TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sanggol, pinatay ng ama sa isang live video!

3 min read
Sanggol, pinatay ng ama sa isang live video!

Ang walang kalaban-laban na sanggol pinatay ng sariling ama sa isang live na video habang walang magawa ang kaniyang ina kundi ang manood.

Walang kahit sino ang may gustong mapasok sa isang abusive na relationship. Ngunit para sa iba, hindi madaling umalis sa ganitong kalagayan. At ito na nga ang naging kuwento ng isang inang nasa ganitong klaseng relasyon. Napilitan siyang panoorin kung paanong ang kanilang sanggol pinatay ng kaniyang asawa sa isang live video.

Sanggol pinatay sa isang live video

sanggol pinatay

Ang ama na si Wuttisan “Tei” Wongtalay, at ang kaniyang anak na si “Beta”. (Photo: Screengrab from YouTube)

Isang lalake mula Thailand ang kumuha ng video kung saan pinatay niya ang kaniyang anak na si, Beta, na kaniyang ibinahagi sa social media. Matapos ang insidente, nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagbibigti.

Ibinahagi sa CNN ni Group Capt. Somsak Khaosuwan, mula sa Ministry of Digital Economy and Society ng Thailand, na ang video daw ng pagkamatay ng bata ay nasa social media ng 24 oras.

Mas malala pa dito ay napilitang panoorin ng inang si Jiranuj Trairat ang walang-awang pagpatay sa sarili niyang anak. Bukod dito, wala pa siyang magawa upang sagipin ang sarili niyang anak. 

Kasama raw niya ang kaniyang pinsan nang bigla siyang tinawag nito. Nagtitingin daw sa Facebook ang pinsan nang makita ni Jiranuj ang kaniyang asawa sa isang video habang tinatalian ang leeg ng anak. 

“Alam ko na may mangyayaring masama,” sabi ni Jiranuj.

Pinatawagan niya sa pulis ang kaniyang pinsan, at dali-dali naman siyang umuwi sa kanilang tahanan.

Nakita daw niya ang video ng mga 5:00pm, at nakauwi siya ng bahay ng 6:00pm.

Nasa isang abandonadong building daw ang katawan ng mag-ama. Nakitang magkatabi ang kanilang bangkay, sabi ni Jullaus Suvannin, ang pulis na nag-iimbestiga sa kaso.

baby killed on live video

Ang ina ng bata na si Jiranuj Trairat, na pinagluluksa ang pagkamatay ng kaniyang asawa at anak. (Photo: Screengrab from NY Post)

Ayon sa deputy police spokesman na si Kissana Phathanacharoen, ito raw ang unang insidente ng ganitong klaseng pagpatay na nangyari sa Thailand. 

Paano ito nangyari?

Ayon sa mga pulis, abusado daw ang lalake sa kaniyang asawa.

Nag-away raw sila isang araw bago mangyari ang insidente. Dahil dito, napilitang umalis ang babae dahil sinasaktan siya ng kaniyang asawa. 

Natatakot daw ang lalake na baka siya ay iwan at hindi na mahalin, ayon sa mga ulat. 

Ano ang sabi ng mga netizen?

Galit na galit ang mga netizen sa nangyaring insidente. 

Ang isa sa kanila, si Avada Teeraponkoon, ay sinabing ito na raw ang pinakamasamang video na kaniyang napanood. Hindi niya nasikmurang panoorin kahit ilang segundo lang ng video.

“Paano niya nagawang panoorin ang pagkamatay ng anak niya?” sabi ni Rujirek Polglang. Dagdag pa niya, sana namatay na lang daw ng mag-isa ang ama.

Kami rito sa theAsianParent ay nakikiramay sa inang nawalan ng kaniyang pinakamamahal na anak. 

Source: CNN, New York Post

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/baby-killed-on-live-video

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

Basahin: Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Sanggol, pinatay ng ama sa isang live video!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko