Pauleen Luna-Sotto: "Once you become a mom, you will do anything and everything to protect your child." 

"Every child is a blessing."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbigay ng komento si Mommy Pauleen Luna-Sotto tungkol sa mga basher ng kanyang baby na si Tali. Ayon sa aktres, nirerespeto niya ang lahat ng opinyon ngunit kung hindi ito maganda, wag na lamang sabihin.

Pauleen Luna-Sotto, nagbigay ng komento sa mga basher ni baby Tali

Sa mediacon Facebook live ng pinakabagong morning show ng TV5 na Chika, Besh, nabigyan kami ng pagkakataon na sagutin ng aktres at Eat Bulaga host na si Pauleen Luna Sotto ang mga issue tungkol sa mga basher ng kanyang anak na si baby Tali.

Pauleen Luna, nagbigay ng komento sa mga basher ng kanyang anak | Image from Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kamakailan lang, binigyan ng babala ni Mommy Pauleen ang isang netizen dahil sinabihan nitong ‘pangit’ ang kanyang anak.

Ayon sa aming interview sa kanya, wala namang masama sa paglalahad ng opinyon. Ngunit nagiging masama lang ito kapag hindi maganda ang kanyang pakay lalo na kung inosenteng bata ang sinasabihan nito.

Suportado naman siya ng ibang mommy ngunit mayroong ring tao na sinasabing tigilan ang pag-upload ng picture ni baby Tali sa social media kung ayaw nitong makarinig ng hindi maganda. Ngunit para sa kanya, masaya siya rito at proud na proud siya. Hindi maikakaila na nagbibigay ng ‘joy’ ang kanyang anak sa mga tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There are people who support me but there also some people na naririnig ko na sinasabi ‘wag mo i-expose yung anak mo kung ayaw mong makarinig ng hindi masyadong maganda. But for me, sharing Tali with people gives me and gives them so much joy. And i think mas nangingibabaw yun than the bad and not so good comments. At the end of the day, why do i share my daughter? It is because i am proud.”

Pauleen Luna, nagbigay ng komento sa mga basher ng kanyang anak | Image from Pauleen Luna-Sotto Instagram

Sino ba naman kasing ina ang hindi ipagtatanggol ang kaniyang anak lalo na kung naaapi ito?

“Proud na proud lang ako sa anak ko. I’m always proud of my daughter, she always be perfect to me, she always be beautiful to me.”

“I’m a mom. You can’t expect me naman to-kapag inaapi ka na ba o yinuyurakan na ang pagkatao ng anak mo na hindi naman makalaban para sa sarili nila. Hindi ako yung sit back, watch and enjoy. Siguro ‘yan ‘yung kailangang maintindihan ng mga tao. once you became a mom, you will do anything and everything to protect your child.”

Todo support rin ang kanyang co-host na si Mommy Pokwang sa sinabi nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa kaniya, lahat tayo ay dumaan sa pagkabata at mararanasan rin nating maging magulang. “Every child is a blessing.” ito pa ang kaniyang dagdag.

“Dumaan tayo lahat sa pagiging bata. Lahat tayo ay minahal, prinotektahan ng nanay natin so please, alamin niyo yung pakiramdam ng isang magulang kapag ang anak nila ay na-bully o ano, alamin niyo ‘yun. Ilagay niyo ‘yung lugar niyo doon. Dumating tayo sa ganyang edad at balang araw magiging magulang ka din. Mararamdam mo ‘to.”

Mapapanood ang Chika, Besh! sa TV5 sa oras na 10:00 AM. Available na rin ito sa Colours, Cignal TV CH. 202 HD at CH. 60 SD.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna and Vic Sotto

Pauleen Luna, nagbigay ng komento sa mga basher ng kanyang anak | Image from Pauleen Luna-Sotto Instagram

Noong November 6, 2017, ipinanganak ni Pauleen Luna-Sotto ang kanyang unang baby kay Vic Sotto na si Talitha. Sa ngayon, 2 years old na siya at kasalukuyang nagbibigay saya sa pamilya Sotto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa sa longest running show na Eat Bulaga sa GMA 7 kung saan pareho silang host. Noong 2011 naman umugong ang rumor na ang dalawa ay nagde-date. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa. At taong 2013, dito na inamin ni Vic Sotto ang kanilang relasyon sa publiko.

Pagkatapos ng 4 na taon na kanilang pagde-date, noong January 30, 2016 nga ay tuluyan na silang kinasal sa St. James The Great Parish Church sa Alabang.

 

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Reaction ni baby Tali kapag pinapagalitan ni Pauleen Luna-Sotto

Solenn, sinagot ang comment na pangit ang anak niya

WATCH: Solenn Heussaff nagbahagi ng kaniyang breastfeeding journey says “Every mom is different.

Written by

Mach Marciano