Sa maraming pagkakataon, habang tumatagal ang relasyon ay mas nagbabago ang pakikisama sa isa’t isa. Madalas na nagiging pattern ng mag-asawa ay nauuwi sa katulad na relasyon ng magulang sa anak. Kung saan may isang nagte-take over sa lahat. Ang tawag dito ay parent-child marriage. Paano nga ba nareresolba ito?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang parent-child marriage?
- Mga paraan para maresolba ang parent-child marriage
Ano ang parent-child marriage?
Isa sa madalas na napapansin sa isang relasyon ay ang pagbabago sa pakikitungo sa isa’t isa. Nakakapalagayang-loob na kasi natin ang partner kaya marami nang bagay na komportable tayong gawin. Sa mga heterosexual couples o relasyon ng isang straight woman at straight man, madalas na tumutungo sila sa parent-child relationship.
Nangyayari ito kung madalas ay para nang relasyon sa pagitan ng magulang at anak ang nangyayari kaysa sa mag-partner.
Sa mga magkarelasyon na heterosexual, parating ang gumaganap ng ‘parent’ o iyong mas mature ay ang mga babae, samantalang ang mga lalaki naman ‘child’ dahil sa pagganap nang passive-aggressive na para bang bata.
Sa maraming pamilya, maoobserbahan na kababaihan ang ang in charge talaga sa halos malaking porsyento ng gawain at dapat alalahanin sa pamilya.
Sila ang pangunahing nangunguna sa pag-oorganize ng mga bagay-bagay, pagpaplano sa bahay, pagbabantay sa mga bata, pag-aayos ng lahat ng gawain sa tahanan, at maging ang mga social relationships.
Madalas na nararamdaman ng kababaihan na mainam na siya na ang kumikilos nito kaysa iasa sa lalaking partner na kadalasang hindi nila nagugustuhan ang resulta.
Sa mga kalalakihan naman, madalas nagiging kilos binata sila kung saan mas kakaunti ang kinukuhang responsibilidad. Karamihan sa kanila ay hindi kayang magtaguyod ng pamilya mag-isa.
Dahil ito sa pangyayaring hindi kasing bigat ang expectations sa kanila habang pinapalaki pa lamang kaya kaunti lang din ang experience nila sa larangang ito. Sa kabila nito, kinikilala pa rin naman nila ang importansya ng pagkakaroon ng pamilya.
Ayon kay Avrum Welss, Ph.D, may mga ‘power struggles’ na posibleng mangyari sa relasyon kahit pa maganda ang naging pundasyon nito.
“When it goes well, as it often does in the beginning of a relationship, this is a great example of how couples can help each other learn and become more fully themselves, to live more completely into the full potential of who they are.
However, what starts as a mutually beneficial implicit agreement can deteriorate into a series of unspoken power struggles.”
Maganda naman daw ang ganitong relasyon dahil kapwa nagbibigayan sila ng magkaibang pagkatuto sa isa’t isa na dapat sana ay napauunlad.
Ngunit sa maraming pagkakataon, hindi ganito ang nangyayari. Nagkakaroon ng pattern kung saan babae lang ang laging nagdadala ng halos lahat. Kaya babae rin ang parating nauunang magkaroon ng labis na pagkadismaya.
BASAHIN:
RELATIONSHIPS: A guide to the ‘New Normal’ dating during the pandemic
Mga paraan para maresolba ang parent-child marriage
Nauuwi ang ganitong set-up madalas sa away na maaaring kahantungan ng paghihiwalayan. Bago, lumala mabuting bigyang solusyon na kaagad kung paano ito maayos.
Narito ang ilan sa paraan na aming inihanda upang maging guide kung sakaling mayroong parent-child marriage.
- Bawasan maging defensive at reactive sa tuwing nagbibigay ng direksyon ang misis sa kung ano ang gagawin. Mas mabuting makinig na lang muna bago sabihin ang inyong mga suggestions kung sakaling tapos na siya magsalita.
- Huwag isiping sa tuwing may ibini-bring-up na mga bagay ay direktang atake kaagad ito sa personal. Maaaring alamin kung ito ba ay nasasabi ng partner hindi lang para sa ikauunlad mo kundi maging sa relasyon ninyong dalawa.
- Iwasang sabihan ang partner na parating mali na lang ang kanyang nagagawa. Sabihan siya kung paano pa mapauunlad gawain para sa susunod ay matandaan niya at maging mas mabuti ito.
- Hangga’t maaari, kontrolin ang labis na emosyon katulad ng galit dahil nauuwi ito sa hindi pagkakaintindihan kaya madalas nagtatalo kahit sa simpleng mga bagay.
- Magkaroon ng malinaw na pag-uusap patungkol sa kung ano ang responsibilidad ng bawat isa. Sa ganitong paraan nahahati ang mga tungkulin sa inyong dalawa ang nagbu-build ng partner relationship sa halip na parent-child relationship.
- Huwag parating mambintang ng mali, at huwag ding parating isipin na ikaw ang tama. Palagi pa rin dapat natutong magbigay ng compromise para sa partner.
- Palaging maging bukas sa pakikipagkomunikasyon. Huwag maging sarado ang isipan sa punang sinasabi ng partner.
- Matutong magbago sa ilang mga gawi na kinasanayan noong binata o dalaga pa lamang. Ang pagpapakasal ay nangangahulugang panibagong responsibilidad at gawin na rin para sa inyong dalawa.