TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mas mahihirapan daw mabuntis ang mga nagpupuyat, ayon sa isang pag-aaral

2 min read
Mas mahihirapan daw mabuntis ang mga nagpupuyat, ayon sa isang pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral, mainam daw na paraan para mabuntis ang pagtulog at paggising ng maaga, at ang pag-iwas sa pagpupuyat.

Good news sa mga mommies na maaga matulog at gumising! Ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong daw sa fertility ang paggising ng maaga. Ito ay inihayag sa isang conference ng British Fertility Society, na naglalayong alamin ang mga iba’t-ibang paraan para mabuntis.

Sabi ng mga researchers mula sa University of Warwick, mas mataas raw ang posibilidad na mabuntis ng mga babaeng natutulog at gumigising ng maaga.

Isang simpleng paraan para mabuntis ang pagtulog at paggising ng maaga

Isinagawa nila ang pag-aaral sa mahigit 100 babae na gustong magkaanak, at sumasailalim sa IVF o in-vitro fertilization. Inalam rin ng mga researcher ang naging sleeping habits ng mga ina, at natagpuan nila na mas nagiging matagumpay ang IVF para sa mga inang maagang matulog at gumising.

75% ang naging success rate ng IVF para sa mga inang hindi nagpupuyat, at nasa 33% lamang para sa mga nagpupuyat. 

Ayon sa mga researcher, posible daw itong konektado sa kalusugan ng mga ina. Ito ay dahil ang mga babaeng natutulog at gumigising ng maaga ay kadalasang mas maalaga raw sa kanilang kalusugan.  Mas mababa raw ang posibilidad na sila ay naninigarilyo, umiinom, overweight, o kaya may diabetes at cardiovascular disease.

Malaking bahagi ng fertility ang kalusugan ng isang ina, at kapag mas healthy ang isang ina, mas madali rin siyang mabuntis.

Ngunit ayon sa leader ng pag-aaral, kinakailangan pa nilang gumawa ng karagdagang research. Ito ay para mapatunayan ang koneksyon ng pagpupuyat at fertility.

Mahalaga ang kalusugan pagdating sa fertility

Mas mahihirapan daw mabuntis ang mga nagpupuyat, ayon sa isang pag-aaral

Pagdating sa usapin ng fertility, isa sa pangunahing konsiderasyon ay ang kalusugan. Maraming mga nauusong “fertility diet” para sa mga inang gustong magkaanak na puwedeng makatulong pagdating sa pagpapalakas ng katawan ng mga ina.

Heto pa ang ilang tips na dapat tandaan upang maging mas fertile:

  • Kumain ng tama, at umiwas sa mga pagkaing masyadong matataba.
  • Umiwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak.
  • Magpatingin sa iyong gynecologist upang malaman kung mayroon ka bang mga problems sa fertility.
  • Mag-ehersisyo, pero wag masyadong magpakapagod.
  • Umiwas sa stress, at siguraduhing mayroon kang sapat na pahinga.
  • Matulog ng maaga, at huwag masyadong magpuyat.

Source: Good To Know

Basahin: Signs ng infertility sa babae

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Mas mahihirapan daw mabuntis ang mga nagpupuyat, ayon sa isang pag-aaral
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko