Ang pagpapakasal ni Jeremy Jauncey kay Pia Wurtzbach raw ang pinakamagandang decision niya.
Best decision ni Jeremy Jauncey ang pagpapakasal kay Pia Wurtzbach
Dalawang buwan matapos ang pribadong kasal ni Miss Universe Pia Wurtzbach at ng asawa na si Jeremy Jauncey. Masasabi ni Jeremy na pinakamahalagang desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay ay ang magpakasal kay Pia.
Sa post ni Jeremy, nagbahagi siya ng ilang larawan na kuha noong kasal nila. Naganap ang kasal sa exclusive North Island sa Seychelles. Sa pribadong kasal nila ay tatlo lamang ang imbitado dito.
Saad ni Jeremy sa kanyang Instagram post: “Love, support and happiness is all we’ve received since we shared our wedding news- so thank you to all the friends, family and people we haven’t met yet that have been so kind.”
Matapos ang dalawa buwan mula nang nagpakasal si Pia Wurtzbach, naganunsyo ito sa social media ng kanilang kasal. Alamin Dito, |Larawan mula sa Instagram ni Pia Wurtzbach
Malaki ang pasasalamat ni Jeremy sa lahat ng sumuporta sa kanila. Lahat ng sumuporta sakanila mula sa mga kaibigan, mga kapamilya at kahit sa mga netizens ay nagpasalamat ito.
Plinado talaga ng mag-asawa na konti ang mga dumalo sa kanilang kasal sa isla dahil gusto nilang makaiwas sa stress.
“Two months into married life and we’re sure it was the best decision we ever made [grinning face with smiling eyes emoji,” dagdag pa nito sa kanyang post.
Pinakabest decision raw ang pribadong kasal at tatlong bisita para less stress. Alamin Dito |Larawan mula sa Instagram ni Jeremy Jauncey.
Sa dalawang pagsasama daw nila ay ito raw ay pinaka the best decision nila sa kanilang buhay. Matatandaang noong May 5 2023 lamang inanunsiyo ni Pia ang kasal nila ng kanyang asawa na si Jeremy.
Nagpost ang dating Miss Universe 2015 sa Instagram kung saan sinabi na sila ay kasal.
“Mr & Mrs Jauncey 24.03.2023.” caption ni Pia sa kanyang post.
Sila ay kinasal noong February 03 2023 sa isang pribadong isla at nalaman ring tatlo lamang ang kanilang bisita sa kasal. Iba sa nakagawian ang kanilang kasal pero ito pa rin daw ang pinaka magandang decision ng mag-asawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!