5 maling paniniwala tungkol sa pap smear

Narito ang mga Pap smear myths na walang katotohanan ayon sa mga eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pap smear myths ang madalas na dahilan kung bakit hindi sumasailalim sa kinakailangang procedure ang ilang kababaihan.

Pero ayon sa mga OB-Gyn, dapat daw ay tigilan na ang paniniwala sa mga Pap smear myths. Dahil ito ay maaring magdulot ng banta sa kalusugan ng isang babae.

Ano Pap smear?

Ang Pap smear o Pap test ay isang procedure na ginagawa sa mga kababaihan.

Sa pamamagitan ng Pap smear ay natutukoy kung ang isang babae ay nagtataglay ng precancerous o cancerous cells sa cervix na maaring magdulot ng cervical cancer.

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pangongolekta ng cells sa cervix o ang ibabang bahagi ng uterus na nasa itaas naman ng vagina ng isang babae.

Image from Mayo Clinic

Importante ang procedure na ito dahil nadedetect nito ang cervical cancer na posibleng malunasan kung maagapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero may ilang kababaihan ang tumatangging sumailalim sa isang Pap smear test. Ito ay dahil sa maling paniniwala o Pap smear myths na patuloy na kumakalat ngunit walang basehan at katotohanan.

Kaya naman para matigil na ang false belief na ito, narito ang ilang Pap smear myths na ayon sa mga experts ay hindi na dapat paniwalaan.

Pap smear myths

Pap smear myth #1: Ang Pap smear procedure ay napakasakit.

Maraming babae ang natatakot sumailalim sa Pap smear test dahil sa ito daw ay maaring magdulot ng sobrang sakit.

Pero ayon sa resident OB-Gyn ng LH Prime Medical Clinic na si Dr. Mercy Wong, ang Pap smear daw ay hindi naman masakit. Bagamat nagdudulot lang ito ng discomfort na maari namang mawala kung magrerelax lang ang isang babae habang ginagawa ang procedure.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman sa Planned Parenthood Organization, maraming babae ang nagsabing hindi naman sila nabother sa actual cell collection process ng test.

Ang nagbibigay nga lang daw ng uncomfortable sensation habang isinasagawa ang test ay ang ginagamit na speculum tool para mapanatiling open ang vagina sa procedure.

Maari rin daw magdugo ang isang babae habang ginagawa ang exam pero ito ay napakaminimal o ilang patak lang.

Pap smear myth #2: Ang Pap smear test ay isinasagawa para matukoy kung may STI o sexually transmitted infection ang isang babae.

Muli ang Pap smear test ay isang procedure para mascreen o madetect kung may abnormal o cancerous cells sa cervix ng isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kung naniniwala ang isang babae na siya ay maaring may STI ay pupuwede rin naman siyang maexamine ng doktor habang ginagawa ang Pap smear procedure.

Pap smear myth #3: Hindi na dapat sumailalim sa Pap smear ang mga babaeng nabigyan na ng vaccine laban sa HPV o Human Papilloma Virus.

Bagamat ang HPV ay isa sa leading cause ng cervical cancer sa mga young women, hindi naman ibig sabihin na ang pagkakaroon ng vaccine laban rito ay kasiguraduhan narin na hindi na magkakacervical cancer ang isang babae.

Importante paring dumaan sa isang Pap smear test ang isang babaeng nabigyan ng HPV vaccine dahil sa ilang factors na nagdudulot ng cancer na hindi protektado ng vaccine.

Ilan sa mga factors na ito ay ang immune deficiency, smoking at cancer family history.

Para naman sa mga nag-aakala na kaya Pap smear ang tawag sa procedure dahil ito ay may kaugnayan sa PAPilloma virus, ito ay mali.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Pap smear ay ipinangalan sa doktor na nagimbento nito na si Dr. George Papanicolaou.

Pap smear myth #4: Ang Pap smear ay nagtatanggal ng virginity ng isang babae.

Isa sa Pap smear myths na pinaniniwalaan ng napakaraming babae ay ang procedure daw ay matatanggal ng kanilang virginity.

Ngunit paliwanag ni Dr. Wong, ang virginity ay nawawala sa isang babae kapag siya ay nagkaroon ng sexual intercourse at hindi sa pamamagitan ng Pap smear.

Pap smear myth #5: Ang Pap smear ay para lang sa mga babaeng may sex life o nakaranas ng makipagsex.

Tulad nga ng naunang nabanggit ang cervical cancer ay naiuugnay sa HPV virus bilang isa sa mga dahilan na maaring magdulot ng sakit.

Ngunit, ipinapaala ng mga eksperto na ang cervical cancer ay hindi lang nakukuha sa pakikipagsex.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit ang mga babaeng wala pang karanasan dito ay hindi exempted sa pagkakaroon ng cervical cancer dahil sa iba pang factors na maaring magdulot nito.

Ayon ulit sa Planned Parenthood Organization, lahat ng babae ay dapat sumailalim sa annual Pap test simula ng tumungtong ito sa gulang na 21 years old.

Nagpapaalala rin ang CDC na ang cervical cancer ay madalas hindi nagpapakita ng sintomas. Kaya naman ang Pap smear ay makakatulong para agad na madetect ito at malunasan.

Ang mga nabanggit ang mga Pap smear myths na madalas pumipigil sa isang babae na gawin ang napakahalagang procedure.

Pero paalala ng mga doktor, ang pagdaan sa Pap smear test ay hindi na dapat pinag-iisipan.

Dahil sa tulong nito ay maaring makaiwas ang isang babae sa isang sakit na maaring mas magdulot sa kaniya ng takot at hirap kung hindi maagapan.

 

Sources: Sun Star News, Mayo Clinic

Basahin: Did you know that your gynecologist can help boost your sex life?

Image: The Conversation