Marami ang nadedevelop na kaalaman kay baby sa edad na 1 hanggang 4 na taon. Dito rin excited ang mga mommies na hikayatin ang kanilang mga anak na makadiskubre ng mga bagong hobbies. Isa sa magagandang hobbies na makokonsidera para sa kanila ay ang pagkatutong gumamit ng mga musical instruments.
Marami nang pag-aaral ang nakapagpatunay na ang pagtugtog ng piano ay may magandang epekto sa pagdevelop ng kaisipan ng bata. Kaya naman magandang bigyan sila ng piano toys upang matuto habang maaga.
Kung kasalukuyan kang naghahanap ng best piano toys for toddlers, patuloy na magbasa! Alamin ang aming top picks ng piano toys na maaari mong mabili online.
Talaan ng Nilalaman
Best Piano Toys for Toddlers
Kung napapansin mong mahilig si baby tumugtog ng piano, hindi naman nangangahulugang kailangan mong bumili na nito kaagad. Dahil sa nagdedevelop pa ang mga daliri at katawan ng iyong chikiting, maganda na magsimula na muna sa mga laruan lamang. Mas makakamura at tiyak na mag-eenjoy siya dito dahil akma para sa maliit niyang kamay.
Narito ang aming recommended brands ng best piano toys:
B. Toys Musical Piano Toy Meowsic
Best Overall
|
Buy Now |
JLT Farm Animal Piano
Most Budget-friendly
|
Buy Now |
WinFun Baby Maestro Touch Piano
Best for Babies and Toddlers
|
Buy Now |
Digital Electronic Piano for Kids
Best Realistic
|
Buy Now |
Rixton Foldable Piano
Best Compact
|
Buy Now |
Kids Musical Piano Toy
Best Piano Toy Set
|
Buy Now |
Best Overall Piano Toy
B. Toys Musical Piano Toy Meowsic
Tiyak na magugustuhan ng iyong little one ang Meowsic Piano Toy mula sa B. Toys. Mayroon kasi itong 5 rhythm sounds, 20 songs na tiyak ay masasabayan ng iyong anak at 7 kitty songs na nakakaaliw.
Bukod pa riyan, may kasama itong retractable microphone kaya’t maaaring kumanta si baby habang pinapatugtog ang kanyang napiling sounds o di kaya ay nagpipiano. May record button pa ito at maaaring playback agad ang sounds at kanta.
Kid-friendly pa ang design nito at napakadaling gamitin. Malalaki ang mga buttons kaya’t madaling makita at pindutin.
Features we love:
- Safety
- Smooth surfaces.
- Non-toxic materials.
- Design
- Cat design.
- Kid-friendly features.
- Bug buttons, controllable tempo, beat and volume.
Most Budget-Friendly Piano Toy
JLT Farm Animal Piano
Kung napapansin mong hindi lamang sa musical instruments mahilig si baby kung hindi maging sa mga animals at colors din, swak ito para sa kanya! May mga pictures ng iba’t ibang hayop ang laruan na maaaring tukuyin ni baby habang nilalaro. Nakaaaliw rin ang lighting effects na maaring makatulong sa pagtukoy ng iba’t ibang kulay. Sumasabay pa ang effects sa tuwing pinipindot ang 8 tones nito.
“Handy" rin ito para sa mga babies na nagdadala ng laruan kahit saan magpunta. Madali kasing mabitbit dahil sa size nitong 18 x 5 x 16 cm. May built-in na ring handle upang mas madaling bitbitin. Well-packaged din ang produkto kaya tiyak na makasisiguro kang nasa maayos na kalagayan pagdating nito.
Features we love:
- Safety
- Safe and environment friendly.
- Ito rin ay may non-toxic odor.
- Design
- Colorful kaya naman maganda sa mata ng bata.
- Lighting effects para makadagdag pang-aliw habang tinutugtog.
Best Piano Toy for Babies and Toddlers
Winfun Baby Maestro Touch Piano
Swak naman for babies and toddlers ang baby maestro touch piano na ito from Winfun. Soft touch lamang ito kaya’t tamang-tama para sa little fingers ng iyong little one. Mayroon itong 8 keys na nakakapagproduce ng iba’t ibang sounds.
Karagdagan, mayroon itong two modes of play. Iyan ay ang free play at jam melodies na may 8 instrument sounds at 8 animal sounds. Battery operated din ito kaya naman wala itong mahabang electricity cord at maaaring mailipat-lipat ng puwesto.
Siguradong makukuha rin ng piano toy na ito ang atensyon ng iyong baby dahil sa colorful at cute designs nito.
Features we love:
- Safety
- Gawa sa plastic material na safe for babies and kids.
- Design
- Soft touch keyboard.
- Colorful designs.
- Battery operated.
Best Realistic Piano Toy
Digital Electronic Piano for Kids
Gaya ng nabanggit kung paano pipili ng musical toy para sa mga toddlers, dapat ay parang totoo ang bilhin. Pasok ang piano toy na ito dahil sa itsura at features na mayroon ito. Halos hawig nito ang professional electronic organ kaya naman mararamdaman ng iyong chikiting ang realistic experience na siya ay ganap nang pianist.
Matututunan niya talagang paunlarin ang kanyang talent skills sa pagtutugtog dahil sa 61 simulation black and white keys na maaaring pag-aralan. Bukod pa diyan, taglay rin nito ang mga quality tones, rhythms, melodies, at iba’t ibang music na pwede niyang maiexplore.
Hindi lamang ang pagtugtog ng iyong baby ang pwedeng mapaunlad dito. Dahil sa may kasama itong external microphone pwede na rin niyang mahasa ang kakayahan sa pagkanta. Malinaw na maririnig ang tugtog at boses dahil sa quality speakers nito.
May sukat itong 54.5 x 17.5 x 5.5 cm perfect para maimagine niyang totoong piano na talaga ang kaniyang tinutugtog.
Features we love:
- Safety
- Made of security and eco-friendly material.
- Smooth edge para hindi masaktan ang iyong baby.
- Non-toxic at safe ABS plastic.
- Design
- Realistic dahil hawig sa totoong electronic organ.
- Professional looking.
- Black and white.
- Brand-new at high quality.
Best Compact Piano Toy
Rixton Foldable Piano
Great idea ito kung naghahanap ka ng maireregalo sa iyong musically-inclined child! Talaga namang convenient dahil easy roll ang piano na ito at madali dalhin kahit saan man magpunta. Bukod sa pagiging portable nito, waterproof at shatterproof na rin! Safe na safe para sa inyong mga travels.
Kahit pa ito ay may compact size gumagana pa rin ito tulad ng isang totoong piano. Maaaring iexplore ni baby ang 16 tones, 10 rhythms, at 6 demo songs na mayroon ito. Mayroon na rin itong USB Mini port na pwedeng maikonekta sa inyong computer.
Features we love:
- Safety
- 100% waterproof.
- Shatterproof.
- Non-toxic material.
- Made out of silicon rubber kaya naman pwedeng dalhin nang hindi agad nada-damage.
- Design
- Rechargeable.
- Unique and handy.
- Easy roll.
Best Piano Toy Set
Kids Musical Piano Toy
Mukha bang kinahihiligan talaga ni baby ang paggamit ng piano? Kung oo, perfect para sa kanya ang Kids Musical Piano Toy na ito. Kabilang sa set na ito ay ang piano with stand, microphone at mini chair.
Madaling matututo ang iyong anak ng mga maiiksing pyesa o tunog sa piano sa tulong nito dahil mayroon itong play guide na kung saan ay iilaw ang susunod na key para malaman ng bata kung ano ang kanyang pipindutin. High quality pa ang speaker na ginamit dito kayang magandang kalidad din ng tunog ang napoproduce nito.
Pagdating naman sa quality, hindi ka rin dapat mangamba. Gawa kasi ito sa matibay na plastic material na walang halong harsh substances na maaaring makasama sa bata.
Features we love:
- Safety
- Non-toxic plastic material.
- Design
- Piano toy set.
- With play guide.
- Realistic.
- Soft keys.
Price Comparison Table
Talaga namang lahat ng piano toys na ito ay nakakaexcite bilhin para sa iyong baby. Tiyak na mapauunlad mo ang talent ng inyong anak pagdating sa musika. Para mas madali kang makapagdesisyon sa kung anong produkto ang bibilhin, inilista na rin namin ang presyo ng bawat isa para macheck kung swak ba sa inyong budget ang pipiliing piano toy:
Brand | Price |
B. Toys | Php 2,899.00 |
JLT | Php 150.00 |
Winfun | Php 1,499.00 |
Digital Electronic Piano | Php 435.00 |
Rixton | Php 699.00 |
Kids Musical Piano | Php 1,349.00 |
Paano pumili ng best piano toys for toddlers
Bago natin ilista ang ilan sa mga best piano toys para sa iyong baby, alamin muna natin kung paano pipili ng mga musical toys para sa kanya:
- May iba’t ibang gamit – Magandang pumili ng musical toy na maraming maaaring gawin at matutunan. Sa ganitong paraan sila na mismo ang nagkukusang matuto. Lalo na sa mga bagay na nakatutulong na mapaunlad ang kanilang mga talents. Subukang humanap ng musical toy na maraming function upang marami siyang bagong matututunan.
- Realistic – Unti-unting matututunan ng iyong toddler ang mundong kanyang kinalalakihan. Kaya naman mas nagiging interesado siya sa mga bagay na halos kahawig ng reyalidad. Ang mga ganitong laruan ay nakatutulong upang malaman nila kung paano ginagamit ang mga bagay sa pang araw-araw na buhay. Mainam na maiparamdam sa kanya na para bang isang totoong instrumento na talaga ang kanyang ginagamit para magkaroon ng confidence habang siya ay tumatanda.
- Pumili ng makakapagspark ng kanyang imagination – Sa edad ng mga toddlers, dito umuusbong ang mga makukulay na imahinasyon kung ano ang gusto nila maging pagtanda. Pumili ng laruang alam mong matutuwa siya dahil kaya niyang gawan ng kuwento ang sarili habang nilalaro ito. Kumbaga, nakikita niya kung anong gusto niya tahakin pagtanda. Mahalagang factor na masuportahan ang iyong anak sa kanyang pangarap na maging musikero o musikera. Mainam na pumili ng musical toy na maiimagine niyang tumutugtog siya sa entablado o sa harap ng mga tao.