Ang anak niyo ba’y pihikan sa pagkain? Hindi ba siya kumakain ng gulay o prutas at puro mga unhealthy foods lang? May bigay na tips si Dr. Gellina Suderi-Maala sa ating mga mommy at daddy sa inorganisa naming online forum sa aming theAsianparent Philippines Facebook page.
Talaan ng Nilalaman
Anak na pihikan sa pagkain
Maraming mga magulang ngayon ang nahihirapan talaga sa pagpapakain ng healthy food sa kanilang mga anak. Dala rin ito ng mga nakikita ng mga bata sa television at ng mga pagkain sa fast food chains.
Ayon kay Dr. Gel, “Kapag healthy ka marami kang happy hormones sa iyong katawan.” Hindi lamang ito nag-a-apply sa mga chikiting kundi sa ating ding mga adult. May sinasabi si Dr. Gel na 5-2-1-0 na simple na steps para sa pagpapalaki sa isang healthy na bata.”
Narito ang mga sumusunod na hakbang na maaaring gawin kung pihikan sa pagkain ang iyong anak:
1. 5-2-1-0 (Eat Reduce Play Limit)
5 – Eat
Nagbigay si Dr. Gel ng tips para naman makakain ang inyong mga anak ng masusustansiyang pagkain. Nagsisimula umano sa pag-breastfeed ang optimum growth ng isang bata. Best umano ito sa mga baby o mga sanggol.
Kapag nasa 6-month old na si baby pwede na siyang pakainin ng mga puree food, 8-month old naman ay pwede na ang finger foods, 10-month old naman ay pwede na sa lumpy foods.
Samantala, kapag nag-12-month old na ang inyong anak ay pwede na siyang kumain ng table foods. Katulad ito ng mga kinakain nating mga adult.
Ayon kay Dr. Gel maaari kang mag-introduce ng 45 na pagkain sa iyong anak sa stage na ito. Mahalaga umano ang complimentary feeding sa iyong mga anak sapagkat nakakatulong ito sa optimal growth, body composition, maayos na function ng digestive system, at magde-develop din siya ng mga healthy food preferences.
Sa tanong na: “’Yong child ko mukha nang malusog, need pa ba ng vitamins ni baby kahit mataba siya?”
Ayon kay Dr. Gel, “Bakit mataba si baby? Mommies hindi lang po kapag may sakit si baby tayo nagpapa-check-up. We also do wellness check-up.” Dagdag pa ni Dr. Gel, “Titignan natin kung tama ang weight niya sa height at edad niya.” At kapag hindi raw ito tugma. “We will do a lifestyle changes and diet.”
2. 2 – Nutrients
Mayroon daw dalawang klase ng nutrients sabi ni Dr. Gel ito ang,
- Essential nutrients – wala umanp ito sa katawan natin, matatagpuan umano ito sa ating mga kinakain o iniinom.
- NON-Essential nutrients – ito’y hindi na kailangang i-acquire ng ating katawan.
Kailangan umanong pakainin ang inyong mga anak ng mga pagkaing matataas sa calcium, vitamin B2, B5, B12, C, K, B, E, B6, D, Iron, at iba pa.
Pihikan sa pagkain: Paano naman kung underweight na ang inyong anak?
Sabi ni Dr. Gel, “Kailangan na nating magbigay ng mga supplement para mag-increase ‘yong appetite ng bata.” Makakatulong umano kung susundin ang pinggang pinoy o grow, glow, go, with glass of water. “Ito ‘yong sinasabing healthy meal sa isang tao.”
Dagdag pa ni Dr. Gel, “In reality ang tendency nagre-resort tayo sa mga fastfood na meal, beverages.” Hindi naman umano masama ang pagpapakain ng fast food meal sa inyong mga anak.
Dapat may regulation ito at hindi lamang ito ang lagi nilang kinakain. Maging aware din dapat ang mga mommy at daddy sa consequence sa pagpapakain ng fast food meals sa mga bata.
“Hindi naman bawal ito pero dapat in regulation. Kailangan lang regulated ‘yong pagbibigay natin ng unhealthy food sa kanila.” wika ni Dr. Gel.
Child’s Food Preference
Ang bata habang lumalaki ay nagde-develop ng kaniyang preference sa pagkain. Kaya dapat malaman kung kailan ito nagsisimula. Upang bata pa lamang ay mga healthy food na ang magiging food preference niya.
- Food preference form in the first two years of life
- Unhealthy food and beverages advertisements
- Unhealthy food preferences
Sabi ni Dr. Gel,
“Kung sa complimentary feeding pa lang na-introduce na natin sila sa mga healthy food hindi tayo mahihirapan.
Kasi ang bata nagkakaroon siya ng food preference in the first 2 years kaya naman iyon talaga ang perfect time to introduce healthy foods sa kanila. Ang problem kasi natin ngayon sa new era, or sa digital era. Ang dami kasing advertisement online sa tv na nagpapakita ng mga unhealthy foods.”
Dapat maaga pa lamang ay sinasanay na ang mga bata sa pagkain ng masusustansiyang pagkain.
Sa tanong naman na: Question: “It is bad ba na pilitin ang kids kapag ayaw nilang kumain?
Isang mommy ang nagtanong nito dahil marami ang guilty na magulang sa ganitong gawain. Pero tama nga bang pilitin ang mga bata kung ayaw nilang kumain? Sabi ni Dr. Gel,
“May time limit tayo, may number of times. Let’s say may food kang in-offer and then away niya, let’s say gulay, let’s say beef with broccoli tapos ayaw niya ‘yong broccoli. Let’s say na you introduce broccoli all over again like 15 to 20 times matutunan niya na is okay, is taste good naman.”
“Kung pipilitin ba? Ang limit natin sa study, ang limit natin ay 30 mins.” Kapag pinilit pa at sumobra ito sa 30 mins maaaring magkaroon ang ng negative emotional effect ito sa bata.
Bakit nga nagre-resort ang mga magulang sa pagpapakain ng fast food meal ngayong new normal na?
Nagbigay si Dr. Gel ng ilang mga dahilan kung bakit nga ba ito nangyayari. Ito ang mga sumusunod.
- Stress
- Anxiety
- Parents work schedule
- Child’s school schedule
- House tasks
Ngayon nasa loob lagi tayo ng ating mga bahay at hindi naman tayo maaaring lumabas lagi dahil sa risks ng pagkakaroon ng COVID-19.
Napipilitan ang mga magulang mag-relay sa madadaling mga pagkain katulad ng fast food meal na ide-deliver na lang sa harap ng inyong bahay. Dagdag pa riyan ang mga naiimbak nating mga pagkain ay maraming preservatives.
Pero mayroon namang mga paraan para umano mapanatiling fresh ang mga gulay at prutas. Marami umanong makikita online kung paano ito magagawa.
Dahilan kung bakit pihikan sa pagkain ang inyong anak
- Early feeding difficulties
- Late na introduction ng lumpy foods at weaning
- Pressure sa pagkain at maagang pagiging mapili ng anak
Sa mga rason na ito ang dahilan kung bakit pihikan sa pagkain ang inyong mga anak. May mga senyales umano para malaman kung pihikain sa pagkain o picky eater talaga ang iyong anak.
Senyales ng picky eating o pihikan sa pagkain
- Mas gusto ang liquid diet
- Mas gustong maglaro.
- Gusto lang nila ng isang pagkain
- Fickle- minded
- Ayaw ng mga bagong pagkain.
Paano naman malalaman kung kailangan na ng tulong ng inyong anak dahil sa kaniyang pihikan sa pagkain? Nagbigay si Dr. Gel ng mga red flags signs para maging gabay rin ng ating mga mommy at daddy.
Problem Feeder
- Kumakain lamang ng 20 na iba’t ibang pagkain
- Ayaw kumain ng isa o mas higit pang food groups.
- Kumakain lang ng isang texture na pagkain, kulay, at temperature. Maaaring kumakain lamang ng isang brand ng pagkain o partikular na pagkain.
- Kinakain lamang ang mga pagkain sa partikular na lugar, kasama ang partikular na tao.
- Hindi kayang i-handle ang hindi niya gustong pagkain sa lamesa.
- Umiiyak, sumisigaw, nagta-tantrums, sa pag-iintroduce mo ng mga bagong pagkain sa kaniya.
- Oral-motor difficulties: drooling, loss of food while chewing, difficulty biting foods, visible grimacing or coughing when swallowing.
Kapag ito’y tumagal ayon kay Dr. Gel na ginagawa at nakikita niyo sa inyong mga anak mas mabuting humingi na ng tulong sa mga eksperto.
Tips para sa mga picky eaters o pihikain sa pagkain.
-
Mag-set ng oras sa pagkain.
- Mag-aim ng 5 beses kung saan kakain ang iyong anak; 3 meal, at 2 snacks na may kasamang tubig in between.
-
Tandaan ang 15 & 30
- Umaabot sa 15 beses upang matanggap ng isang bata ang bagong pagkain. Kung ayaw niyang kainin ito sa loob ng 30 minutes huwag na siyang pilitin.
-
Kausapin ang inyong anak tungkol sa rainbow
- Ang fresh fruits at vegetables tuwing pagkain ay maaaring i-offer sa inyong anak. Upang makain ng inyong mga anak ang lahat ng kulay na mayroon sa rainbow. Panatilihing happy at hindi stressful ang pagkain.
Mahalaga rin umano ang pagtatanong sa kanila kung anong gusto nilang pagkain. I-involve niyo rin sila sa inyong food preparation para mas maging enjoyable sa kanila ang pagkain.
Reduce screen time 2 hours
Screen time includes
- Television
- Computer
- Tablet
- Video game time
Dahil ayon kay Dr. Gel, “Watching too much television or engaging gadgets it will lead to obesity kasi usually nakahiga lang. Lalo na ngayon.”
3. 1 – Play
Bigyan ng oras ang inyong anak sa paglalaro ng mga physical activities upang mas maging strong at healthy sila. Kapag 3-5 years old naman ang inyong anak ang ideal na oras na paglalaro ay 3 oras.
“Keep kids active at home (and at school). Support physical educations, walkable communities, and safe places to play. Their future health depends.”
Pwede kayong gumawa ng mga obstacle course sa inyong bahay upang ma-engganyo ang inyong mga anak sa physical activites.
4. 0 – Limit
Limitahan ang papakain sa kaniya ng mga sugary na pagkain at inumin. Kung maaari lamang ay dapat na 25 grams lang ng sugar. Iwasan din ang pagpapainom sa kaniya ng carbonated drinks.
Mga mommy at Daddy sana nakatulong ang ilang impormasyon at tips ni Dr. Gellina sa inyo. Sa iba pang nais na makilahok sa mga ganitong talakayan ng theAsianparent Philippines ay i-follow ang aming Facebook page. Tuwing mayroon kaming live ay may mga pa-premyo rin.
Huwag sumuko mga mommy at daddy siguradong mapapakain niyo rin ng mga healthy food ang inyong anak na pihikan sa pagkain. Kaunting tiyaga lang at sundin ang ilang tips ni Dr. Gel.
Ano ang mga habits ng mga bata sa pagkain
Nangangamba ka ba sa maaaring epekto ng pagiging pihikan sa pagkain ng iyong anak? Mayroong mga paraan para maturuan ito ng malusog na habits sa pagkain ng mga bata.
Ano-ano ang mga habits ng mga bata sa pagkain?
Ayon sa World Health Organization, sa kanilang pag-aaral, tinatayang nasa 78% ng mga bata ang kumakain ng almusal, 42.5% naman ang nakakakain ng prutas araw-araw at 22.6% naman ang kumakain ng gulay araw-araw. Ang ibang mga bata naman ay nahihiligan ang pagkain ng matatamis at pag-inom ng soft drinks.
Dagdag pa ng WHO, mahalaga umano na aksyonan ang pag-promote ng malusog na habits sa pagkain ng mga bata.
Paalala ng World Health Organization, kabilang umano sa mga malusog na habits ng mga bata sa pagkain ang pagkonsumo ng sariwang prutas at gulay. Gayundin ang pagkain ng almusal. Makatutulong umano ang pag-iwas sa mga pagkaing maraming asukal, saturated fats, trans fats at maaalat na pagkain.
Habits sa pagkain ng bata: Benepisyo ng malusog na mga habits ng bata sa pagkain
Paano nga ba magkakaroon ng malusog na mga habits sa pagkain ang mga bata?
Mga habits ng mga bata sa pagkain: Sa pagtuturo o paghikayat sa iyong anak na kumain nang tama at magkaroon ng malusog na mga habits ng mga bata sa pagkain, matutulungan ang iyong anak na mapanatili ang maayos na timbang at normal na paglaki.
Ayon sa WebMD, ang pagkakaroon ng malusog na habits ng mga bata sa pagkain ay makatutulong din sa kanilang pagtanda. Kung bata pa lamang ay healthy na ang lifestyle ng isang bata, madadala niya ito hanggang sa kaniyang pagtanda. At makatutulong ito sa pagkakaroon ng malusog na buhay at makaiwas sa mga sakit.
Dagdag pa ng WebMD, ang ilan sa mga pinakaimportanteng aspeto ng pagkakaroon ng healthy eating habits ay ang tinatawag na portion control tulad ng pagbawas sa mga pagkaing matataba at matatamis. Makabubuti umano na sundin ang mga sumusunod upang maging malusog ang anak:
- Kung kakain ng manok ay alisin ang balat nito
- Bigyan ng whole grain bread at cereal ang iyong anak
- Sanayin ito sa healthy snacks tulad ng prutas at gulay
- Kung pakakainin ng dairy products piliin ang low-fat at nonfat na mga produkto.
- Bawasan ang nakokonsumo nitong mga inumin na matatamis tulad ng soft drinks.
- Iwasan ang pagkain ng maaalat na pagkain.
Kung hindi ka tiyak sa kung ano ang dapat at hindi dapat kainin ng iyong anak, maaaring kumonsulta sa isang registered dietitian para sa nutrition counseling. Makatutulong ang pagkonsulta sa dietitian para matiyak na angkop ang diet na naibibigay sa bata depende sa kaniyang edad at overall health condition.
Mga dapat tandaan ng mga magulang
- Huwag i-pressure ang iyong anak na sumunod sa istriktong diet upang makapagbawas ng timbang. Maaaring hingin ang supervision ng doktor lalo na kung may medical condition ang iyong anak na nangangailangan ng strict diet.
- Hikayatin ang iyong anak na kumain nang dahan-dahan o mabagal. Sanayin ang bata na kung kukuha ulit ng pagkain matapos maubos ang naunang serving ay maghintay muna ito ng 15 minuto upang matiyak kung gutom pa nga ba ito o busog na. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang kaniyang isipan na obserbahan ang kaniyang sarili pagdating sa pagkain. Tandaan din na ang ikalawang serving ay dapat na mas kaunti kaysa sa nauna.
Mahalaga ang atensyon ng mga magulang para magkaroon ng healthy eating habits ang mga bata. Hangga’t maaari ay saluhan o sabayan sa pagkain ang iyong anak. At tiyakin na sa bawat pagkain sa hapag ay magkakaroon ng masaya o payapang kwentuhan ang pamilya. Iwasan na gawin ang pagsermon sa anak sa oras ng pagkain.
Bukod pa rito, maging modelo sa iyong anak. Kung nakikita nito na kumakain ka ng masusustansyang pagkain at mayroon kang healthy eating habits ay mataas din ang tiyansa na gayahin ka ng iyong anak. Tiyakin na masusustansya ang mga pagkain sa inyong tahanan.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan