Alam niyo ba na mayroong mga pag-aaral na nagsasabing ang baby-led weaning ay mabisang paraan para sanayin ang anak na kumain at maiwasan itong maging picky eater?
Ano ang baby-led weaning?
Ang baby-led weaning ay ang pag-introduce ng solid food sa baby. Kabilang na rito ang pagbibigay sa kanya ng piraso ng pagkain na kayang damputin ng baby at kainin nang mag-isa. Sa pamamagitan ng baby-led weaning natututunan ng bata na magkaroon ng kontrol sa kung ano, kailan, at gaano karami ang kaniyang kakainin.
Mabisang paraan ito upang ma-explore ng baby ang iba’t ibang texture at lasa ng pagkain. Sa pamamagitan ng baby-led weaning, unti-unting napapalitan ang calories mula sa breastmilk at formula milk ng calories mula sa solid food. Pero hindi ito nangangahulugan na tuluyan nang patitigilin sa breastfeeding ang bata.
Tandaan din na isinasagawa ang baby-led weaning kapag ang bata ay kaya nang umupo nang walang suporta mula sa nakatatanda. At mayroon ng head control at kakayahang damputin at isubo ang pagkain nang mag-isa. Mahalagang kumonsulta muna sa doktor upang malaman kung kailan pwedeng simulan ang baby-led weaning.
Baby-led weaning iwas picky eater si baby
Ayon sa artikulo ng Psychology Today na may pamagat na “Baby-Led Weaning: What Does the Research Say,” mayroon umanong mga pag-aaral na nagpapakita na ang early exposure ng mga bata sa solid food ay nakaiimpluwensya sa food preferences nito habang tumatanda.
Kaya naman mahalaga umano na ma-expose ang anak sa mga pagkaing may mas complex na texture. Para masanay sila sa mga ganoong uri ng pagkain. Dagdag pa rito, may pag-aaral din umano kung saan ang mga bata na madalas na pinakakain ng lumpy foods. Ay mas nagiging picky eater at kakaunti kung kumain. Posible rin umano itong magkaroon ng feeding problems kapag ito ay pitong taong gulang na.
Panghuli, mahalaga rin na huwag ipressure ng parents ang kanilang anak kung kailan magsisimula at gaano karami ang kakainin. May mga pag-aaral din kasi kung saan nakita na ang pressure mula sa adults tuwing mealtime ay associated sa pagiging picky eater ng mga bata.