Nagbahagi ng social media post si Jennylyn Mercado kalakip ang birthday message niya para kay Calix, anak ng mister na si Dennis Trillo sa ex nitong si Carlene Aguilar. Ang comment ni Carlene sa mensahe ni Jennylyn, patunay ng peaceful coparenting nila ng ex na si Dennis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jennylyn Mercado pinasalamatan ni Carlene Aguilar sa pagiging mabuting stepmom
- Tips para sa peaceful na coparenting
Jennylyn Mercado pinasalamatan ni Carlene Aguilar sa pagiging mabuting stepmom
Isang heartwarming na birthday message ang ipinaskil ni Jennylyn Mercado sa social media para kay Calix.
Aniya, “Happy birthday, Kuya Calix! May all your wishes come true today and every day. We love you!”
Pero ang mas heartwarming dito ay ang komento ng mommy ni Calix na si Carlene Aguilar.
Nagpasalamat ang aktres kay Jennylyn Mercado dahil sa pagmamahal nito sa anak nila ni Dennis Trillo.
Saad ni Carlene sa comment section ng post ni Jen, “Thank you mommy Jen for loving Calix as your own.”
Paaano nga ba maging peaceful ang coparenting?
Nakasalalay ang matagumpay na coparenting sa bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at sa mga bagong partner ng mga ito, tulad ng sa kaso nina Jennylyn at Carlene.
Mahalaga na maging malinaw ang hangarin at inaasahan para sa kapakanan ng bata. Importante na mag-usap nang maayos tungkol sa mga desisyon sa pagpapalaki tulad ng edukasyon at kalusugan.
Bukod pa rito, dapat ding igalang ang oras at espasyo ng bawat isa. Kung ang bata ay nasa pangangalaga ng isa, bigyan ng respeto ang oras na sila ay magkasama at huwag guluhin o pakialaman kung di naman kinakailangan.
Dagdag pa riyan, iwasan ang negatibong pag-uusap tungkol sa isa’t isa lalo na sa harap ng bata. Tandaan na hindi dapat na madamay ang bata sa anumang hindi pagkakasundo ng kaniyang mga magulang. Gayundin, mahalaga na magkaroon ng flexible na schedule at plano para mapanatiling maayos ang samahan. Kung may mga pagbabago na kailangan gawin, pag-usapan ito, magkasundo at iwasan na mag-alitan.
Tandaan na ang susi sa mapayapang co-parenting ay ang maayos na komunikasyon, respeto, at kagustuhang bumuo ng mas mabuting kapaligiran para sa bata.