Pia Wurtzbach sinagot na ang tanong kung kailan sila magkakaanak ng mister na si Jeremy Jauncey.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pia Wurtzbach sa pagkakaroon ng anak.
- Payo ni Pia sa mga magkapareho o mag-asawa.
Pia Wurtzbach sa pagkakaroon ng anak
Ilang buwan narin ang nakalipas ng maikasal ang beauty queen na si Pia Wurtzbach at ang mister niyang travel entrepreneur na si Jeremy Jauncey. Ayon nga kay Pia, mula ng maikasal ay isa sa mga laging naitatanong sa kaniya ay kung kailan sila magkaka-baby ni Jeremy. Si Pia sa panayam sa kaniya ng Emirati entrepreneur na si Anas Bukhash ay sinagot ang tanong na ito.
Ayon sa beauty queen, hindi sa ayaw niyang magkaanak. Pero hindi pa daw siya handa sa ngayon at sumusuporta siya sa mga tulad niyang babae na may parehong paniniwala na hindi batayan ang pagkakaroon ng anak para masabing isa kang ganap na babae. Dahil paliwanag ni Pia, may kaniya-kaniya tayong goal sa buhay. Sa ngayon ang goal niya, ay mag-focus pa sa kaniyang career at sa buhay nila ni Jeremy bilang mag-asawa.
“I think your worth as a woman is not measured by you being able to bear a child. There’s really so many more things to a woman that just bearing children.”
“Some women do not want to have kids. Some women want to be amazing in their careers. They want to put all their effort into that. Maybe they want to take care of their parents all their life. Or maybe they want to commit their life to social work. Maybe they just have different plans. That doesn’t mean that a woman is less valuable or less capable.”
“And I really want to stand up for women who choose not to have kids. I respect that, I salute that. I want to eventually, but I’m going to be honest. I’m hating that question on when you will have kids lately.”
Ito ang sabi pa ni Pia sa panayam.
Larawan mula sa Instagram account ni Jeremy Jauncey
Payo ni Pia sa mga magkapareho o nagbabalak ng magpakasal
Pagdating naman sa relasyon nila ni Jeremy, ibinahagi ni Pia na ang pagiging transparent at pagkakaroon ng open communication ang isa sa mga sikreto nila. Kahit nga daw pagdating sa usaping pera ay laging straight to the point sila. Isang bagay na sinabi niyang hindi dapat mahiyang itanong o pag-usapan ng mga balak ng magpakasal.
“I hear about couples who never talk about finances with their partners, so they don’t know if they’re going to marry somebody who’s in debt.”
“You should try to ask, ‘Is the business going well? Are you saving money? They find this awkward, they find this to be a difficult topic to talk about, but you’ve got to talk about the hard things.”
Ito ang sabi pa ni Pia.
Larawan mula sa Facebook account ni Pia Wurtzbach
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!