Pauleen Luna at Vic Sotto magkakaroon muli ng isang baby girl!

Si Pauleen inakalang baby boy na ang kaniyang ipinagbubuntis. Bossing Vic at anak na si Tali panalo sa kanilang bet bilang Team Girl!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto girl muli ang second baby. Tingnan dito ang kanilang naging gender reveal party.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pauleen Luna and Vic Sotto second baby.
  • Gender reveal party ng pangalawang anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna.

Pauleen Luna and Vic Sotto second baby

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Nitong nakaraang linggo ay kinumpirma ni Pauleen Luna na buntis siya sa second baby nila ni Vic Sotto. Ang mga kaibigan at ka-pamilya ni Pauleen masaya sa balitang ito. At humiling na sana boy na ang ipinagbubuntis ni Pauleen para may magka-pares na silang anak ni Bossing.

Hindi naman na pinatagal nila Pauleen ang paghula ng kanilang fans at followers sa kung anong gender ng second baby nila ni Vic. Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi niya ang gender reveal party ng kaniyang baby na ang mga anak ni Vic na si Danica Sotto-Pingris at Joy Sotto ang nag-organize.

“Yesterday, our dear family, headed by @danicaspingris and @joywsotto threw an amazing gender reveal party for us. So so grateful for a fun filled afternoon! (Hindi ako nakatulog last night cos hindi ako maka move on.?”

Ito ang caption ng post ni Pauleen sa Instagram kalakip ang mga larawan sa naging gender reveal party.

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Gender reveal party ng pangalawang anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa sumunod niyang IG post, doon ibinahagi ni Pauleen kung paano nila nalaman ang gender ng kaniyang ipinagbubuntis. Gamit ang dalawang mascot na nakadamit ng baby girl at baby boy costumes ay naging fun at very competitive ang labanan ng mga kapamilya nila at kaibigan na may kaniya-kaniyang bet sa kung girl o boy ba ang ipinagbubuntis ni Pauleen.

May ilang beses napatumba ng baby girl mascot at baby boy costume. At nakumpirma nga na baby girl ang ipinagbubuntis ni Pauleen ng kumalat na ang pink powder sa naging gender reveal party.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Pauleen, inakala niyang boy ang kaniyang ipinagbubuntis. Pero si Vic at anak na si Tali ay baby girl ang hula at hinihiling na maging gender ng kanilang second baby.

“Natalo ako, kasi akala ko boy. Si Vic girl ang nasa isip, sila ni Tali. Malakas sila magdasal.”

Ito ang pahayag ni Pauleen Luna sa naging gender reveal party ng kaniyang second baby.

Congratulations Bossing Vic and Pauleen!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement