Pauleen Luna buntis sa pangalawang anak nila ni Vic Sotto. Ganito kung paano ibinahagi ni Pauleen ang magandang balita.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pauleen Luna buntis sa pangalawang anak nila ng mister na si Vic Sotto
- Pagbubuntis ni Pauleen Luna.
Pauleen Luna buntis sa pangalawang anak nila ng mister na si Vic Sotto
May masayang balitang ibinahagi ang aktres at host na si Pauleen Luna sa kaniyang Instagram nitong Linggo. Si Pauleen kinumpirmang buntis siya sa pangalawa nilang anak ni Vic Sotto. Ang kumpirmasyon ginawa ni Pauleen sa pamamagitan ng pagshare ng isang maikiling video sa Instagram. Sa video na may background music na “You Make My Dreams Come True” ay makikita ang anak nila Vic at Pauleen na si Tali na may nilalarong lobo na may nakasulat na Big Sister. Ang caption ni Pauleen sa kaniyang post ay ito: “Someone’s excited to be a….”
View this post on Instagram
Ang mga netizens masaya sa balitang ibinahagi ni Pauleen. Marami nga sa kaniyang mga celebrity friends ang nagpaabot ng pagbati nila sa preggy mommy.
Pagbubuntis ni Pauleen Luna
Si Pauleen wala pang update kung ilang buwan na ang kaniyang ipinagbubuntis. Pero makikitang masaya ito sa bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya.
Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna Sotto
Sa isa mga latest post ni Pauleen, kasama ang mister na si Vic pati na si Tito at Joey at kanilang mga misis ay makikitang halata na ang baby bump ni Pauleen.
Nagsimula ang ispekulasyon na buntis si Pauleen nang hindi makasama ito sa kasal ni Kathleen Hermosa sa Cebu. Habang ang kaniyang mister na si Vic Sotto ay nandoon, kasama pa ang iba nilang malalapit na kamag-anak. Mas uminit pa ang isyu ng magpost si Pauleen tungkol sa cord blood banking sa kaniyang Instagram account. At nang magpost ito sa naging achievement ni Tali sa school. Isa sa mga IG friends niya ang nag-congratulate kay Tali, ganoon rin kay Pauleen na tinawag niyang expectant mom.
Congratulations Pauleen, Bossing Vic at Tali!
Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna Sotto
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!