Marami na naman magpapa paskong OFW na malayo sa kanilang pamilya. Paano maipaparamdam sa kanila ang pagmamahal mo ngayong Pasko kahit magkalayo kayo? Narito ang ilang paraan na maari mong gawin.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Paskong OFW: Paano magiging connected sa kapamilya mo abroad ngayong holiday season
- Iba’t-ibang paraan para maging connected sa iyong pamilya ngayong pasko.
Paskong OFW: Paano magiging connected sa kapamilya mo abroad ngayong holiday season
Magpapasko na naman, maraming pamilya ang muling mag-rereunion o magsasama-sama. Pero marami rin ang magkakalayo at ipadidiwang ang nalalapit na pasko na hindi kasama ang kanilang pamilya. Nangunguna na nga dyan ang mga kapamilya nating OFW o overseas Filipino worker na tinitiis ang malayo sa pamilya para maibigay ang pangangailangan nila.
Ngayon, sa tulong ng teknolohiya ay hindi na mahirap makasama ang mga mahal mo sa buhay sa mga mahahalagang okasyon na ito, Ano ang maari mong gawin? Narito ang ilang paraan.
Iba’t-ibang paraan para maging connected sa iyong pamilya ngayong pasko
-
Social media.
Ito ang nangungunang paraan ngayon para maging connected ang mga tao hindi lang sa isang bansa kung hindi saan mang sulok ng mundo. Sa tulong ng Facebook, Instagram at iba pang social media apps mabilis kang makakakuha ng update sa nangyayari sa buhay ng mahal mo. Puwede mo rin siyang makasama at makausap virtually sa pamamagitan ng video chat.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Online meeting platform.
Para mas marami naman ang makajoin ng video chat at mas matagal ang inyong pag-uusap, best idea rin ang paggamit ng mga online meeting platforms. Sa pamamagitan ninyo ay hindi ninyo lang sabay-sabay na masasalubong ang pasko at bagong. Puwede rin kayong patuloy na mag-usap o magkasama virtually habang ipinagdidiwang ang espesyal na okasyon.
-
Text and messaging apps
Maliban sa social media at online meeting apps, mayroon din mga text o messaging apps na ginagamit ng marami sa atin ngayon. Sa tulong ng apps na ito ay mas bumibilis ang palitan ng impormasyon. Pati na mga larawan at videos na madalas na souvenirs ng mga okasyon. Ilan sa mga text and messaging apps na ginagamit ng marami sa atin ngayon ay Whatsapp, Viber at Telegram.
Larawan mula sa Shutterstock
Ilan lamang iyan sa mga paraan para maging connected sa iyong pamilya abroad ngayong pasko.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!