X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

4 na pinakamatinding pangangailangan ng mga mag-asawa

3 min read

Kailangan ni mister: S’ya ay igalang
Kailangan ni misis: S’ya ay mahalin

Karamihan sa mga kalalakihan ay naniniwala na ang isa sa pinakamahalang bagay sa isang pagsasama ay ang respeto sa isa’t isa. Para sa kanila, ang sila ay igalang ay kabahagi ng pag-ibig para sa kanila. Ang maramdaman na sila ay iginagalang sa isang relasyon ay nagpaparamdam sa kanila na sila ay pinahahalagahan at minamahal.

Sa parte naman ng mga babae, para sa kanila, kailangang maipakita at maipadama sa kanila ng kanilang mga mister na sila ay minamahal ng kanilang mga asawa. Sa mga maliliit na bagay na ginagawa ng kanilang mga mister para sa kanila ay makapagpapadama na sa kanila ng labis na pagmamahal.

Kailangan ni mister: Maramdaman na sila ay iniibig sa pamamagitan ng pakikipagtalik at intimasiya
Kailangan ni misis: Magkaroon ng emotional connection bago sila makipagtalik sa kanilang asawa

Pagdating sa pakikipagtalik, ginagamit itong paraan ng mga kalalakihan para maiparamdam ang kanilang pagmamahal. Karamihan sa kanila ay may mas mataas na sex drive kumpara sa mga kababaihan, kaya naman mas malaking bahagi ng kanilang paraan para maiparamdam ang kanilang damdamin ay sa pamamagitan nito.

Sa nga babae naman, kailangan nilang magkaroon ng emotional connection sa kanilang asawa bago sila makipagtalik. Mahalagang malaman ng mga lalaki ito dahil hindi madali para sa kanila na gawin ito ng biglaan. Kaya naman kung hindi sila agarang pumayag, mabuting ito ay unawain at bigyan ng panahon.

Kailangan ni mister: Makipag-bonding sa pamamagitan ng mga iba’t ibang activities

Kailangan ni misis: Makipag-bonding sa pamamagitan ng pakikipagusap

Gusto ng mga lalaki na makipagbonding sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Gusto nila na magbahagi ng mga karanasan sa sa kanilang mga asawa sa pamamagitan ng paggawa ng  mga bagay-bagay kasama ang kanilang mga asawa.

Para sa mga misis naman, mas mahalaga ang pakikipag-usap. Mas gusto nila na ibahagi ang kanilang mga damdamin at mga karanasan, mga naiisip at iba pa. Kaya naman kailangang maging mabuting tagapakinig rin ang mga mister!

Kailangan ni mister: Oras para pag-isipan ang mga bagay-bagay

Kailangan ni misis: Pag-usapan ang mga bagay-bagay


Karamihan sa mga lalaki, tuwing may problema, o di kaya ay may ‘di pagkakaunawan sa pagitan nila ng kaniyang asawa, may nanaisin nila ang mabigyan ng oras na mapag-isa at makapag-isip. Kaya naman hindi dapat sila pinipilit na makipag-usap lalo’t hindi sila handa dahil baka lalo itong magdulot ng mas malaking problema.

Para naman sa mga babae, mas gugustuhin nila na pag-usapan ang problema para ayusin ito. Mas mahalaga ang pakikipag-usap kaya naman mas gusto nila ang kanilang asawa ay nakikipagtalastasan sa kanila, at nakikinig kung kailangan.

 

Ang article na ito ay unang isinulat ni Alwyn Batara.

READ: 5 Things that every husband needs from his wife

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • 4 na pinakamatinding pangangailangan ng mga mag-asawa
Share:
  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

    Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

  • Prevent sunburn and have fun under the sun by following these simple tips we've listed!

    Prevent sunburn and have fun under the sun by following these simple tips we've listed!

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

    Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

  • Prevent sunburn and have fun under the sun by following these simple tips we've listed!

    Prevent sunburn and have fun under the sun by following these simple tips we've listed!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.