13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak

Hindi maiiwasan na magkaroon ng sibling rivalry sa magkapatid o magkakapatid, pero hindi naman nito kailangan na kunin ang kontrol ng buong bahay. Alamin sa artikulong ito kung ano ang masasabing ng ibang top parenting experts at marerekomenda nila upang mapigilan ang sibling rivalry kahit bago pa ito mag-umpisa.

13 paraan upang makaiwas sa sibling rivalry
1. Maggugol ng oras kasama ang isa't-isa

Marahil bilang isang magulang marami na kayong ginagawa sa isang buong araw na nakaka-overwhelm pa na magdagdag ng isa pang gagawin. Ngunit sabi nga ng PhD clinical psychologist na si Barbara Greenberg na magandang maggugol ng isang one-on-one schedule sa inyong bawat anak upang maiwasan ang kaguluhan na maaaring mamagitan sa kanila.

Ang sibling rivalry daw kasi ay tungkol di-umano sa mga bata o anak na gusto lamang magkaroon ng sariling oras o panahon sa inyong mga magulang—gusto lamang nila ang makatanggap ng acknowledgement at recognition sa kanilang mga magulang. Halimbawa na nga lamang kung ang gusto ng isa ay maglaro kayo ng bola sa labas o di kaya naman ang isa ay gusto lamang manood ng movie kasama ka, siguraduhin lamang na pareho mong nabibigyang panahon at atensyon ang bawat isa.

Ito marahil ang maging susi sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa kanila sa loob ng inyong tahanan.

2. Maglaan ng oras para sa isang masaya at exciting na family bonding

Sa isang napaka-busy na mundo kung saan ang libreng oras ay bihira ng mahanap, ang page-enjoy ay nalilimutan na ngang gawin ng bawat isa. Ayon kay Dr. Greenberg, ang paglaan ng quality time kasama ang pamilya na gumagagawa ng mga masasayang aktibidad na pwede nilang pagsaluhan at ma-enjoy ay maaaring lumikha ng isang atmosphere na susugpo sa isang sibling rivalry.

Siguraduhin na maglalaan ng panahon para sa isang masaya at exciting na family bonding, dahil pinapakita nito sa mga anak na hindi kailangan magkaroon ng kompetisyon o rivalry sa bawat isa sa isang pamilya. Maaari gumawa ng mag regular na family tradition tulad ng weekly na movie night o di kaya naman isang game night.

3. Alamin kung kailan mamamagitan

Ang mga magulang na mayroon na higit pa sa isang anak ay laging natatagpuan ang kanilang mga sarili sa gitna ng isang mainit na pagtatalo over sa isang laruan, masasakit na pagpalitan ng mga salita, o di kaya naman mga matatalas na pagtitinginan. Sobra nga daw na nakaka-tempt na mamagitan agad at maging referee sa isang pag-aaway ng magkapatid o magkakapatid, pero ayon kay Dr. Greenberg may mga babala rin sa madaliang pamamagitan sa isang pag-aaway ng magkapatid.

Kung hindi naman daw ito pisikalan, pilitin na hindi mamagitan hanggang sa umabot nga sa pisikalan dun lang mamagitan. Madalas kasi di-umano nakakadagdag ang mga magulang ng negative energy sa pag-aaway ng magkapatid, na lalo pang napapalala ang argumento o issue.

Kadalasan naman, ang mga magkapatid na mismo ang makaka-resolba ng kanilang issue sa bawat isa at ang isang sibling rivalry na hindi masyadong involve ang mga magulang ay tinuturuan din ang mga anak na makipag-negotiate.

4. Bigyan din sila ng sarili nilang space paminsan-minsan

Lahat ng mga magkakapatid ay may kagustuhan na makita ang kanilang mga unique selves na mayroon sila bawat isa ng mga unique goals at talents. Ayon kay Dr. Greenberg, hindi lang kailangan ng mga anak ang sariling nila space, tulad na nga lamang ng pagkakaroon ng sariling kwarto, kailangan din nila ng sariling oras o panahon para gumawa ng masaya at exciting activities na sila lang.

Halimbawa na nga lamang kung gusto niya magkaroon ng fulfillment sa sarili na maglaro ng isang sport o di kaya naman isang musical instrument, mayroong option ang mga batang ito na magkaroon ng isang bagay, isang lugar, na sa kanila lang. Ang pagkakaroon ng sarili nilang oras sa mga bagay na gusto nila ay pagbibigay sa kanila ng pahintulot na magkaroon sila ng sarili nilang individuality. Kapag naramdaman ng isang bata na fulfilled siya at makita siya bilang isang indibidwal na may unique na abilidad, inaalis nito ang need na makipagkompitensya sa kapatid o mga kapatid.

5. Ipagdiwang ang kanilang pagkakaiba

Sabi nila ang buhay para sa mga batang may kapatid o mga kapatid ay mahirap di-umano, lalo na kung masyadong magkakadikit ang edad ng mga ito. Tempting di-umano sa mga magulang na magkaroon ng ekspektasyon sa kanilang mga anak at hindi ito maiiwasan talaga, ngunit ito ang nagdudulot ng pinsala sa kanilang mga indibidwalidad.

Ang ipagdiwang ang bawat isa sa inyong mga anak at ang kanilang bawat indibidwalidad ay importante lalo na malayo ang mararating nito dahil makikita ng mga anak na sila'y napapansin at sila'y importante.

6. Hikayatin ipagdiwang ang success ng bawat isa

Dapat ang mga magulang ay hinihikayat ang mga magkakapatid na ipagdiwang ang success ng bawat isa. Marahil pwedeng isang big celebration o kahit small celebration lang para sa mga maliliit na bagay na kanilang ginawa tulad ng pagiging mabait, academic success, o kahit ang pagkumpleto lang ng kanilang bawat gawain sa bahay. Pwede pa ang pagd-cheer ng bawat isa ay makatulong sa bawat isa sa success na minimithi nila.

7. Siguraduhin may komunikasyon kayo sa isa't-isa

Marahil nakakalimutan ng mga magulang ang importansya ng komunikasyon sa bawat isa sa kanilang mga anak, pero ito ay importanteng maging gawain sa loob ng bahay. Ayon nga kay Dr. Greenberg dapat walang secret conversations sa bawat isa sa magkakapatid kapag iyong kinausap sila ng magkahiwalay, dapat wala ka ring sinasabi na paborito mo ang isa o ang isa upang hindi umusbong ang isang sibling rivalry. Dapat kapag kinausap mo sila ay dapat patas lang at walang halong kahit anong bagay na magbibigay sa bawat isa ng pagkagalit o pagkamuhi.

8. Siguraduhin na hindi lagyan ng label ang mga anak

Sa panahon ngayon mayroon nagiging sakit ang mga magulang na paglalagay ng label sa bawat isa sa kanilang mga anak. Tulad na nga lamang ung sino ang matalino, ang mabait, ang maganda, at kung ano pa. Pagnilagyan ng mga ganitong label ang bawat isa sa kanila ang marahil maisip ng iba ay baka hindi ito maaaring maging mabait, maganda o kung ano man. Kahit na nga mga positibong salita ang mga ito, mayroon din itong mga negatibong mga epekto sa kanila. Marahil ang maaaring gawin ang sarilinin na lamang ng mga magulang ang kanilang obserbasyon tungo sa kanilang mga anak at mas magandang gawin ay hikayatin ang mga ito na maging matalino o maging mabait.

9. Bigyan ang bawat isa ng mga responsibilidad na swak sa kanilang edad

Para sa mga ibang pamilya, ang mga panganay ay madalas naaatasan na magalaga ng kanilang mga mas nakakabatang mga kapatid. Ayon kay Dr. Greenberg hindi ito maganda kasanayan or responsibilidad para sa kanila sapagkat ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sama ng loob. Ang mga panganay marahil nga ay mas nakakatanda, hindi ibig sabihin kailangan nilang palitan ang iyong papel bilang magulang sa kanilang mga nakababatang kapatid o di kaya naman maging babysitter niyo, mas maganda kung mabigyan niyo sila ng responsibilidad na swak sa kanilang edad.

Maaaring bigyan niyo ang mga magkakapatid ng oportunidad na magkaroon ng teamwork. Halimbawa na nga lamang kung nasa grocery kayo ay imbes na pagawayan ng magkapatid kung sino ang kukuha ng cereals, marahil bigyan mo sila ng tsansa na kumuha sila ng tig-isa o di kaya naman mag-take turns sila sa pagkuha ng mga bagay na nasa iyong listahan. Dito mo makikita at mapa-praktis pa nila ang kanilang pagta-trabaho bilang isang team.

10. Siguraduhin na hindi mo sila ikukumpara sa isa't-isa

Ang mga magulang na madalas sabihin ang mga linyang, "Bakit hindi ka maging katulad ng kapatid mo?" o "Bakit 'di mo tularan ang kapatid mo?" marahil mas malaking pinsala ang nagagawa nito sa relasyon ng magkapatid ng hindi nito nababatid. Dapat siguraduhin ng mga magulang na hindi maikukumpara ang mga anak sa bawat isa o di kaya naman sa mga magulang nito mismo, tulad ng "Nakuha mo 'yan sa tatay mo," nagsisimbolo naman ito ng isang favoritism. Lahat ng mga anak o mga bata ay gustong makita sila sa kung ano at sino sila bilang isang inidbidwal na hindi kailangan ikumpara sa kahit kanino man.

11. Disiplinahin sila ng magkahiwalay

Hindi sa lahat ng panahon ay madidisiplina mo ang iyong anak ng pribado lamang, pero kung maaari ang mas best na gawing pribado ang ang lahat. Ang mga bata mayroon silang mga ugali na idamay ang bawat isa sa isang gulo at hindi ito maiiwasan. Pero dapat ang mga magulang kung gusto nilang pagalitan o pagsabihan ang kanilang mga anak, hindi dapat sa harap ng ibang tao, pamilya, lalo na sa harap ng kanilang kapatid o mga kapatid. Dahil sa mga insidenteng ganito napapahiya ang anak na nagdudulot ng galit at marahil paghihiganti din tungo sa kapatid nitong nakaaway. Kung wala mang kwarto na pwede kayong mag-usap, marahil sa tabi na wala masyadong tao o dumadaan ay pwede na, basta sapat na kayong dalawa ang mag-uusap one-on-one. Importante rin na maramdaman ng mga anak na nirerespeto din sila at pinapakinggan.

12. Kung maaari magpulong kayo bilang isang pamilya

Marahil na dapat makita ng mga magkakapatid na isa silang team, kailangan din nilang malaman na kabilang sila sa mas malaki pang team, ang inyong pamilya. Ang mga mas nakakatandang mga kapatid ay marahil magbenepisyo sa mga family meetings lalo na kung mga teenager na ang mga ito. Bigyan ng konsiderasyon ang pagsche-schedule ng mga weekly meetings. Marahil itanong sa bawat isa kung kumusta na sila, ano ang mga maganda at hindi magandang nangyayari. Ito nagsisilbi kasing oportunidad na makapagbigay ng mga compliments sa bawat isa o di kaya naman makakuha ng mga opinyon tungkol sa kung ano man ang nangyayari sa bawat isa.

13. Bigyan pansin din ang mga positibong ginagawa ng anak

Madalas ang mga magulang ang mga negatibo o ang mga kamalian lamang ng anak ang nakikita nito. Marahil maganda rin kung titingnan din ang mga positibo o magandang nagagawa ng mga anak. Ang pagbibigay pansin sa mga positibong nagagawa ng bawat isa ay susi din sa magandang relasyon ng bawat kapatid.

Maganda rin kung bibigyan ng mga reward ang mga anak kahit sa simpleng pagbabakabait lang nila kapag nasa labas. Basta siguraduhin na bigyang pansin ang mga positibong pag-uugali ng mga ito at mag-offer ng reward kung kinakailangan. Ang reward naman hindi naman kailangan enggrande, kahit simple bibilhan mo siya ng paborito niyang pagkain ay reward na iyon.

 

Source: Reader's Digest

Basahin: 3 paraan kung paano mapagkasundo ang laging nag aaway na mga anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner