Panic buying tagalog: Sa kabila ng nangyayaring kaguluhan ngayon sa patuloy na pagkalat ng nakamamatay na COVID-19, hindi maiwasan sa ating mga kababayan ang magkagulo. Dahilan para mag-imbak sila ng kung anu-anong mga medical kit para sa kanilang pangangailangan. Ito ay tinatawag na panic buying.
Ngunit ang panic buying na ito ay nagdudulot ng masamang epekto para sa iba nating mga kababayan.
Panic buying in Manila
Noong March 9, dagsa sa iba’t-ibang pamilihan ang ating mga kababayan. Ito ay dahil sa anunsyong posibleng mag lock down ang mga bayan dahil tumaas na sa sampu ang kumpirmadong positibo sa COVID-19. Dala ng takot at pangamba sa nasabing sakit, sila ay agad na pumunta sa pamilihan at bumili ng maraming mga sanitary supplies katulad ng alcohol, face masks, tissue, sanitizers at canned goods.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi nila pinapayagang mamili ng madaming produkto ang publiko.
Dagdag niya,
“Monitored natin ang prices lalo na ang basic necessities. ‘Wag magpanic at huwag ubusin ‘yung laman ng grocery. Hindi kailangan. Pag sinabing lockdown, limited man ‘yung movement, makakalabas ka pa din kung kinakailangan. Pinapa-limit lang ang movement. Gusto naman ng mga grocery na magbenta pa rin sila.”
Pangamba niya, kung patuloy na mag papanic buying ang mga pilipino, maaaring magkaroon ng kakulangan sa bansa at hindi lahat ng mga tao ay magkakaroon ng mga sanitary products.
Samantala, naglabas naman pagkadismaya ang isang netizen tungkol sa paghoard ng mga tao sa sanitary products.
Panic buying tagalog | Screenshot image from Jeramie Sanico Facebook post
Ayon sa kaniya, akala niya biro lamang ang balitang nagkakaubusan ng mga sanitary products sa supermarket. Ngunit nagulat na lamang siya nang ubos na ang mga sanitary products sa pinuntahang supermarket.
What is panic buying?
Ang panic buying ay kadalasang nangyayari kapag my kinakaharap na malaking issue o kalamidad ang isang bansa. Katulad na lamang ng kasalukuyang nangyayari ngayon, ang nakamamatay na COVID-19.
Dahil sa takot at pangamba na maubusan ng mga pangangailangan sa grocery, sila ay bibili ng sobrang daming produkto para may sapat silang imbak kung sakaling magkaubusan sa market.
Effects of panic buying
Ang panic buying ay may masamang epekto sa bansa. Kung hindi aalamin ng mga tao ang mga maaaring maging epekto ng panic buying at magpapadala sa takot, ito ay magiging malaking problema ng isang bansa.
Magkakaubusan ng mga produkto at magkakagulo dahil walang sapat na bilang ng mga pangangailangan sa market
Bianca Manalo, nanawagan sa mga mayayaman na huwag mag hoard
Hindi rin napigilang maglabas ng saloobin sa nangyayaring hoarding ng publiko ang former Binibining Pilipinas Universe 2009 at aktres na si Bianca Manalo.
Ayon sa kanyang instagram post, hinihikayat niya ang kanyang mga kaibigan at followers na maging responsable sa pagbili ng mga goods. Magtira sa iba at maging mapagbigay sa iba.
“Please please do not hoard. Pity our fellow Filipinos who live on their daily wages, who can only afford to buy what they need when they receive their daily or weekly salaries. When they go buy their needs, the shelves will be empty.”
Dagdag pa ng aktres,
“I hate to say it but it’s the upper class that will cause the shortage, and could cause price increases. Pantries will be full in the exclusive villages, while the poorer man will have little choices.”
www.instagram.com/p/B9io8mkHeq2/
Maaari mo ring ma-track ang mga bansang may coronavirus dito: 2019-nCoV Global Cases
Where you can shop your goods
Kung gusto mo ng maraming variety ng pagpipilian na mga shops para mamili ng mga basic goods, narito ang listahan ng mga shops!
1. pushkart.ph
Kung ikaw ay nababahala pa rin at iniiwasang ma-expose sa labas dahil sa kumakalat na COVID-19 ngayon, maaari ka namang mag grocery online sa tulong ng pushkart.ph!
2. S&R
Isa ang S&R sa sikat na pamilihan ng mga tao. Don’t worry dahil marami ang branches nito. Katulad ng:
3. SM Supermarket
Maaari ka ring bumili ng mga iyong necessities sa SM Supermarket. Narito ang kanilang mga branch:
4. Robinson Supermarket
Marami ang branch ng Robinson. At dahil dito, siguradong marami kang pagpipilian!
Hanapin pa ang ibang malapit na branch dito: Robinsons Malls Home
5. Puregold
Isa ang Puregold sa suki ng masa. Abot kaya ang mga presyo dito at madami ka ring pagpipiliang branches.
Source: ABS-CBN
BASAHIN: ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!