Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ilang philippine hospital ang full capacity at hindi na kayang tumanggap pa ng mga COVID-19 na pasyente.
Mga kilalang ospital hindi na kayang tumanggap ng COVID-19 patients
As of July 13, 2020 mayroon nang naitalang 57,006 na nag positibo sa COVID-19 sa buong bansa. Habang 20,371 ang nakarecover at 1,599 naman ang namatay sa nasabing virus.
Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, unti-unti na ring napupuno ang mga hospital kung saan naka confine ang mga pasyente.
Ayon sa report na ibinigay ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health, nasa 11 na ospital ang hindi na kayang tumanggap pa ng COVID-19 patients dahil full capacity na ito.
Narito ang ilan sa kanila:
- Philippine Children Medical Center
- UST Hospital
- University of Perpetual Help Medical Center
- Veterans Memorial Medical Center
- Tondo Medical Center
- Seamen’s Hospital
- Las Piñas Doctors Hospital
- De Los Santos Medical Center
- Metro North Medical Center and Hospital
- Capitol Medical Center
- Chinese General Hospital and Medical Center
Narito naman ang mga ospital na mayroong high utilization rate.
- Lung Center of the Philippines – 97%
- East Avenue Medical Center – 89%
- UERM Memorial Medical Center – 83%
Bukod sa 11 na ospital na ito, marami na rin ang mga ospital na malapit nang mapuno.
Paglilinaw ng Department of Health, ang ‘full capacity’ na ito ay hindi para sa kabuuan ng buong ospital. Dahil ito ay para lamang sa mga COVID-19 na pasyente.
“When we talk about the percentage of beds that had been occupied already, it is not equivalent to the entire capacity of the hospital. Here, we are just referring to the dedicated beds for COVID (patients).”
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
Listahan ng mga licensed COVID-19 testing centers sa Metro Manila
Ready ka na ba manganak? You need at least P108,000 according to study
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.