Parusa sa pag-abandona ng mga magulang, planong isabatas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inihain ni Senator Panfilo Lacson sa ang “Parents Welfare Act of 2019” bilang kanyang Senate Bill no. 29. Alamin ang nilalaman nito at maaaring matanggap na parusa sa paglabag nito.

Parents Welfare Act of 2019

Sa isinusulong na batas, nais ni Lacson na maparusahan ang mga anak na aabandona sa kanilang mga magulang. Pinoprotektahan ng batas ang mga magulang na nangangailangan ng suporta, may sakit at incapacitated. Ang mga lalabag sa batas na ito ay magkakaroon ng kasong kriminal.

Ang mga magulang na naabandona ay maaaring humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO). Sila ay ire-representa nito nang walang hihingin na bayad para sa mga serbisyo.

Ang mga mapapatunayan na umabandona sa kanilang magulang ay mahahatulan ng pagkakakulong mula isa hanggang anim na buwan. Sila rin ay maaaring magmulta ng nasa halagang P100,000 kung mapatunayang hindi suportahan ang kanilang mga magulang nang 3 magkakasunod na buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nais din ng ipinasang bill na magtatag ng mga retirement homes para sa mga nangangailangan nito. Nais ni Sen. Lacson na magkaroon nito sa mga probinsya at maging sa mga siyudad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Old age homes

Sa kasalukuyan, mayroong nasa 124 na mga old age homes sa buong Pilipinas. 52 sa mga ito ay matatagpuan sa NCR. Ang mga ito ay:

Para sa kumpletong listahan ng mga nursing homes sa Pilipinas, mag-click lamang dito.

Sources: ABS-CBN News, Webbline

Basahin: Sanggol na inabandona sa tambakan ng basura, naampon dahil sa social media