Ben&Ben vocalist na si Paolo Benjamin engaged na sa kaniyang girlfriend na si Maria Rachel: “Tomorrow with you my dear”

lead image

Tingnan dito ang nakakakilig na engagement video nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ben&Ben vocalist na si Paolo Benjamin inalok na ng kasal ang long-time girlfriend niyang si Maria Rachel.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Wedding proposal ni Paolo Benjamin sa girlfriend niyang si Maria Rachel.
  • Mensahe ni Paolo sa kaniyang soon-to-be wife.

Wedding proposal ni Paolo Benjamin sa girlfriend niyang si Maria Rachel

paolo benjamin engaged na long time girlfriend

Larawan mula sa Instagram

Hindi lang mga babae, kung hindi pati mga lalaki ay tinatamaan at pinapakilig ng mga kanta ng bandang Ben&Ben. Isa sila sa mga sinusubaybayan at iniidolo hindi lang ng mga kabataan pati na mga magkasintahan. Kaya naman nitong nagdaang mga araw ng ibahagi ni Paolo ang engagement niya sa kaniyang long-time girlfriend na si Maria Rachel ay marami ang labis na kinilig para sa dalawa.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Paolo ang maikling video ng kaniyang wedding proposal sa fiancée niya na ngayon. Makikita sa video na naganap ang proposal sa tila isang garden. Si Maria Rachel ng makaramdam na sa mga magaganap ay naitulak si Paolo sa kilig. Hanggang sa lumuhod nga si Paolo at inilabas na ang singsing. Hindi man makita ang mukha ni Maria Rachel sa video ay makikitang masayang-masaya ito sa mga nangyayari.

Ang wedding proposal na ito ni Paolo ay may background music ng kanta niyang “Tommorow With You”. Ito ay may caption rin na:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“tomorrow with you my dear. thank u for saying yes 🥰”

 

Sa kasunod pang Instagram post ay may hiwalay na mensahe si Paolo para sa fiancée niya na ngayong si Maria Rachel. Ito ang sabi niya.

Mensahe ni Paolo sa kaniyang soon-to-be wife

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram

“to the love of my life,

While lovely, surreal moments make me feel that I’m with the right person, the mundane seasons of life, and even the periods of struggle, make me feel truly certain that you are the one I want to spend the rest of my life with.

I’ll face the beauty and pain of life with you, one day at a time for the rest of our lives.”

Ito ang mensahe pa ni Paolo Benjamin sa fiancée niya na ngayong si Maria Rachel.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement