Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey love story ganito kung paano nagsimula ayon sa beauty queen.
Mababasa dito ang sumusunod:
Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey love story
Marami nga ang napapa-sana all sa tuwing makikita ang mga larawan ng newly-wed couple na sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey. Dahil maliban sa nagagandahan nilang mukha at katawan, sina Pia at Jeremy ay magkasamang dinidiskubre ang iba’t-ibang magagagandang lugar sa mundo.
Ang pinaka-latest nga na lugar na binisita ng bagong kasal ay ang Hongkong. Hindi ito first time nina Pia at Jeremy sa tinaguriang Asia’s world city. Base nga sa isa sa bagong Instagram post ng beauty queen ay sa Hongkong daw siya na-fell in love sa mister na si Jeremy. Dito nagsimulang mas lumalim ang pagtitinginan nila sa isa’t-isa.
“It’s great to be back! 🇭🇰 #HongKong is where Jeremy and I had our 2nd date and it’s where we fell in love. Nabudol ko siya kala niya catch ako 😜.”
Ito ang sabi ni Pia sa kaniyang IG post.
Pero maliban daw sa love story nila ni Jeremy, special din daw ang Hongkong kay Pia dahil sa mga memories niya dito ng kanilang pamilya. Partikular na ang pagbisita nila sa Disneyland.
“I also have lots of memories from bringing my family to Disneyland & shooting Pia’s Postcards.”
Ito ang sabi pa ni Pia kalakip ang mga larawan nila ni Jeremy habang nag-dedate sa Hongkong.
Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach
Memorable moments ni Pia at Jeremy sa Hongkong
Sa nauna ng post ni Pia noong August 2020 kaugnay sa birthday celebration noon ni Jeremy ay ibinahagi niya ang isa sa mga memorable moments nila sa Hongkong. At kung paano sila nag-concentrate sa pagkilala sa isa’t-isa noong first date nila.
“Our second date. You took me to The Peak in Hong Kong and we took this pic on the cable car ride to the top. (Didnt have pics of our first date kasi focused kami sa isat isa nun hahaha)”
Ito ang sabi ni Pia sa kaniyang post.
Sa ngayon si Pia at Jeremy ay happily married. Sila ay na-engage noong 2022 at ikinasal nitong March 2023 sa isang pribadong isla sa bansang Seychelles.
Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach