Just in time for Father’s Day, in-upload ni Heart Evangelista ang, by far, her most favorite vlog entry na kaniyang ginawa—ito nga ang cooking video kasama ang amang si Reynaldo Ongpauco at ate na si Mich. Ibinahagi ng ama ni Heart kung paano siya nagsimula sa food at restaurant industry at nag-share rin ito ng isang dish niya noon sa Barrio Fiesta, ang pata tim recipe.
Aniya nga sa kaniyang Instagram post, “One of my favorite vlogs we’ve ever filmed… Cooking with my Dad and Ate Mich!”
“Just in time for Father’s Day! Had so much fun filming this one,” dagdag pa ng aktres.
View this post on Instagram
Nag-umpisa pa lamang
Ayon sa ama ni Heart na si Rey Ongpauso, “Well my mom started it, you know and from there do’n kami natuto. Lumaki kami sa kanya, dun nag-umpisa ang mga Barrio Fiesta.”
Nakuwento din ng ama ni Heart na ang kanyang tatay dati ay isang officer sa army, colonel siya tapos nag-produce ito at naging producer sa Everlasting Pictures.
Kuwento ni Rey, “Noong nag-umpisa ako, edi dun muna ako napunta sa States. Ayoko muna dito kasi madalas akong mapagalitan. Nag-i-stow away ako nung dumating ako do’n. I have only $200 pocket money in LA.”
“Hanggang umabot ako sa quarter na lang, hindi ko na alam san ako pupunta. One time naglalakad ako sa downtown nakita ko ‘yong friend ko from here, tiga-Malabon classmate ko siya sa Ateneo no’n. Tapos nagkita kami sinama niya ako sa bahay niya, tapos tinuruan niya ako paano mabuhay do’n and do’n nag-i-start,” pagpapatuloy ng ama ni Heart.
Aniya, “Tapos napunta ako sa Beverly Hills, tapos ‘pinakilala ako sa manager na Pilipino, they called the restaurant “Luau”—home for the stars, puro celebrities like Frank Sinatra, Dean Martin, Johnny Mathis, Elizabeth Taylor, ‘yang mga ‘yan.”
Nakuwento din ni Rey na ang una niya ngang trabaho ay bilang isang server ngunit ang mga kasamahan nitong mga waiter di-umano ay hindi na siya pinagta-trabaho sa dining at pinagluluto na lamang daw siya sa kitchen at sila na nga lamang daw ang bahala sa table nito.
Natutuwa niyang nire-recall, “Kapag naluto na nakapila na silang lahat, ultimo yung anak ng may-ari si Cheryl Crane, ‘yong anak ni Lana Turner.”
“The big shift” ng Barrio Fiesta
Masaya ring inalala ng ama ng GMA-7 actress at vlogger ang “the big shift” niya at ng buong pamilya sa States, kung saan nagsimula siya ng Barrio Fiesta.
“Ang nangyari sa atin no’n nauna pa ako pumunta sa inyo. Inayos ko ‘yong lugar natin. Bumili ako ng bahay. Nang maayos na saka ko kayo pinapunta do’n hanggang ready na,” panimula ng ama.
“And then we started in Rainbow Station along El Camino, do’n tayo nag-i-start ng restaurant [Barrio Fiesta]. Sobrang lakas, di ba? Tapos nag-branch out ako sa San Jose, di ba?” natutuwa niyang pag-alala.
Aniya pa, “Yung nangyari sa umpisa natin, ‘yong mga Singing Cooks and Waiters. Tapos ‘yong ang daming nag-abang na Pilipino, di ba? Sinasarado natin ‘yong pintuan dahil wala na ubos na ‘yong mga pagkain natin ayaw na nating magpapasok sa dami ng tao.”
Pata tim recipe
Habang nagkuwe-kwentuhan sila Heart kasama ang kanyang ama at ate, in the process nilang ginagawa o niluluto ang pata tim recipe ng kanyang ama sa Barrio Fiesta noon.
Sangkap
- Pata (front legs) – 1 kilo
- Tubig
- Toyo – 2 cups
- Asukal – 3 cups
- Whole button mushrooms – 2 regular cans
- Nilagang itlog
- Magic sarap
- Dahon ng laurel – 3 leaves
- Pork cubes – 3 pieces
- Bawang
Paraan ng pagluto
- Ilagay muna ang pata (front legs) sa isang malaking stock pot.
- Tapos lagyan ng tubig, enough water di-umano para matakpan ang pata upang maging tender at pwede pa ring dagdagan ang tubig kalaunan.
- I-boil ito for four (4) hours para maging tender.
- After mag-tender ng pata, i-add ang toyo and then hayaan munang mag-boil.
- Matapos mag-boil ilagay ang asukal. Maglagay muna ng kalahati at unti-unti habang naluluto nagdadagdag ka (titikman mo rin at babantayan).
- Ilagay ang bawang.
- Ilagay ang dahon ng laurel para bumango.
- Tapos lagyan ng pampasarap, ang magic sarap.
- Ilagay na rin ang tatlong pork cubes.
- Ilagay ang mushroom.
- Sa isang separate na pot i-boil na ang mga itlog matapos i-boil isama na sa pata tim ang hard boiled egg upang makuha ang kulay at lasa nito (mas maganda kung isama ang hard boiled eggs sa pata tim kung patapos na o malapit ng maluto ito, 20mins bago matapos maluto).
Panoorin ang buong video ng pagluto nila ng fried rice at pata tim recipe ng Barrio Fiesta:
Basahin: Adulting 101 with Heart Evanglista at Chiz Escudero
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!