Pia Wurtzbach: “To be a Tita is both an honor and a responsibility ❤️”

Tingnan dito ang ilang larawan sa naging exciting trip ni Pia kasama ng kaniyang mga pamangkin.

Pia Wurtzbach as a Tita, enjoy sa pag-aalaga ng mga pamangkin niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pia Wurtzbach as a tita sa dalawang cute niyang pamangkin.
  • Buhay may asawa ni Pia at mister na si Jeremy Jauncey.

Pia Wurtzbach as a tita sa dalawang cute niyang pamangkin

pia wurtzbach as a tita Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Sa Instagram ay ibinahagi ng beauty queen at ngayon ay fashion influencer na si Pia Wurtzbach kung gaano kasaya ang naging pagbabakasyon ng kanilang pamilya sa Dubai. Kasama ang kaniyang ina, kapatid at mga pamangkin ay makikitang very happy si Pia. Ibinahagi niya rin kung paano niya nai-enjoy ang pagiging tita sa kaniyang pamangkin na anak ng kapatid niyang si Sarah Wurtzbach.

“To be a Tita is both an honor and a responsibility ❤️

…and we’re all happily living in Logan’s world ☺️.”

Ito ang caption ng post in Pia tampok ang ilang larawan sa kanilang bakasyon.

 
View this post on Instagram

Makikita rin sa iba pang post ni Pia na tuwang-tuwa rin ang mister niyang si Jeremy sa kaniyang pamangkin. Sa katunayan ang pamangkin niyang si Logan at mister na si Jeremy ay ang favorite boys niya umano sa kaniyang buhay.

pia wurtzbach as a tita Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Buhay may asawa ni Pia at mister na si Jeremy Jauncey

Sa mga Instagram post ng mag-asawang sina Jeremy at Pia ay makikita rin na talagang nai-enjoy nila ang kanilang buhay may asawa. Maliban sa kanilang travel ay mahilig rin magpost ang mag-asawa ng funny moments nilang magkasama. Tulad nalang ng isa sa latest IG post ni Jeremy na kung saan naglilip sync si Pia sa kantang “I wanna know what love is”.

Base sa caption ng post ni Jeremy, ang video ay nakunan matapos ng kasal nila ni Pia. Si Pia masayang nai-entertain ang kaniyang foreigner husband at talagang ibinibida dito ang talent niya.

“@piawurtzbach is no exception. Only her songs are a soundtrack to her soul and are generally followed by step by step narrations and ramblings that entertain me, and I’m sure, entertain you :)”

Ito ang bahagi ng caption ni Jeremy sa kaniyang IG post na talaga nga namang proud sa kaniyang misis na si Pia.

pia wurtzbach and jeremy jauncey Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!