Alam naman siguro ng lahat ng ina kung gaano kahalaga ang breastfeeding o pagpapasuso para sa mga sanggol. Bukod sa pagiging mainam na paraan upang manatiling malusog si baby, marami rin itong benepisyo, para kay baby at kay mommy. At ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pagpapasuso raw ay nakakababa ng panganib ng stroke!
Paano napapababa ng breastfeeding ang panganib ng stroke?
Ayon sa pag-aaral, mas mababa raw ng 23% ang posibilidad na magkaroon ng stroke matapos mag menopause ang mga nanay na nagpasuso.
Bukod dito, lalo pang bumababa ang panganib ng stroke kapag mas matagal na nagpasuso ang mga ina. Dagdag pa ng mga researcher na mas malakas ang bisa ng breastfeeding sa black women. kung saan nangalahati ang risk ng stroke sa mga nagbreastfeed.
Isinagawa ang pag-aaral sa 80,191 na inang mga nanganak noong 1993 hanggang 1998. Natagpuan nila na sa mga inang nagbreastfeed ng anim na buwan, bumaba ng 19% ang panganib ng stroke. Sa mga inang umabot naman sa 13 buwan ng breastfeeding, ito ay umabot sa 23%. 48% naman ang ibinaba para sa mga black women, at 32% sa mga hispanic na babae.
Ayon sa lider ng pag-aaral na si Lisette Jacobson, importanteng gawing bahagi ng birthing plan and breastfeeding. Makakabuti sa kanilang anak ang anim na buwan ng breastfeeding upang makuha nila ang mabuting epekto nito.
Dagdag niya na para sa mga hindi makapag-breastfeed, maraming paraan upang umiwas sa stroke. Kasama na rito ang tamang pagkain, pag-ehersisyo, pag-iwas sa bisyo, at iba pa.
Mahalaga ang breastfeeding para sa ina at kay baby
Napakaraming benefits ang makukuha ng mga ina at sanggol sa breastfeeding. Bukod sa ito ay kumpletong pagkain para kay baby, ito rin ay nakakatulong para lumakas ang kaniyang immune system. Ibig sabihin nito, ang mga batang nag-breastfeed ay mas malakas ang resistensya at nakakaiwas sa sakit.
May mga pag-aaral rin na nagsabing nakakatulong ang breastfeeding para makaiwas sa allergies. Kaya’t sinasabi ng mga doktor na pinakamabuti pa rin kay baby ang exclusive na breastfeeding.
Ngunit hindi lang naman rito nagtatapos ang benefits ng breastfeeding. Alam niyo ba na ito rin ay nakakatulong upang magpababa ng timbang? Kapag ang isang ina ay nagpasuso, napakaraming calories ang ginagamit ng katawan. Kaya’t nirerekomenda rin ng mga doktor ang breastfeeding upang mabawasan ang timbang ng mga kakapanganak pa lamang.
Bukod dito, nakakatulong rin sa baby at kay mommy ang pagkakaroon ng skin-to-skin contact. Madalas kahit kakapanganak pa lang, ay binibigay na agad si baby kay mommy para mag-breastfeed. Ito ay dahil nakakatulong ang skin-to-skin contact upang tumibay ang bond ni mommy at baby. Mas nagiging secure si baby, at nababawasan rin ang kaniyang pag-iyak.
Hanggang ngayon, marami pang mga bagong tuklas ang natatagpuan tungkol sa breastfeeding. Kaya mga mommies, siguraduhin na nag-breastfeed si baby ng kahit anim na buwan, upang makuha nila ang mabuting dulot nito.
Sources: Reuters, WebMD
Basahin: Gawing bonding ang breastfeeding: Praktikal na payo para hindi nakaka-stress ang pagpapasuso
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!