Hindi dapat minamaliit ang panganib ng preeclampsia. Para sa mga inang mayroong ganitong kondisyon sa pagbubuntis, mahalagang tutukan at bantayan ang kanilang kalusugan, dahil lubhang mapanganib ito para sa ina at sa sanggol.
Anu-ano ang panganib ng preeclampsia?
Ang mag-asawang si Marco at YoLanda Mention. | Source: Facebook
Isang ina mula sa South Carolina, si YoLanda Mention, ay dati nang nagkaroon ng preeclampsia nang manganak siya ng 2007. Nang manganak ulit siya noong 2015, nagpakita ulit siya ng sintomas ng preeclampsia, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, hindi ito natutukan ng mga doktor.
Matapos manganak, nakaramdam ng sakit ng ulo si YoLanda. Noong una ay inakala niyang wala lang ito, pero habang tumatagal ay lalong sumakit ang kaniyang ulo. Dahil sa pag-aalala sa asawa, dinala agad siya ni Marco, ang kaniyang asawa.
Nang siya ay dinala sa ER, sinabi niya na sobrang sakit na ng kaniyang ulo. Kinuha ng isang nurse ang blood pressure niya at umabot ng 209/117.
Matapos nito, kinuhanan daw siya ng brain scan, pero walang kahit anong binigay na gamot o tulong sa kaniya at pinabalik na siya sa waiting room.
Pagkuha ulit ng kaniyang blood pressure, umabot ito ng 216/104. Matapos ang limang oras sa ER, dinala na siya sa exam room ng ospital.
Habang nag-iintay sa doktor, nakita ni Marco na nanghihina na si YoLanda, at nahihirapan na din siyang magsalita. Matapos ang ilang araw, namatay na si YoLanda.
Aneurysm ang kaniyang naging cause of death.
Naagapan sana ang kaniyang preeclampsia
Dahil sa nangyari, kinasuhan ni Marco ang ospital dahil wala silang ginawa para sa kaniyang asawa.
Kung naagapan ang preeclampsia ni YoLanda, ay buhay pa sana siya ngayon. At kung tutuusin, hindi naman komplikado ang proseso na kailangan sa mga inang mayroong preeclampsia.
Kinailangan lang siyang painumin ng gamot na pampababa ng kaniyang blood pressure, at bantayan ang kaniyang BP. Ngunit kahit nasa ER na siya, ay wala pa ring ibinigay na gamot ang ospital.
Bagama’t nagkaroon ng settlement si Marco at ang ospital, mag-isa niya ngayong inaalagan ang kanilang mga anak, at nangungulila sa kaniyang asawa.
Mga dapat tandaan ng mga ina
Heto ang importanteng kaalaman tungkol sa preeclampsia:
- 5% hanggang 8% ng pagbubuntis ay nakakaranas ng panganib ng preeclampsia.
- Madalas itong nangyayari sa mga first-time mom pati na rin sa mga ina na mayroong gestational hypertension, o dati nang may preeclampsia. Kasama na rin ang mga sumusunod:
- Mga nagbubuntis ng kambal o mas marami pang anak.
- Mga inang mas bata sa 20, at mas matanda sa 40.
- Kapag mayroong kidney disease, o mataas na BP bago pa mabuntis.
- Mga inang obese o mayroong BMI na mas mataas sa 30.
- Makipag-ugnayan sa iyong OB-GYN kung ano ang dapat gawin kung magkaroon ka ng preeclampsia.
- Sunding mabuti ang payo ng doktor, kasama na dito ang pag-inom ng gamot at mga lifestyle changes na kailangang gawin kapag mayroon kang preeclampsia.
- Mahalagang maagapan ito upang hindi na lumala.
Source: USA Today
Basahin: Preeclampsia at iba pang panganib sa panganganak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!