Alamin ang iba’t ibang signs na malalaman mong nahihigpitan mo nang masyado ang iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak
5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak
Larawan mula sa Pexels
Of course, parents want the best for their kids. Kaya nga ginagawa nila ang halos lahat ng kanilang effort at nilalaan ang lahat ng time na tingin nila makabubuti sa kanilang anak. Magmula sa kung anong ipapapakain, saang school i-eenroll, ano ang hobbies na gustong pasukin, at marami pang iba.
May mga panahon na aakalain ng mga magulang na ginagawa nila ang tingin nila maganda at ikatutuwa ng bata. Unconsciously, dahil hindi sila naging extra careful ang sana’y maganda para sa kids ay mas lalo lang naging worse.
Overparenting
Larawan mula sa Pexels
Ang tawag dito ay overparenting.
Tumutukot ang overparenting sa style ng parents sa pagpapalaki sa kanilang anak. Nangyayari ito kapag nagiging “micromanage” ang pagbabantay ng magulang sa bata. Ito iyong kahit maliliit na detalye na nangyayari sa buhay niya ay nakabantay ka. Hindi mo hinahayaang makaranas ng kaunting sakit, pagkatalo, o even minor mistakes ang bata.
Hindi rin nahahayaan ang bata na harapin ang consequences ng kanilang mga ginagawa dahil nariyan kaagad ang parents para i-solve ito.
Ilan sa mga maaring maging bunga nito ay:
- Pagiging overly dependent ng bata sa kanilang parents.
- Hindi nahahayaang makapag-isip sila ng solution for a certain problem.
- Nalilimitahan ang maraming areas of development ng bata.
- Pagkakaroon ng mataas na level ng stress, anxiety, at regret sa part ng parent.
Signs of Overparenting
Larawan kuha mula sa Pexels
Kung sa tingin mo ay ganitong klaseng parents ka na, narito ang ilang signs naman upang malaman kung masyado mo na pang nahihigpitan ang anak:
Micromanaging
Kung parating inaayos at mino-monitor mo ang mga bagay-bagay sa buhay ng anak even the small ones. Sa tingin mo ay responsibility mong malaman at i-solve lahat ng nangyayari sa kanya. Halimbawa na lang pati pagpili ng kanilang damit ay ginagawa mo.
May tendency ang ganitong pangyayari na malimitahan ang bata na makapag-explore ng bagong opportunities.
Ilan sa mga dapat tingnan ng parents ay kung binabantayan nila ang bawat galaw ng kanilang anak. Tulad kahit sa paglalaro nito o pagsusuot ng outfit na hindi matching.
Minsan, tingin ng mga parents ay mayroong right way para gawin ang iba’t ibang bagay. Ngunit para sa mga bata, mas magandang pabayaan silang harapin ang mga small decisions na kailangan nilang gawin para maiwasan ang micromanaging.
Worrying
Madalas na nag-aalala ka sa mga bagay kahit pa sa paglalaro lamang. Halimbawa na lang kung naglalaro siya sa playground at hindi hinahayaang i-try ang mga obstacle rito dahil nagwo-worry kang masagutan, madapa, o masaktan siya.
Bagaman mabuti na nag-aalala sa safety ng anak, nagiging cause ito ng possibility na hindi niya maabot ang full potential niya bilang bata. Kaya naman dapat ay bigyan sila ng tiwala kahit sila ay bata pa.
Power struggling
Ito naman ang sign kung saan nagiging picky o demanding ang isang magulang. Halimbawa kung maging sa pag-aayos nila ng kanilang kwarto o pagpili ng gustong sapatos ay nakikipag-away ka pa. Nagbubunga ito ng pagpigil sa bata na maging independent at malaman kung ano-ano ang preference niya sa buhay.
Over-indulging
Sa sign naman na ito, mapapansin mong masyadong ‘baby’ ang anak sa iyo. Kumabaga ay hindi ka naga-assign ng mga house chores tulad ng simpleng pag-aayos ng kama niya, pagliligpit ng laruan, at kung ano pa na kaya naman ng bata.
Ang pagpipigil sa bata na hindi magkaroon ng responsibility sa buhay ay magpipigil sa kanya na matutunan ang maraming life skills. Kaliwa’t kanang bagay ang hindi niya matutunan dahil lang sa pagbabantay mo nang sobrang higpit sa kanya.
Failing
Wala namang mabuting magulang na gustong makaranas ng failure ang anak. Sa kabilang banda, wala rin namang tao ang hindi dumadaan sa failure dahil parte ito ng buhay. Hindi mo dapat parating kailangan i-rescue at solusyunan ang mga problema ng anak.
Hindi kasi sila nagkakaroon ng chance na matuto sa kanilang pagkakamali at malaman kung paano ito gagawin kung sakaling maranasan nilang muli.
Dapat lang na ang
parenting ay hindi nagdudulot ng pangmatagalang negative effect both sa bata at magulang. Hindi kasi tama rin ang sobra-sobrang pagbabantay sa mga anak.
Lagi lang din tandaan na hindi sa bawat oras at matagal na panahon ay magkasama kayo ng anak mo. Kung hindi nila natututunan ang mga bagay-bagay, mas magiging problema ito later on sa kanilang buhay kung kailangan na nila harapin ito nang mag-isa.