Pasador: Advantage at disadvantage ng paggamit ng cloth pads tuwing may menstruation

Mabuti sa kalikasan at sa kalusugan ang paggamit ng cloth pads o pasador kompara sa disposable sanitary napkin na gawa sa synthetic materials.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marahil narinig mo na ang salitang “pasador” mula sa mga nakatatanda. Bago pa man mauso ang disposable sanitary napkin at tampons na ginagamit tuwing nireregla ang babae, nariyan na ang pasador o cloth pads in English. Ano nga ba ang pasador at ano ang advantage at disadvantage ng paggamit nito?

Pasador napkin

Ang pasador ay tumutukoy sa kapiraso ng telang inilalagay ng mga nakatatanda noon sa kanilang mga underwear tuwing may regla. Ngayon ay mayroon nang mas user-friendly version ng pasador na mabibili online.

Larawan mula sa Shutterstock

Benepisyo o advantage ng paggamit ng pasador napkin

Eco-friendly

Makatutulong ka sa kalikasan sa paggamit ng reusable cloth pads. Ayon sa artikulo ng Noli Soli tungkol sa pasador, mayroon umanong analysis ang Ecowaste Coalition sa Freedom Island sa Paranaque, kung saan ay 7% ng mga basurang nakolekta sa isang araw ay sanitary pads, panty liners, at disposable diapers. Kung susuriin ito, nangangahulugan na dumadagdag sa kalat at polusyon ang paggamit ng mga disposable sanitary napkin at panty liners. Kung gagamit ng reusable cloth pads o pasador, mababawasan ang mga basurang kailangan nating itapon.

Komportableng suotin at mabuti sa kalusugan

Ang mga modernized pasador ngayon ay gawa na sa natural, absorbent fabrics tulad ng cotton at bamboo. Ibig sabihin, mas komportable na itong suotin kompara sa disposable sanitary napkin na gawa sa synthetic materials, adhesive, at fragrance chemicals. Prone kasi na maging breeding ground ng germs at bacteria ang plastic films na ginagamit sa disposable sanitary pads. Maaari itong magresulta ng fungal infections at pangangati. Makatutulong ang paggamit ng pasador upang maiwasan ang infections, skin irritation, skin rashes at allergies.

Economical

Medyo pricey man ito kung ikokompara sa disposable pads, ang kagandahan dito ay hindi mo naman kailangang itapon ang pasador. Maaari mo itong gamitin nang paulit-ulit, hindi gaya ng disposable pads na itatapon na lang at bibili ng panibago matapos gamitin. Karamihan sa mga pasador ngayo ay may lock-in buttons at sans adhesive, at nilikha upang magtagal ng ilang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Disadvantage ng paggamit ng pasador

Mayroon din namang ilang disadvantage ang paggamit ng cloth pads tulad na lamang ng paraan kung paano ito linisin. Kailangan mo itong labahan upang magamit ulit sa susunod. Hindi kagaya ng disposable pads na pagkatapos gamitin ay itatapon na lang at papalitan ng panibago.

Bukod pa rito, hindi rin ito ganoon ka-convenient gamitin lalo na kung nasal abas ka ng bahay. Kung pasador ang gagamitin mo kapag umalis ka nang bahay, ihanda mo na ang iyong sarili na mag-uwi ng gamit nang cloth pads o kaya naman ay maglaba ng cloth pad sa pampublikong rest room. Dagdag pa rito, limitado ang mga nagbebenta ng cloth pads hindi tulad ng disposable napkin na maaari mong mabili saan ka man magpunta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gaano kadalas dapat magpalit ng pasador?

Kung first time mong gagamit ng cloth pads mahalagang i-check mo from time to time kung puno na ba ang iyong napkin. Usually, dry naman ang feeling sa umpisa kapag gumamit nito, katulad lamang ng paggamit ng disposable napkin. Mayroon kasing absorbent core ang napkin na sumisipsip ng menstrual blood. Kapag puno na ang absorbent core nito posibleng makaramdam na tila basa o malagkit. Kapag ganito na ang naramdaman, mahalagang magpalit na ng pasador kapag na-reach na ang absorbent capacity. Kasi, kung hindi pa magpapalit, posibleng mag-leak at matagusan.

Ayon sa organicmenstruation.com, mas mataas ang absorption capacity ng pasador kaysa sa disposable sanitary napkin. Kaya mas madalang ang pagpapalit ng cloth pads kung ikokompara sa paggamit ng conventional pads. Subalit, tandaan din na nakadepende pa rin ito sa intensity o kung gaano kalakas ang iyong regla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Paano linisin ang cloth pads

Kung paisa-isa mo itong lalabhan, maiging kusutin na lamang ito. Pero kung sabay-sabay mong lalabhan ang mga nagamit na pasador, puwede itong labhan sa washing machine. Sapat na ang 60 degrees upang malinis ang cloth pads at mapatay ang mga germs at bacteria rito.

Kapag hindi agad malalabhan ang cloth pad, banlawan muna ito ng cold water matapos gamitin. Kung may stain naman, puwedeng gumamit ng baking soda paste para matanggal ang mantsa. Pagkatapos ay isampay at pahanginan hanggang sa malabhan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan na hindi dapat gamitan ng fabric softener ang cloth pads. Ang paggamit ng fabric softeners ay nagdudulot ng damage sa fibers ng tela na nagreresulta upang mabawasan ang absorbent properties ng pasador.

Sinulat ni

Jobelle Macayan