Panganib ng cellphone charger, paano nga ba maiiwasan?
Lalaking naging biktima ng panganib ng cellphone charger
Isang 25-anyos na kinilalang si Sastra Mo-in na mula sa Chonburi, Thailand ang pinakabagong biktima ng panganib ng cellphone charger.
Ayon sa report, si Sastra ay naiulat na nasawi noong Sept.27 matapos makatulog sa tabi ng isang gaming console at dalawang cellphone na kung saan ang isa rito ay nakasaksak at naka-charge sa isang extension cord.
Kinumpirma naman ito ng isinagawang post-mortem examination sa bangkay ni Sastra. Ayon sa resulta ng autopsy ni Sastra, ang naging sanhi ng pagkamatay niya ay “electrocution by mobile phone”.
Kwento ng tiyahin at guardian ni Sastra na si Watchareeporn Mo-in, 57-anyos, ay isang avid gamer daw ang kaniyang pamangkin. Mahilig itong maglaro sa kaniyang kama hanggang sa ito ay makatulog. At madalas ay hindi na nito natatanggal ang kaniyang cellphone sa pagkakacharge.
At ng umaga ng Sept.28 ng siya ay maglilinis na sa kwarto ni Sastra ay nakita niya ito na nakahiga at tila hindi na gumagalaw. Umagaw sa pansin niya ang nangingitim at mapupulang paso sa kaliwang kamay ni Sastra na nakapwesto malapit sa extension cord. Agad na pinatay ni Watchareeporn ang electrical supply sa kanilang bahay saka tumawag ng mga pulis.
Pagdating ng mga pulis si Sastra ay kinumpirmang patay na.
Tips para maiwasan ang panganib ng cellphone charger
Maliban sa kaso ni Sastra ay ilang kaso na dulot ng panganib ng cellphone charger ang una naring naiulat. Tulad nalang ng isang Malaysian na nagtamo ng paso sa balat matapos sumabog ang naka-charge niyang cellphone. Pati na ang isa pang Indonesia na nakuryente hanggang sa namatay matapos maglaro sa cellphone niya habang nag-chacharge.
Ang mga dulot ng panganib ng cellphone charger na ito ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng pag-iingat at pagsunod sa mga sumusunod na tips at paalala.
1. Huwag gagamitin ang cellphone habang ito ay naka-charge.
Ang pag-chacharge ay nagpapainit na sa battery ng cellphone. Kung ito ay gagamitin ay mas dadagdag ito sa init na maaring magdulot ng overheating. Ang overheating ay maaring namang mag-resulta ng pagsabog ng battery o ng iyong cellphone.
2. Huwag ilalagay ang iyong cellphone sa mainit o sobrang lamig na lugar.
Ang mga cellphone ay gumagana sa tulong ng lithium-ion batteries. At ang mga batteries na ito ay hindi dapat inilalagay sa sobrang init o napakalamig na lugar. Dahil binabawasan ng mga extremeties na ito ang buhay at quality ng battery na mauuwing mauwi sa peligro.
3. Sigaruduhing gumamit ng official charger na ginawa para sa talaga sa cellphone mo.
Para masiguro ang safety ng iyong ginagamit na charger ay dapat ito ang charger na kasama ng iyong cellphone noong ito ay binili. Dahil ito ang compatible o sinadyang ginawa na tutugma sa pangangailangan ng battery ng cellphone mo.
Kung sakaling masira o mawala ang cellphone charger ng iyong cellphone ay humanap ng eksaktong kapareho nito. At huwag gagamit ng mga mumurahing charger na hindi mo sigurado ang quality at safety para sayo.
4. Huwag gumamit ng mumurahing battery.
Ang mabilis na pagkalowbat ng iyong cellphone battery ay nangangahulugan na ng battery replacement. Sa pagkakataong ito ay sigurading ang bibilhin na replacement ng iyong cellphone battery ay yung original na battery para sigurado ka sa quality.
5. Huwag i-chacharge ang iyong cellphone ng magdamag.
Ang pag-chacharge ng iyong cellphone magdamag ay hindi lamang maaring magdulot ng overheating. Binabawasan rin nito ang lifespan ng battery mo. Mas mabuting mag-charge sa umaga na kung saan ito ay nakikita at nababantayan mo.
Payo ng Battery University, mas mabuting hindi palalagpasin sa 20-50% ang charge ng iyong cellphone bago ito muling i-charge. Hindi rin ito dapat pinupuno ng 100%, ang 80% charge sa iyong battery ay sapat na. Ito ay dahil ang sobrang lowbat at pag-fufull charge ay nagdudulot ng stress sa battery na mas nagpapaikli ng lifespan nito.
6. Huwag mag-chacharge ng cellphone malapit sa iyong higaan o kahit ano pang gamit na maaring pagmulan ng apoy.
Para makaiwas sa mas malaking panganib ng cellphone charger ay huwag mag-chacharge malapit sa mga gamit o bagay na maaring pagmulan ng apoy. Hindi rin dapat malapit sa iyo ang cellphone habang ito ay chinacharge. Ito ay para sa oras ng hindi inaasahang aksidente ay hindi ka agad magtatamo ng injury.
7. Linisin ang iyong cellphone charger gamit ang antibacterial wipes.
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng University of Arizona ang mga cellphone chargers ay mas marami ang taglay na germs ng sampung beses sa mga toilet seats. Dahil sa ang ating mga kamay ay kung saan humahawak araw-araw na nagiging dahilan para mai-expose ito sa iba’t-ibang germs. Naililipat natin sa ating mga cellphone ang mga germs na ito sa tuwing ito ay ating ginagamit. Kaya naman para makaiwas sa sakit ay ugaliing maghugas ng kamay at punasan ng alcohol o antibacterial wipes ang ating cellphone kahit isang beses sa isang linggo para mamatay ang mga germs na ito.
Source: AsiaOne, Popular Science, Digital Trends, The University of Arizona
Basahin: Infant dies after being left to play with a charging smartphone
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!