X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

1-taong gulang, biktima raw ng panggagahasa

2 min read
1-taong gulang, biktima raw ng panggagahasa

Ayon sa pulisya, may natutukoy na silang suspek sa nangyaring karumal dumal na panggagahasa ng sanggol sa isang abandonadong gusali.

Isang malagim na eksena ang nadiskubre ni Genelyn Lopez nang matagpuan niya ang isang sanggol sa abandonadong gusali sa Makati. Ang biktima, na si John Angelo Salenga ay di umano’y ginahasa pa raw bago ito namatay. Paano kaya nangyari ang panggagahasa ng sanggol, at ano ang dahilan ng suspek para gawin ang ganitong klaseng krimen?

Suspek sa panggagahasa ng sanggol, ‘di raw alam ang nangyari

Ayon kay Genelyn, huli raw niyang nakita ang sanggol kasama ang trabahador na si Gerald Riparip. Matapos ang ilang oras, tila hindi raw alam ng mga residente ng lugar kung nasaan ang bata, kaya’t nagsimula na sila sa paghahanap rito.

Natagpuan nila ang sanggol na walang malay na nakapatong sa kapirasong kahoy sa likod ng building. Dali-dali raw siyang dinala sa Sta.Ana Hospital, ngunit sa kasamaang palad ay dineklara na itong dead on arrival.

Batay sa isinagawang examination, natagpuan na mayroong sperm cells ang sanggol sa kanyang puwit. Bukod dito, mayroon ring hematoma o namuong dugo sa katawan ng sanggol.

Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng mga pulis ang insidente. Ayon naman sa suspek, hindi raw niya alam kung ano ang nangyari, dahil raw sa kalasingan. Siya ngayon ay nasa kustodiya ng mga pulis.

Anu-ano ang magagawa para mapigilan ang pang-aabuso ng mga sanggol?

Hindi lubos maisip ng mga magulang na mayroong taong kayang gawin ang pang-aabuso sa kanilang sanggol. Ngunit dapat nating tandaan na malamang ay hindi rin inakala ng pamilya ng baby na nakaranas ng sexual abuse na mangyayari ito sa bata. Kaya naman lubos na importante na malaman ang mga senyales ang pang-aabuso—upang masagip agad ang biktima.

  • Hindi angkop na pag-gamit ng mga laruan o ibang mga bagay
  • Hindi makatulog o di kaya’y nagkakaroon ng bangungot
  • Nagtatago ng sikreto
  • Nakaka-ihi sa kama
  • Kapag may bagong mga salita na alam ang bata patungkol sa mga parte ng katawan—ngunit hindi niya masabi kung saan niya ito natutunan
  • Hindi pumapayag na maiwan kasama ang isang specific na tao
  • Sinasaktan ang sarili
  • Hindi maipaliwanag na pagbabago ng ugali o mood

Kapag napapansin ang mga senyales na ito sa bata, mabuting kausapin silang mabuti kung ano ang sanhi nito. Maaari ring kumonsulta sa isang psychiatrist upang maintindihan mabuti ang nangyayari.

Source: GMA Network

Basahin: 2-linggong gulang na baby, biktima ng sexual assault

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 1-taong gulang, biktima raw ng panggagahasa
Share:
  • 3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

    3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

  • Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa

    Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

    3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

  • Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa

    Sanggol natagpuang inabandona at kinakagat ng langgam; kaniyang ina biktima pala ng panggagahasa

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.