Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak

Ayon sa mga ulat, bukod sa pinatay ang asawa at tatlong anak, naging biktima rin ng suspek ang kaniyang 73-taong gulang na biyenan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masarap magkaroon ng sariling pamilya. Yung mayroon kang mapagmahala na asawa, at sobrang cute at bibo na mga anak. Napakasayang isipin hindi ba? Pero paano kung ang inaakala mong masayang buhay ay biglang bumaliktad? Ganito ang nangyari sa Perth, Australia kung saan isang ama ang pinatay ang asawa at tatlong anak. Bukod dito, pinatay rin ng suspek ang kaniyang biyenan na 74-anyos.

Paano kaya ito nagawa ng suspek sa sarili niyang pamilya?

Ama, pinatay ang asawa at tatlong anak

Source: Facebook.com

Ang mga naging biktima ng suspek na si Anthony Robert Harvey ay ang kaniyang 41-taong gulang na asawang si Mara Harvey, ang 2-taong gulang na kambal na si Alice at Beatrix, 3-taong gulang na anak na si Charlotte.

Pinaghihinalaan din ng mga pulis na siya ang pumatay sa kaniyang biyenan na si Beverly Quinn, na 73 na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga kamag-anak ng pamilya, wala naman daw silang nakitang kahit anong senyales na mayroong problema ang mag-asawa. Kaya gulat na gulat sila nang mabalitaan ang nangyari.

Sinabi ng kapatid ni Mara na si Taryn Tottman na hindi raw siya makapaniwala nang makita ang bahay ng kapatid sa TV. Dagdag niya na isa sa mga kaibigan niya ang nagbahagi ng masamang balita.

Masayahin daw ang pamilya

Ayon sa isang kapitbahay, masayahin daw ang pamilya. Madalas pa raw nilang nakikita ang mga bata na naglalaro sa kanilang bakuran.

Kaya’t naghinala na sila nang mapansin na mistulang naging tahimik bigla ang tahanan. Malapit raw sa isa’t-isa ang kanilang maliit na komunidad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naikwento rin ng isang kaibigan na napakasaya daw ni Mara at nakilala niya si Anthony. Ito ay dahil nahirapan daw siyang makahanap ng mapapangasawa at sa wakas ay natupad na ang mga pangarap niya.

Kaya gayun na lang ang gulat ng kanilang mga kapamilya at kaibigan nang ang suspek ay pinatay ang asawa at tatlong anak.

Hindi agad umalis sa bahay ang suspek

Ayon sa pulisya, gumamit raw ng kutsilyo at pamalo ang suspek upang patayin ang kaniyang mag-anak. Isang araw matapos gawin ang krimen, pinatay naman ng suspek ang kaniyang biyenan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag ng mga pulis na ilang araw pa namalagi ang suspek sa kanilang tahanan, bago umalis at nagtago. Sa kalaunan ay sumuko rin ang suspek sa mga pulis matapos ang isang linggo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga pulis kung ano ang dahilan ng pagpatay sa pamilya.

Alagaang mabuti ang iyong pamilya

Hindi maiiwasan na ang mga mag-asawa ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ngunit, hindi naman nito kailangang humantong sa pananakit, pang-aabuso, o sa mas malala pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto ang ilang mga tips para mapigilan ang domestic violence:

  • Huwag matakot magsalita tungkol sa domestic violence. I-report ang mga kaso nito, at huwag magdalawang isip na humingi ng tulong.
  • Lahat ng bagay ay napag-uusapan. Huwag hayaang mapunta sa pisikal na sakitan ang mga away mag-asawa.
  • Hindi tama ang manakit ng asawa o ng anak.
  • Hindi rin dapat pinapalo o sinasaktan ang mga bata. Maraming paraan upang sila ay madisiplina.

 

Source: Channel News AsiaABC

Basahin: Madrasta pinag-utos na gahasain at patayin ang kaniyang stepdaughter

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara