LOOK: Pauleen Luna ipinanganak na ang second baby nila ni Bossing Vic Sotto

Pauleen grateful sa maayos at full-term na pagbubuntis sa pangalawang anak sa kabila ng kaniyang kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna nanganak na sa second baby nila ng mister na si Vic Sotto.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pauleen Luna nanganak na.
  • Mensahe ni Pauleen sa anak at mister na si Vic.

Pauleen Luna nanganak na

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Ipinanganak na ng aktres at TV host na si Pauleen Luna ang second baby girl nila ng mister na si Vic Sotto. Ito ang latest na post ni Pauleen sa kaniyang Instagram stories na kung saan makikita ang cute na lips ng isang baby na may pagbating “Good morning”.

Ayon sa reports, si Pauleen ay nanganak noong January 23 sa pamamagitan ng scheduled cesarean section delivery. Isang araw bago ang panganganak, si Pauleen may post sa Instagram tungkol sa kaniyang last pregnant selfie.

“Today, I took my last (probably, ever) pregnant selfie. Yes, it sure is a sentimental feeling but I feel extremely blessed to be able to carry another child despite my condition.”

Si Pauleen ay nakakaranas ng kondisyon na polycystic ovary syndrome o PCOS.

Mensahe ni Pauleen sa anak at mister na si Vic

May mensahe rin si Pauleen sa kaniyang panganay na si Tali na ipinagdasal daw ang magkaroon ng baby sister. Kahit nga daw may bagong baby na, mensahe niya sa anak walang magbabago sa kanila. Mananatili daw itong una sa puso niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To my dear Tali, I know this is something new and things might be a little different but know that you will always be mommy’s first.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pauleen sa anak na si Tali.

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinasalamatan niya rin ang mister na si Vic Sotto sa suporta at pagmamahal na ibinibigay nito sa kaniya.

“To my ever supportive and loving husband, I am so grateful for you. I look at you now as I type these words and my heart is just filled with love and gratitude. Mahal na mahal kita. Habang buhay.”

At sa huli, si Pauleen nagbigay rin ng mensahe sa kaniyang second baby na tinawag niyang Mochi Girl.

“And to my mochi girl, mommy cannot wait to hug and kiss you tomorrow! You are yet another answered prayer in our lives! I’m so excited to make memories with you and your ate and dad. I love you!”

Congratulations Pauleen and Bossing Vic!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement