REAL STORIES: "CS dapat siya pero ipinilit pa rin na ipag-normal delivery"

Panganib ng normal delivery: Buntis na dapat CS na manganganak, ipinilit na mag-normal delivery. Ina at sanggol parehong nasawi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakaiwas sana sa panganib ng normal delivery ang isang buntis at kaniyang sanggol kung sinunod lang ang ipinayong paraan ng panganganak sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng ina at sanggol na nasawi matapos manganak ng normal delivery.
  • Anu-ano ang panganib ng normal delivery.

Sabi nga nila sa tuwing manganganak ang isang babae, ang isang paa nito ay nakalubog sa hukay. Ito ay dahil ang panganganak ay may kaakibat na peligro na kung hindi maisasagawa ng tama o ligtas sa kondisyon ng buntis ay maari nitong ikasawi.

May dalawang paraan ng panganganak ang isinasagawa para mailabas ang isang sanggol. Ito ay ang normal at cesarean section delivery.

Sa normal delivery ay ipinapanganak ang sanggol sa tradisyonal na paraan na kung saan ito ay iire ng buntis palabas sa kaniyang puwerta. Habang ang cesarean section delivery o CS delivery ay ginagawa sa pamamagitan ng paghihiwa sa tiyan ng buntis upang doon mailabas ang kaniyang sanggol.

Panganib ng normal delivery

People photo created by DCStudio – www.freepik.com 

Ang normal delivery ay ipinapayo lamang sa mga babaeng hindi nakakaranas ng kumplikasyon sa pagdadalang-tao. Habang ang CS delivery naman ay pinipiling gawin sa mga pagbubuntis na high-risk.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay maaaring dahil sa kondisyon o estado ng kalusugan ng babaeng buntis. O dahil sa posisyon ng sanggol na maaring maging hadlang para mailabas siya ng normal.

Karamihan ng mga babae ay mas pinipili ang manganak ng normal. Sapagkat sa una, mas hindi ito magastos kumpara sa CS delivery.

Mas mabilis din ang recovery nito, hindi tulad ng CS delivery na nangangailangan ng mahabang-habang panahon para pagalingin ang hiwa o sugat na dulot nito.

Pero hindi lahat ng babae ay maaaring manganak ng normal. Dahil may mga pagkakataong ang CS delivery ang pinakaligtas na paraan ng panganganak para sa buntis at kaniyang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ina at sanggol na nasawi matapos manganak ng normal delivery

 

“CS dapat siya pero ipinilit pa rin na ipag-normal delivery,” ito umano ang dahilan kung bakit nasawi ang isang babae at kaniyang sanggol ayon mismo sa kaniyang hipag.

Ayon kay Lutka Betaria Sinaga, ang kaniyang hipag ay pinilit na manganak sa pamamagitan ng normal delivery. Ito ay kahit pa una ng naka-plano na ito ay mase-cesarean.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nakakalungkot na insidente ay nangyari sa isang ospital sa Indonesia. Kuwento ni Lutka sa kaniyang Facebook account, dinala nila sa ospital ang kaniyang hipag upang ito ay ma-cesarean. Pero pagdating umano sa ospital ay pinilit ito ng isang nurse na manganak sa pamamagitan ng cesarean delivery.

Dagdag pa niya, hindi niya alam kung ang ginagawa noon ng nurse sa kaniyang hipag ay utos ng mga doktor. Pero kitang-kita niya kung paano namimilipit at sumisigaw sa sakit ito.

Sinubukan niya rin umanong tanungin ang nurse kung sino ang naka-duty na doktor ng mga oras na iyon. Pero ito ay busy sa kausap niya sa telepono at hindi daw alam kung sino ang duty na doktor.

Makalipas ang ilang oras ay nalaman nalang nila na binigyan ng pampahilab o ininduce ang kaniyang hipag. Pero ito ay hindi umepekto, hanggang sa lumala na ang sitwasyon.

Sapagkat ang sanggol sa sinapupunan ng hipag niya ay patay na. Ito ay sinundan naman ng pagkamatay ng kaniyang hipag ng sumunod na araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa obserbasyon ni Lutka ay may kapabayaan ang mga nurse at doktor sa kinahantungan ng hipag niya. Tikom naman ang mga bibig ng mga ito sa nangyari at hindi pa tukoy ang dahilan kung bakit pinilit na manganak ng normal ang nasabing ina na naging sanhi ng pagkasawi niya.

BASAHIN:

Magkano manganak ng normal ng delivery sa ngayon? Ito ang mga dapat mong malaman

#AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

Mom of three experienced normal, CS, and VBAC—spills the beans on which delivery is the best

Risk ng force o induced labor

Ang pag-iinduce ng labor ay ginagawa upang matulungang mag-contract ang matris ng isang buntis para sa kaniyang panganganak. Maraming posibleng dahilan kung bakit ito ginagawa pero madalas ito ay isinasagawa para sa kaligtasan ng buntis at kaniyang sanggol.

Ang pag-induce ng labor ng buntis ay isinasagawa sa tulong ng gamot o drug na may prostaglandins. Ito ay nakakatulong para mapabilis ang panganganak.

Pero bago bigyan nito ang buntis ay dapat muna siyang matingnan o masuri ng doktor. Partikular na sa mga oras na hindi maaring magtagal pa ang sanggol sa loob ng kaniyang tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila ng naitutulong nito sa panganganak ay may kaakibat na risk ang pag-iinduce ng labor ng isang buntis. Kabilang na rito ang excessive uterine contraction na maaaring magdulot ng labis na sakit sa babaeng nagdadalang-tao.

Ito ay maaari ring magdulot ng pagkabawas o decrease sa oxygen level ng isang sanggol na maaaring magresulta sa fetal distress na lubhang napaka-delikado.

Ang mga palatandaan ng distress sa isang sanggol ay ang pagkakaroon nito ng mabilis na heartbeat at ang pagdumi o produksyon ng meconium.

Para maiwasan ito, sa oras na hindi naging successful ang pag-iinduce ng labor ng buntis ay isinasailalim na siya sa cesarean delivery. Dahil kung masyadong matagal na ang pagle-labor ay maaring magkaroon ng bacterial infection ang sanggol.

Bagama’t bibihira ay maari ring pumutok o mag-rupture ang uterus ng buntis na sadyang peligroso at maari niyang ikasawi pati na ng kaniyang baby.

Ang artikulong ito ay orihinal na nailathala sa theAsianparent Malaysia at may pahintulot na isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Sinulat ni

theAsianParent