Isang lola ang arestado matapos mapag-alaman na pinatay niya ang kaniyang sariling apo. Hindi pa nakuntento, inilagay pa raw ng matanda ang patay na sanggol sa loob ng isang mainit na oven!
Ano kaya ang dahilan kung bakit niya ito nagawa?
Patay na sanggol natagpuan sa loob ng oven
Ang lola na si Carolyn Jones, 48, ay kinasuhan ng first-degree murder dahil sa karumal-dumal na pangyayari.
Ayon sa mga ulat, kasama raw ng matanda ang kaniyang apo, ang 20 buwang gulang na si Royalty Marie Floyd sa kaniyang bahay. Hindi alam ng mga awtoridad kung nasaan ang mga magulang ng bata.
Natagpuan daw ang patay na sanggol ng isang kamag-anak, na dali-daling tumawag sa mga pulis.
Base sa imbestigasyon, sinaksak daw ng lola ng bata ang sanggol, at inilagay sa loob ng oven. Hindi pa alam ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng bata, at kung buhay ito nang pinasok sa loob ng mainit na oven.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis, at kanilang aalamin ang motibo ng lola kung bakit niya ito nagawa.
Umaasa silang mahahanap rin ang hustisya para sa kawawang sanggol.
Huwag saktan ang mga bata
Hindi maikakaila na mahirap mag-alaga ng bata. Minsan, nakakainis kapag sila ay iyak ng iyak, at nakakapagod rin mag-alaga.
Pero bilang mga nakakatanda at magulang, mahalagang mahaba ang ating pasensya at intindihin ang mga bata. Madalas, hindi naman nila alam ang tamang pag-uugali, at nasa sa atin ang responsibilidad na ituro ito sa kanila.
Heto ang ilang mga bagay na kailangang tandaan:
- Huwag padalos-dalos pagdating sa pagdidisiplina. Huwag saktan ang mga bata, at hindi rin sila dapat sinisigawan. Gumamit ng ibang uri ng pagdidisplina tulad ng time out at pagbababawal ng mga bagay.
- Posibleng kaya makulit ang bata ay dahil ginagaya ang inyong pag-uugali. Tingnan muna kung paano kayo sa bahay at alamin kung may epekto ba ito sa ugali ng inyong anak. Mas napapansin ng mga bata ang ating ugali, at dito sila natututo.
- Habaan ang pasensya, at unawain ang iyong anak. Madalas ay walang kontrol ang mga bata sa kanilang emosyon at mga gawain. Kaya nasa sa ating mga nakatatanda upang maging mapagpasensya at maunawain.
- Purihin sila kapag gumagawa ng tama, at pagsabihan kapag may ginawa silang mali. Huwag kalimutan na iparamdam sa iyong anak na nakikita mo kapag may ginagawa silang tama, hindi lang kapag may mali silang nagawa.
- Subukan ang iba’t-ibang paraan ng pagdidisiplina sa iyong anak. May mga uri ng pagdidisiplina na mas epektibo para sa ibang bata, at hindi epektibo sa iba.
Source: NBC News
Basahin: Sanggol, pinatay ng ama sa isang live video!