Mukhang payat si baby kumpara sa iba? Ito ang 3 posibleng dahilan, ayon sa mga pedia
Kung ang nais mo ay tips at kaalaman kung paano patabain ang baby at ano ang dahilan kung bakit sila payat, narito ang mga dapat mong malaman.
Maaaring dahil sa kinalakihang advertising na kapag mataba ang isang sanggol, ito ay isang senyales ng magandang kalusugan. Dito nagsimula ang paniniwalang healthy si baby kapag maayos itong pinapakain.
Kaya naman dahil rito, hindi maiwasang makonsensya ng mga magulang kapag payat ang kanilang anak. Nandiyan din ang ibang kamag-anak o kaibigan na pupunahin ang kalusugan ni baby.
“Pinapakain mo ba siya ng tama?” “Anong sabi ng doktor?” “Bakit ang hina ng anak mo? Kailangan mong bigyan siya ng vitamins.”
Talaga namang hindi maganda sa pandinig ang mga ito lalo na kung paulit-ulit. Ngunit hindi mo mapipigilan ang ganitong mga payo. Dadating sa puntong pagdududahan mo na ang iyong kakayahan bilang magulang.
Tandaan, hindi porket payat ang isang sanggol ay mahina na. May ibang bata na mabilis lumaki at ang iba naman ay kailangan pa ng oras.
Kung ang nais mo ay tips kung paano patabain ang baby at maaaring dahilan kung bakit biglang pumayat ang isang bata, narito ang mga dapat mong malaman.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang dapat na timbang ng sanggol?
Nagbigay ng standard na kailangang sundin ang World Health Organization (WHO) para sa paglaki ng sanggol at bata. Ang average weight ng isang bagong panganak na sanggol ay nasa 7 – 7.5 pounds (3.2 kg – 3.4 kg) dapat.
Para sa mga full-term healthy newborn, sila ay dapat nasa 2.6 kg to 3.8 kg. Masasabing low birth weight ang sanggol kung hindi ito nakapasok sa standard ng WHO.
Average weight ng baby sa unang taon
Edad | Lalaki | Babae |
50th Percentile | 50th Percentile | |
1 Month | 9 lbs 14 oz (4.5 kg) | 9 lbs 4 oz (4.2 kg) |
2 Months | 12 lbs 5 oz (5.6 kg) | 11 lbs 4 oz (5.1 kg) |
3 Months | 14 lbs (6.4 kg) | 12 lbs 14 oz (5.8 kg) |
4 Months | 15 lbs 7 oz (7.0 kg) | 14 lbs 2 oz (6.4 kg) |
5 Months | 16 lbs 9 oz (7.5 kg) | 15 lbs 3 oz (6.9 kg) |
6 Months | 17 lbs 8 oz (7.9 kg) | 16 lbs 2 oz (7.3 kg) |
7 Months | 18 lbs 5 oz (8.3 kg) | 16 lbs 14 oz (7.6 kg) |
8 Months | 19 lbs (8.6 kg) | 17 lbs 7 oz (7.9 kg) |
9 Months | 19 lbs 10 oz (8.9 kg) | 18 lbs 2 oz (8.2 kg) |
10 Months | 20 lbs 3 oz (9.2 kg) | 18 lbs 11 oz (8.5 kg) |
11 Months | 20 lbs 12 oz (9.4 kg) | 19 lbs 4 oz (8.7 kg) |
12 Months | 21 lbs 3 oz (9.6 kg) | 19 lbs 10 oz (8.9 kg) |
Bakit payat ang iyong anak?
Ngayong alam na natin kung ano ang ideal weight ng isang baby, ating alamin naman kung anong dahilan ng pagiging payat nila.
1. Genetics
Ang timbang o laki ng isang baby ay nakadepende sa kanilang genes. Kung payat ang mga magulang nito, maaaring maging payat din ang bata. Ganito rin ang mangyayari kung malusog ang magulang o may background ng obesity.
2. Low birth weight
Malaki ang naiaambag ng genetics sa mababang timbang ng sanggol. Maaaring ito ay dahil sa premature delivery kaya sila payat. Ang mababang timbang na ito ay maaring tumagal ng ilang buwan. Ngunit kusang magbabago rin sa paglipas ng mga araw dahil patuloy na nagde-develop ang health ng isang bata.
