Isang ina ang labis na naghinagpis ng malamang ang pasa ng bata ay sign na pala ng sakit na leukemia.
Mga mababasa artikulong ito:
- “Puno ng pasa ang baby ko — sign na pala ito ng leukemia.”
- Leukemia sa bata, ano ang dapat mong malaman?
“Puno ng pasa ang baby ko — sign na pala ito ng leukemia.”
Larawan mula sa Pexels
Ikinuwento ng isang ina na si Natasha ang mapait na karanasan kung paano nila nalaman ang malait na kapalaran ng kaniyang anak na si Ashton dahil sa sakit na leukemia.
Mailalarawan niya raw na ‘perfect pregnancy’ ang kanyang pagbubuntis noon kaya wala siyang ideya sa mga susunod na mangyayari sa kanilang mag-ina.
“Hindi na maganda ang nararamdaman ko. Alam kong may mali.”
Pag-aalala niya, pagkalabas daw na paglabas ng kanyang anak ay ipinakita sa kanya ito ngunit saglit lang at inalis agad sa kanyang paningin. Narinig niya pa raw na umiyak ito nang bahagya sa gitna ng tahimik nilang kwarto.
Tinatanong niya raw kung kumusta na ang anak niya na sinagot naman nilang nasa maayos na kalagayan. Hindi niya raw alam, ngunit maaaring mother instinct ngunit nararamdaman niyang may mali.
Isang beses daw nang magkasama sila ng kanyang asawa ay pumasok ang isang social worker sa kanilang room. Nabasag daw ang kanyang puso sa mga ipinakitang larawan sa kanila nito.
Kitang-kita niya raw ang pasa ng bata. Napalilibutan din daw si Ashton ng maraming little bumps sa kanyang katawan. Kinabukasan daw ay kinailangan siya ilipat sa ibang ospital. Nalaman nila na mayroon nang congenital acute myeloid leukemia ang anak, isang uri ng cancer sa dugo.
Larawan mula sa Pexels
Matapos daw nilang malaman ang sakit si Ashton, sobrang tuwa raw nila nang sa unang beses ay mayakap na ang anak. Kasabay nito, sobra-sobra rin daw ang takot nila sa tuwing hinahawakan ang sanggol na baka hindi siya maka-survive.
Sa pangalawang pagkakataon daw na nag-chemotherapy ang kanilang baby, kitang-kita raw sa mata ng sanggol ang comfort na dala nito sa kanila. Dito nagsimulang lumakas ang loob nilang dalawa.
Matatawag daw nilang “little fighter” ang kanilang anak. Nalaman din nilang umeepekto na ang gamutan laban sa leukemia nang lumitaw na ang mga pasa ng bata sa kanyang katawan. Apat na buwan daw tumagal ang ganitong proseso at masaya silang nag-improve naman na ang anak.
“Nakakadurog ng puso nang malamang bumalik ang kanyang sakit.”
Matapos lang daw ang tatlong buwan, parang bangungot muli ang nangyari. Mayroong daw tumubo na maliit na lump sa noo ng bata hanggang sa patuloy na lumaki. Dito na nila nalamang bumalik na naman ang sakit ni Ashton.
Eight months lang daw ang bata noong mangyari ulit iyon. Naging high-risk protocol na raw ang kinailangan kaya naman mas intense na ang chemotherapy ng bata this time. Hindi na rin daw ito nakakakain, mababa na ang heart rate at maging oxygen levels nito. Hindi na raw nila alam kung ano ang mga susunod pang mangyayari para sa anak.
Ang bone marrow transplant daw ang nagligtas sa buhay ng anak noong mag-isang taong gulang na ito. Dito na raw nagsimula ang improvement niya.
Magdadalawang taon na raw ang anak niya nang mag-remission ang cancer. Nagsimula na rin daw itong ipasok niya sa daycare kung saan nakikita niyang naging masigla ito. Nakakatakbo at nakakalaro na raw ito tulad ng isang normal na bata.
Pagkukwento niya pa, madalas daw tanungin ng kapatid nito kung wala na ba ang ‘blood monsters’ sa katawan ng kanyang anak na may leukemia.
Ang tanging hiling na lang niya? Sana ay hindi na muli pang bumalik ang leukemia ng kaniyang anak.
Leukemia sa bata, ano ang dapat mong malaman?
Larawan mula sa Pexels
Tumutukoy ang leukemia sa isang uri ng cancer na nakukuha sa dugo at bone marrow. Isa rin daw ito sa common na cancer para sa mga bata.
“When a child has leukemia, the bone marrow makes abnormal blood cells that don’t mature. The abnormal cells are usually white blood cells (leukocytes). The bone marrow also makes fewer healthy cells. The abnormal cells reproduce very quickly. They don’t work the same as healthy cells.”
Hindi pa rin daw alam sa ngayon ang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng leukemia ang bata. Maaaring nagkakaroon daw ng high-risk na magkaroon ang bata dahil sa certain conditions ng parents.
Nangyayari ito dahil sa ilang mga factors tulad ng:
- Pagiging exposed sa high levels ng radiation
- Pagkakaroon ng mga namamanang syndromes tulad ng Down syndrome o Li-Fraumeni syndrome
- Maaaring mayroong leukemia ang kapatid na babae o lalaki
- Pagkakaroon ng namamatang kundisyon na naaaring makaapekto sa immune system ng bata
Ilan sa senyales na mayroon ang bata na leukemia ay pagiging maputla, laging nahihilo, pagkakaroon ng pasa, pagbaba ng timbang at panghihina.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!