Usap-usapan ngayon sa social media ang bangayan ng magkapatid na sina Pia Wurtzbach at Sarah Wurtzbach. Sa sunod-sunod na post, si Sarah may patutsada sa ate niyang si Pia at sa ina nilang si Cheryl Alonzo Tyndall.
Bangayan sa pagitan ng magkapatid na sina Sarah Wurtzbach at Pia Wurtzbach
Bungad palang ng post ni Sarah Wurtzbach sa kaniyang kapatid na si Pia ay mararamdaman na ang galit niya. At ang tila pagkakampihan na ginagawa ni Pia at ng mommy nila.
“Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala. Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan. Masama kayo ni mama.”
Ito ang mga salitang unang nasabi ni Sarah sa kaniyang post na sinundan pa ng mura.
“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan. Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali niyo ni mama. ‘Di porket nananahimik ako ako ‘yung masama.”
“Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga ‘yung naabuso. Tangina niyo.”
Hirit ni Sarah, dapat mag-apologize sina Pia at kaniyang Mommy sa kaniya. Dapat din nilang intindiihin ang sitwasyon niya at higit sa lahat ay maging sensitive sila sa feelings niya.
“Mag-apologise na you hurt my feelings due to the statements you made when you were not SOBER, hindi mo magawa. Aangkas ka sa galit ko? Where’s the understanding on your part? So, I have to shut down my sadness and anger? Then you ignore me for days? What kind of treatment is that?”
“I’m broke kasi I have a normal job with 2 kids. Tapos kapag bibigyan mo ako ng pera hihirit ka ng “grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh. Tapos ngayon barya nalang.” Bitch andun parin ako. Nasa isang buwang sweldo parin ako kaya ako humingi ng tulong. Ang insensitive mo sa mga ganyan kasi “you made it” na.”
Oras at pag-iintindi sa kaniyang feelings lang ang hiling ni Sarah
Bagama’t sinasabi ni Sarah na humihingi siya ng financial na tulong kay Pia, hindi naman daw siya mukhang pera. Dahil ang tanging hiling niya lang naman daw lagi ay oras at company sa mga taong nasa paligid niya.
“Ang lagi kong hinihingi sa tao ay TIME AND COMPANY, BONDING. Kung mukhang pera ako edi sana noon pa ang yaman ko na.”
May sumbat nga rin si Sarah kay Pia sa mga oras na dinadamayan niya ito sa tuwing nag-aaway sila ng boyfriend na Scottish businessman na si Jeremy Jauncey. Sa mga oras na kailangan niya sana ang payo at companion ng kapatid sa oras na siya naman ang may problema.
“Iyak iyak ka sakin dahil nag-away kayo ni Jeremy tapos dadamayan kita ng isang taos kasi inaaaway mo ‘yung tao. Kahit alam kong ang babaw ng dahilan mo sige lang go I’m here for you sis. I’ll give advice pa. Pero kapag ako wala. Ano ‘yung? One-way system?”
Pia Wurtzbach with boyfriend Jeremy Jauncey/ Image screenshot from Pia Wurtzbach’s Instagram account
Masama rin ang loob ni Sarah sa Mommy nila ni Pia
Pero mukhang hindi lang kay Pia labis na masama ang loob ni Sarah. Dahil pati ang Mommy nila ay hindi nakalampas sa maaanghang na salitang ibinabato nito.
“Triggered ako kasi ‘yung hudas nating nanay, sumira na naman ng ibang tao. Lumapit sa akin si Jeremy at nagsumbong dahil sa video ni mama sa YouTube. Nagkaproblema siya sa clients. Sa akin siya lumapit para wala kang anxiety o stress ako ang sumalo.”
“Kahit ako na nga ang triggered at ako na nga yung depressed dahil kay mami, ako parin sumalo para ikaw ang ma-stress.”
“Ako din ang pumoprotect sa feelings mo pero ako hindi mo madamamayan. Magsisinungaling ka pa.”
“Pareho kayo ni Mama abusado sa sistema. Wala kayong pakielam kundi sarili nyo. Tapos laging idadamay si Charlie. Wala naman siya sa usapan. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera? Tapos nagweeweed palagi. Eh teka.”
Pia with her mother Cheryl Alonzo Tyndall./Image screenshot from Pia Wurtzbach’s Instagram account
Kaya ngayon ay nagsasalita na siya
Dagdag pa ni Sarah, kung nanahimik siya noon, ito ay para ma-protektahan si Pia. At dahil iniisip ng kaniyang ina na wala na siya sa kaniyang sarili.
“Don’t confuse money and status for power. I’m silent because I protect you and our fucking narcissistic mom. Receipts included. Don’t make me fully go insane and start showing people evidence. I’m noy the one in the wrong and yet I’m always the one being silenced.”
“People keep wondering how I lost the weight. Kasi yung abusado nating nanay binugahan ako ng ginusto kong ma-rape kasi simula bata palang may sira na utak ko. Mas mabuti pang nasa “strangers” family ang mga bata para di daw sila maapektuhan dahil loka loka mami nila. So abused = crazy? And I’m never allowed to talk about it? So suffer in silence everyone else is okay and moving forward?”
“Tapos imbis na suportahan mo ako emotionally, bawal magsalita kasi masisira lang pinaghirapan nyo? Sasabihan mo pa ako “why do you want to get back at her so bad.” Fuck you.”
Sorry lang mula kay Pia ang hinihintay ni Sarah
Sa lahat ng mga salitang ipinupukol niya sa kapatid, isa lang naman daw ang gusto ni Sarah. Ito ay ang mag-sorry si Pia sa kaniya. Sagutin ang lahat ng mga alegasyon at mga paratang niya laban dito.
“Magsorry ka!”
“Maghahamon ka ng away tapos ngayon tatawag ka. Ikaw ngayon magpakumbaba.”
“Walang kawala ginagawa ko ngayon. Kayo lang ni mama mawawalan ng respeto galing sa ibang tao. Wag mo akong babantaan.”
“Ang tapang tapang mo tapos ngayon o ayan diba sabi sige ilabas ko baho mo pero wag na wag akong lalapit sayo ulit. O edi sige go. Anong kawala ko dun wala naman. i still have my family that I chose to build, Charlie Logan and Lara.”
Dahil kung hindi banta ni Sarah kahit magkapatid sila ay kaya niyang ituring si Pia na isa ng kaaway.
“The way you show support is not family behavior. Saka lalapit ng sorry kasi I’m not calling bullshit on your threats. I told you I was serious when I threatened you. I’m your sister but I’ll be your worst enemy no problem.”
See? No reply. Hahamon ka ng away tapos ayaw mong makipagayos. ‘Di ‘wag.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan kung ano ang pinagmulan ng gusot sa pagitan ng magkapatid. Pero base sa mga nauna ng panayam at report tungkol sa kanila ay una ng nagkalamat ang kanilang relasyon ng masawi ang kanilang amang si Uwe Wurtzbach.
Si Pia ay tatlong taong mas matanda kay Sarah na 28-anyos na ngayon.
Source:
ABS-CBN Push
BASAHIN:
13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!