Alam ng lahat na mahirap maging ina, ngunit sa panahon na ito, parang lunod na halos lahat ng magulang sa tinatawag na parenting stress. Kung dati, layunin lang ng mga magulang ang buhayin ang mga anak nila, ngayon ay binubuo na ng mga magulang ang mga bata sa pamamagitan ng masinsinang pamamaraan upang masigurado ang kanilang kasiyahan, tagumpay at potential.
Sobra-sobrang parenting stress, nakakasama sa kalusugan
Aminin man natin o hindi, malaki ang stress na nadudulot ng komunidad sa mga magulang. Sa mga nanay, kung piliin nila magtrabaho, work-life balance ang nagdudulot ng stress. Ayon naman sa mga hindi nagtra-trabaho at naiiwan sa bahay para alagaan ang mga anak, malungkot ang ganitong buhay.
Sa ating kultura, ang mga bata ay dapat inaaalagaan ng nanay dahil ang mga tatay ay walang natural na kakayahan sa pangangalaga ng bata. Minamaliit ng mga komunidad ang mga tatay na naiiwan sa bahay upang mag-alaga ng mga anak habang ang mga nanay ay nagtratrabaho.
Ito ang nagiging sanhi ng sobra-sobrang stress, ang mga maling paniniwala.
Ang ideya ng perpektong ina ay dapat binibigay ang buong sarili sa mga anak. Walang ibang dapat mag alaga sa mga bata kung hindi siya.
Ang ideya ng perpektong nagtra-trabaho ay dapat binibigay ang buong loob sa trabaho at ang buhay pamilya ay hindi dapat nakaka-apekto ditto.
Ang ideya ng perpektong kabataan ay kung saan ang mga bata ay mahihina at dapat ay masinsinang inaaasikaso bawat bahagi ng buhay. Hindi dapat masabi ang maling bagay sakanila para hindi masira ang buhay nila.
Ang mga ideyang at paniniwala na ito ay ang nagdudulot ng sobra-sobrang stress sa mga magulang at hindi ang hirap ng pagtra-trabaho o pag-aalaga sa mga bata. Malaking pagbabago sa komunidad ang kakailanganin upang matanggal ang mga maling paniniwala na ito.
Paano bawasan ang stress
Ang kaalaman na ang stress ay dulot ng mga maling paniniwala ng komunidad ay nakakatulong bawasan ito. Ito pa ang ibang paraan para lalong mabawasan ang stress na dulot ng pressure ng perpeksiyonistang kultura.
Kung nararamdaman na may dapat kang gawin upang masunod ang pressure na dala ng kultura, tumigil at huminga ng malalim. I-klaro ang isip kasabay ng malalim na pag-hinga.
Pagkalmado na, suriin ang sitwasyon. Suriin ang bata, suriin ang mga pagpipilian.
Pagnasuri na ang buong sitwasyon, tsaka lamang making. Pakinggan kung ano sa mga sinasabi ng komunidad at pag-isipan kung ano lamang ang angkop sa sitwasyon. Tanggapin na hindi kailangan sundin ang mga sinasabi ng komunidad.
Gawin ang nararapat para sa iyo. Hindi kailangan tama ito, maaaring magkamali kahit magulang na. Dito tayo natututo Ang prosesong ito ay makakapagpataas ng kumpiyansa sa sarili ng mga magulang. Habang ginagawa ito, lalo tayong matututo.
Hindi natin mababago ang mundo nang mabilisan ngunit maaari natin baguhin ang ating sarili para sa kapayapaan ng ating isip at ng ating mga anak.
Source: Psychology Today
Basahin: Gaano ka ka-stressed? Mga paraan kung paano malaman
[tap-poll id= 39566]
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!