ang baby, nang may takot sa puso sa pag-iisip kung ano ang masasabi ng doktor kung malalaman ang totoo.

May ilan pang tumatawa at nagyayabang sa Facebook posts na nagtataguyod ng ligtas na pagtulog, o nagbababala sa mga ina laban sa panganib kapag katabi matulog ang baby, o posts na nagkukwento sa mga namatay dahil sa bedsharing.

“Huwag mo kong punahin sa gusto KO para sa anak KO,” sabi nila — habang pinupuna ang mga ina na tinataguyod ang ligtas na pagtulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: CafeMom

May ilang hindi nahihiya at sinasabihan ang nagluluksang ina na “DAHIL SA BAKUNA ‘YAN!!!”

Ngunit karamihan sa mga ina ay hindi pa nakakapagbasa tungkol sa positional asphyxia dahil masyadong malambot ang kama nila. Kahit pa matigas ang kutson para sa matatanda. Karamihan as mga ina ay hindi alam na maaaring hindi makahinga ang baby sa dibdib ng ina.

Karamihan sa mga ina ay hindi naiisip na hindi si makakatulog habang katabi ang kanilang baby, na kung tutuusin mas mabigat ang mga ina sa kanilang sanggol. At doon papasok na baka ma-suffocate ang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At karamihan sa mga ina ay hindi maiisip na ang baby ay walang magagawa para mailigtas ang sarili kapag hindi makahinga. Na ang ina, o ama, o kapatid na katabi rin sa kama ay maaaring gumulong.

Hindi naiisip ng maraming ina na sa pagtulog ay maaaring mapatungan o madagaan ang baby sa pagtulog. At baka ang mga kumot at unan ay mapunta sa mukha ni baby.

Alam mo kung paano ko nalaman ito? Dahil naging ganitong magulang ako.

Image source: CafeMom

Nagkaroon kami ng family emergency. Ang dalawang mas matandang anak ko ay nahulog — sa gabi na ako ay nakainom. Nasa emergency room ako, at mamaya sa children’s hospital, nang halos 24 na oras.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ko naisip na ang 1 o 2 bote ng formula ay makakaapekto sa lalim ng tulog ng baby. Hindi ko naisip na sobrang pagod ako. Ganoon din ang kanilang ama na pagod din.

Napapirma na ako ng generic na safe sleep agreement ng DCS caseworker (ginawa itong protocol ng ospital dahil sa mga injury sa mga bata), kahit pa nagsinungaling ako kung saan natutulog ang baby. Bukas, sabi ko sa sarili ko. Bukas, kukunin ko ang mga nilabhan at dadalhin sa kwarto para tulugan ng baby.

Sobrang pagod ako. Bukas pa babalik ang caseworker. Walang masamang madudulot ang isang gabi, sabi ko sa sarili ko.

Kaya nahiga ako, nilagay ang baby sa dibdib ko, at natulog.

BASAHIN:

Ano ang dahilan Sudden Infant Syndrome o SIDS?

Beware! Using this pillow increases SIDS risk when used for sleeping

One-year-old boy dies of SIDS but grandmother is skeptical

Nang magising ako, may dugo sa damit ko mula sa kanyang ilong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: CafeMom

Nag-panic ako, naaalala ang kwento ng isang ina na namatay ang baby dahil sa bedsharing — natagpuan niya ang kanyang anak na tumutulo ang dugo at sipon mula sa ilong. Ganon kapag na-suffocate ang baby, pumuputok ang capillaries sa kanilang ilong.

Hindi ako. Hindi ang aking baby. Huwag naman. Gigising siya kapag binuhat ko siya at palitan ng diaper, di ba?

Hindi. Bagsak lang ang kanyang katawan.

Naaalala ko ang pag-iyak at pagsigaw ko, hindi, hindi, hindi. Naalala ko ang aking asawa tumakbo papasok ng kwarto, tinatanong kung anong nangyari… “Abby…” lamang ang nasabi niya, at tumuro… naaalala kong sinisigawan niya ako na “ITO AY KUNG BAKIT HINDI DAPAT MAG CO-SLEEP — KUKUNIN NA NG DCS ANG MGA ANAK NATIN!!!”

Naaalala ko ang pagsigaw niya para sa telepono ng kanyang ina, pagtawag sa 911, pagsubok mag CPR. Naaalala ko ang pagpasok ng mga EMT at pagsubok ng CPR bago siya isugod sa ospital.

Kinausap ako, dinala sa police station, at ininterrogate. Naaalala kong kinuha ng pulis ang damit ko bilang ebidensya at binigyan ako ng pamalit.

Naaalala ko ang pag-iyak ko hanggang mamaga ang mga mata ko, ang mukha ko ay puno ng sipon, at masakit ang ulo ko. Tinanong ko pa ang pulis kung aarestuhin ba ako. Naaalala ko nang sabihan akong hindi siya nabuhay. Naaalala ko, ngunit magulo ang lahat.

Akala ko ginagawa ko ang tama para sa baby ko. Siniguro ako nga maraming ina sa mga mom groups na ligtas ito.

Panganib kapag katabi matulog ang baby. | Image source: CafeMom

Hindi ko naisip ang mga panganib, kahit pa binalaan na ako, kahit pa tinuruan ako ng mga duktor at mga nars tungkol sa safe sleep, kahit pa madalas namin itong pagtalunan na mag-asawa.

Hindi ko na siya asawa ngayon.

Ang dalawang anak ko ay inampon na ng ibang pamilya.

Nawala ang lahat sa akin — dahil lang hindi ako nakinig.

Hinihiling ko sa lahat ng ina na nagbabasa nito na nagbe-bedshare, balak mag-bedshare, o pinagiisipan kung magbe-bedshare o safe sleep — gusto mo ba TALAGA harapin ang panganib ng napakaliit na pagkakataon na mapatay ang iyong baby — bagay na hindi mo makontrol dahil ikaw ay TULOG?

Tingin mo ba TALAGA kaya mong magtagumpay? Ganon ka ba TALAGA kakomportable sa habang buhay na pagsisisi at pagluluksang dadalhin mo?

Sana ay hindi ko na sinubukan. Sana nakinig ako. Pakiusap, makinig ka sakin at huwag hayaang mabalewala ang pagkamatay ni Abby.

~ RIP Abigail Brooklynn Hensley … fly high baby girl. 11/10/16 – 01/21/17 ~

Ang article na ito ay unang naipublish sa CafeMom at na-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.

Source:

theAsianparent Singapore