Trying hard to be a perfect parent? May negative effects daw ito, ayon sa mga eksperto

Ang pagsubok na maging 'perfect parents' para sa anak ay nauuwi lang sa over-parenting.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kagustuhan daw na magkaroon ng perfect parenting, mas nauuwi pa raw ito sa negative na epekto kaysa sa positive outcome. Alamin dito kung bakit.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Trying to be a perfect parent? Huwag daw ma-stress ayon sa experts
  • Covid-19 pandemic gave this family time to have more bonding

Trying to have a perfect parenting? Huwag daw ma-stress ayon sa experts

Trying to be a perfect parent? Huwag daw ma-stress ayon sa experts | Larawan mula sa Pexels

Kaya ginagawa ng parents ang best nila sa lahat ay dahil gusto nilang mabigyan ang mga anak ng magandang buhay. Mapag-aral sa kilalang school, mapakain ng healthy foods, mabigyan ng safety na tahanan, at maiparamdam ang kanilang love and care.

Ang lahat ng ito ay ginagawa kadalasan ng magulang na gustong magkaroon ang kanilang kids ng “perfect parent.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parating nagbibigay ng goal sa sarili na maging maayos at maganda lahat ang ipinararanas sa anak. Para sa experts, mas nakasasama pa raw ito kaysa nakabubuti sa kanila.

The “Good Enough Mother”

The “Good Enough Mother” | Larawan mula sa Pexels

Taong 1953 nang unang ipakilala ng isang pediatrician at psychoanalyst na si D.W Winnicott ang ideya ng “Good Enough Mother.” Ipinaliwanag niya dito kung bakit ang mga magulang na sinusubukan na maging “perfect” o “best” parati sa lahat ng ginagawa ay nagkakaroon pa ng problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalo pa nga itong napapatunayan sa modernong panahon kung saan malaki na rin ang impluwensya ng teknolohiya at social media.

Sa isang article rin ni Crysta Balis, ibinahagi niya ritong kailangan daw na maging ‘movement’ ang pagiging “good enough mother.” Kahit daw kasi alam naman ng lahat ng walang perpektong tao, ginagawa pa rin ng ilang magulang na pilitin ma-achieve ang perfect parenting para sa kanilang anak. Nauuwi tuloy raw ito sa over-parenting kung saan nagkakaroon na ng micro-managing sa lahat ng ginagawa ng bata,

“Rationally we know no parent or child is perfect, but that doesn’t stop us from striving for perfection or assuming meddlesome roles, like gatekeepers of our kids’ distress, or CEOs of their lives. But this is just helicopter, snowplow, lawn mower, or even tiger parenting, which all fall under the notorious over-parenting umbrella.”

Dagdag pa niya malaki raw ang epekto nito lalo sa emotional growth ng mga anak.

“While there’s no damning evidence against good-enough parenting, research has long established that over-parenting can stunt our kids’ emotional growth and executive functioning, and it leads to anxiety, depression and feeling helpless.”

Malaking tulong daw na hindi “good enough” ang mga magulang dahil maaaring magkaroon sila ng freeing mindset. Ibig sabihin natutulungan nila ang kanilang anak na matutunan ang ibang emotions at skills independently. Ayon kay Dr. Alexandra Sachs, M.D.,

“An imperfect mother helps her child gain the skills to tolerate frustration, become self-sufficient, and learn to soothe himself. These are the hallmarks of grit—a personality trait that can help your child succeed in life.”

Bukod dito, nakababawas pa raw ito ng stress. Halimbawa na lang ay may naibagsak na quiz ang anak, hindi sasakit ang ulo mo kakaisip kung bakit niya ito hindi napasa. Kung hindi ka nagpupumilit for perfection, mauunawaan mong parte ng buhay ang pagkakamaling ito.

Worth it na maituturing ang style ng parenting na ito. Mahalagang nagiging role model ng self-love at acceptance ang parents imbis na perfection. Mas naipaparamdam sa bata ang love and kindness sa gentle na paraan dahil dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Covid-19 pandemic gave this family time to have more bonding

Covid-19 pandemic gave this family time to have more bonding | Larawan mula sa Pexels

Dahil sa pandemic halos lahat ng tao sa buong mundo ay napilitang manatali sa loob ng kanilang bahay. Malaking bilang ng populasyon ang nakaranas ng negatibong epekto nito. Ang ilan naman, kinuha ang chance na ito upang makipag-bonding sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkaroon kasi sila ng maraming oras together. Dito rin sa panahong ito nagkaroon ng maraming realization tungkol sa buhay at sa parenting. Tulad na lang ng isang ama na mula pa man noon ay naniniwalang posible ang perfection. Dahil lang daw sa lockdown na-realize niyang unrealistic ang expectations na ibinibigay ng lipunan ng digital age.

Noong mga bata pa raw kasi ang kaniyang mga anak, sinubukan niyang ipasok sila sa soccer, instrument lessons, swimming, playdates, at club sports.

Sinubukan niya rin daw na mag-volunteer sa classroom at umupo sa ilang committees. Sa kabila nito hindi pa rin daw niya maramdamang enough ang kanyang ginagawa para sa kanila.

Natutunan niya lang daw na ma-realize ito nang makaharap na nila ang healthy challenge na dala ng Covid-19. Dito niya lang napagtanto na marami pang mas importante kaysa sa mga bagay na ginagawa nila dati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva