Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

Pia Wurtzbach bahagi narin ng mga fashion weeks! Siya ay kasalukuyang nasa Paris ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pia Wurtzbach nag-celebrate ng kaniyang 34th birthday. Jeremy Jauncey may sweet na mensahe sa kaniyang misis na nasa Paris ngayon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pia Wurtzbach birthday.
  • Mensahe ni Jeremy Jauncey sa misis niyang si Pia Wurtzbach.

Pia Wurtzbach birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Nitong September 24 ay ipinagdiwang ng beauty queen na si Pia Wurtzbach ang kaniyang 34th birthday. Si Pia nasa Milan, Italy sa mismong araw ng kaniyang kaarawan. Ito ay dahil naimbitahan siyang maging bahagi ng fashion week. Kaya naman sa kaniyang birthday ay working mode parin siya. Pero si Pia, sa kaniyang birthday ay hindi nakalimutang magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng kaniyang mga tagumpay sa mga nakalipas na taon. Lalo na sa bagong chapter ng kaniyang buhay ngayon bilang isang married woman.

“A BIG THANK YOU for being by my side, watching me grow through the years — some of you have literally seen and supported me since day 1 to now that I’m married. As I navigate this new era of my life, I am grateful for all of YOU for still being here. ☺️”

Ito ang bahagi ng birthday post ni Pia.

Mensahe ni Jeremy Jauncey sa misis niyang si Pia Wurtzbach

Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang mister ni Pia na si Jeremy Jauncey ay may sweet birthday message rin sa beauty queen. Lalo pa’t sila ay hindi magkasamang nai-celebrate ang birthday ni Pia. Si Jeremy iniisa-isa ang achievement ni Pia ngayong taon. Saka niya binati ito at sinabi dito kung gaano siya ka-proud sa kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy birthday baby, what a year you’ve had @piawurtzbach. A best selling book, growing businesses, film festivals, fashion weeks and a very special wedding…. I love you and I’m proud of you ? I have no doubt this year will be even bigger.”

Ito ang mensahe ni Jeremy kay Pia na agad namang ni-replyan ng beauty queen.

“Thank you my love. ❤️ I miss you and wish you were here! ❤️❤️❤️”, sagot ni Pia kay Jeremy.

Larawan mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement