15-year-old na bata patay dahil sa pagpupuyat sa Mobile Legends

Isang binata ang patay dahil sa pagpupuyat nang dahil sa online game.

Isang 15-year-old na binatilyo mula sa General Santos City ang namatay dahil umano sa pagkalulong niya sa online game na Mobile Legends. Ano nga ba ang masamang epekto ng pagpupuyat at bakit humantong sa ganito ang sitwasyon ni Ashton Kyle Alferez.

Patay dahil sa pagpupuyat sa Mobile Legends

Ayon sa ama ng binata, ang online game na Mobile Legends na ang nagsilbing libangan ng kanyang anak simula noong nag-quarantine.

Ngunit dahil dito, hindi na nakakatulog nang maayos ang bata at minsan pa nga raw ay hindi na rin ito nakakakain sa oras.

Batay sa findings ng mga doktor, napag-alamang may sakit ito na leukemia. Ngunit noong isinugod siya sa ospital, lubhang pananakit ng katawan at pagkahilo lamang ang kanyang nararamdaman. Ayon pa sa kanyang ama, simula bata ay hindi pa na-admit sa ospital ang kanyang anak dahil ito ay malusog.

Masamang epekto ng pagpupuyat

Image from Freepik

Maraming masamang epekto ang dala ng pagpupuyat. Bukod sa pinapahina nito ang immune system ng tao, pinapataas din nito ang risk sa mga sakit tulad ng cancer at diabetes.

Ang leukemia ay isang sakit sa dugo at bone marrow. Bagama’t madalas na inihahambing ang pagpupuyat ng isang tao sa sakit sa dugo, ang leukemia ay madalas na nakukuha sa genes. Kung mayroon kayong family history nito ay mas prone ka na magkaroon ng ganitong klase ng sakit.

Paano pipigilan ang iyong anak sa pagpupuyat

Image from Freepik

Dahil nga hindi nakabubuti ang pagpupuyat, narito ang ilang mga paraan upang mapigilan mo ang iyong anak na gawin ito.

  • Mag-set ng screen time para hindi sila sumosobra sa exposure sa gadgets.
  • Patayin ang Wi-Fi pagsapit ng bed time.
  • Puwede mo ring kuhanin ang kanilang gadgets upang maiwasan na gamitin nila ito kung kailan dapat natutulog na sila.
  • Disiplinahin sila na kumain din sa oras.
  • Huwag hayaan na puro online games lang ang kanilang ginagawa. Magkaroon ng mga physical activities na makakapigil sa kanila para mag-internet buong araw.

Kahit na medyo matanda na ang iyong anak, siguaraduhin na binabantayan pa rin sila pagdating sa paggamit ng gadgets. Lalo na kung naaapektuhan na ng kanilang pagkalulong sa online games ang kanilang araw-araw na buhay.

 

Basahin:

8-anyos na-damage at lumabo ang mata dahil sa sobrang paglalaro ng online games

 


Sinulat ni

mayie