Gayunpaman, ‘wag mahihiyang kausapin ang iyong paediatrician tungkol sa paglaki ni baby. Ito ay makakatulong para ma-monitor mo ang kaniyang progress lalo na kung premature baby siya.
3. Breastfed vs bottle-fed
Stereotyping man pakinggan pero mayroon talagang pagkakaiba ang breastfed babies at bottle-fed babies. Ang mga sanggol na umiinom ng formula milk ay mas mataba. Ito ay dahil sa direktang pagbibigay at numero ng servings ng kanilang gatas na natatanggap.
Ayon sa pinakabagong pag-aaral, ang mga breastfed baby ay payat sa kanilang unang taon. Habang ang mga bottle-fed babies naman ay naitalang may mas mabigat na timbang sa unang taon.
Mga dahilan o risk factor kung bakit mababa ang timbang ni baby
- Mababa ang timbang ng ino noong siya’y buntis.
- May hindi maayos ang kaniyang nutrisyon noong siya’y buntis.
- Mayroong gestational diabetes.
- May preeclampsia noong siya’y buntis.
- Umiinom ng alak habang buntis.
Ilan lamang ito sa mga posibleng dahilan kung bakit din payat ang baby kapag silang. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na siya agad healthy. May mga paraan din para magdagdag ng timbang ang baby in a healthy way.
Healthy ba ang iyong anak? Tignan ang mga signs na ito!
Ang health ng iyong anak ay naka depende sa maraming factor. Kailangan mong bantayan ang kanilang milestones at i-check kung narating na ba nila ito.
Isa itong indikasyon na maayos ang kalusugan ng iyong baby.
1. Key milestones
Malawak ang kaalaman ng iyong pediatrician tungkol sa ideal milestone ng iyong anak. May ibang sanggol na matagal makamit ito ngunit may iba rin na madali. Para sa mga pediatrician, ito ay normal lang.
Okay lang ito hangga’t pumapasok pa rin sa healthy time frame ang milestones ng iyong anak. Kapag sinabing milestones, ito ay ang pagngiti, paghawak ng ulo, paggulong o kaya naman pagtangkang pagtayo.
2. Diaper ng baby
Parents, kailangan niyo ring bantayan ang isinusuot na diaper sa mga sanggol. Ang madalas na pagpalit ng ng diaper kapag umihi si baby ay magandang gawain. Habang ang regular na pagpalit ng diaper kapag sila ay dumumi ay isang senyales na maganda ang kanilang health at temperament.
3. Pagbabago ng diet
Kung pansin mong delayed na ang milestones ng iyong anak, kailangang kausapin mo ang iyong pediatrician kung maaaring baguhin ang kanilang diet.
May ibang sanggol na hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon kapag sila ay umiinom ng gatas ng ina o kaya naman formula milk. Kailangan nila ng dagdag na supplement para sa magandang immunity.
Bukod pa rito, bantayan mo rin ang iyong anak kung bigo itong mag-develop. Pasok sa usaping ito ang ‘failure to thrive’ ay kapag ang iyong anak ay hindi nakapasok sa weight chart o standard growth charts.
Hindi naman life-thratening ito ngunit nakakabahala. Siguraduhin lang na kausapin agad ang iyong pediatrician. Maaaring ito ay dahil sa maling pagpapakain o pagbabago ng diet plan.
Gayunpaman, ito ay may kinalaman din sa ilang kaso ng genetic o pre-existing health issues. Maaaring bantayan ng pediatrician ang Down syndrome, Marfan syndrome, Prader-Willi syndrome, at Cerebral palsy.
Konklusyon
Iba-iba ang laki o hugis ng bawat sanggol. Kaya naman hindi dapat maging strikto sa kanilang ideal body weight. Nagbabago ang katawan ng isang bata pagkatapos ng kanilang unang tatlong buwan. Mahalaga ang tamang pag-aalaga ng mga magulang sa oras na ito.
Bilang magulang, dapat din nating turuan ang mga kaibigan o kamag-anak ng ideal body weight sa mga sanggol. Hangga’t pumapasok sila sa milestones katulad ng pagngiti, pag-iyak at nagpapakita ng consistent na paglaki, wala ka dapat na ibahala. Tandaan lamang na laging sundin ang gabay ng pediatrician tungkol sa iyong anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Additional sources:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.