One proud mom talaga si Pauleen Luna sa achievement ng anak niyang si Tali sa school. Si Tali natapos na ang kaniyang pre-kindergarten!
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pauleen Luna proud sa achievement ng anak niyang si Tali.
- Buntis nga ba si Pauleen Luna sa second baby nila ni Vic Sotto?
Pauleen Luna proud sa achievement ng anak niyang si Tali
Patuloy ang pagbibigay ng saya ng anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali sa kanilang pamilya. Dahil si Tali, matagumpay na natapos ang kaniyang pre-kindergarten level sa school. Si Pauleen very proud sa achievement na ito ng kaniyang anak. Ibinahagi niya nga ang ilang larawang nakuhanan sa moving-up ceremony nito sa kaniyang Instagram account.
“Happy moving up day my love! I’m so proud of what you’ve learned and achieved this school year! I love you and we’ll always be here to support you!”
Ito ang caption ng post ni Pauleen sa Instagram.
View this post on Instagram
Isang linggo lang din ang nakararaan, masayang ibinahagi rin ni Pauleen ang isa pang achievement ng anak niyang si Tali ngayong taon. Ito ay ang pagkakapanalo ni Tali ng gold at bronze medals sa gymnastics na talaga nga namang nai-enjoy nitong gawin.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Buntis nga ba si Pauleen Luna sa second baby nila ni Vic Sotto
Samantala, sa post naman ni Pauleen tungkol sa moving-up ceremony ni Tali ay may isa sa kaniyang IG follower ang bumati sa TV host. Lalo itong nagpaingay ng ispekulasyon na buntis si Pauleen sa second baby nila ni Vic Sotto.
“Congrats Tali for another milestone. 👏 Congrats also to the expectant mom. Another blessing coming your way. God is good.”
Ito ang post ng naturang netizen.
Nagsimula ang ispekulasyon na buntis si Pauleen nang hindi makasama ito sa kasal ni Kathleen Hermosa sa Cebu. Mas uminit pa ang isyu ng magpost si Pauleen tungkol sa cord blood banking sa kaniyang Instagram account.
Ano pa man, congratulations Pauleen, Bossing Vic at Tali!
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!