Ang Philippine Science High School (PSHS), o kilala sa tawag na Pisay, ay nagbigay desisyon noong Martes, May 28, tungkol sa anim na estudyanteng nagpakalat ng mga hubad na larawan ng mga babaeng kaklase.
Ilang mga babaeng estudyante ang nagsampa ng reklamo sa awtoridad ng Pisay laban sa kanilang mga kasintahan. Ito ay matapos nilang malaman na ikinakalat ng mga lalaki ang mga hubad nilang larawan online. Ang pagbibigay ng mga larawan ay isinagawa ng mga lalaki bilang pakikipagpalitan ng mga hubad na larawan ng iba pang babae.
Matapos ang ilang buwan nang pag-iimbestiga, dalawang komite ng Pisay ang nagbigay ng rekumendasyon.
Kanilang inihain na ang mga lalaki ay makatanggap ng disciplinary action at hindi payagan dumalo sa pagtatapos. Ngunit, ilang miyembro ng board of trustees ng Pisay ang hindi sumang-ayon dito.
Dahil dito, ang ilang mga estudyante, magulang, guro at alumni ay nagreklamo online kung saan kinukundena ang board sa naging desisyon. Sila rin ay nagtipon sa main campus noong Mayo 24 upang magprotesta sa ginawang desisyon ng board. Dahil dito, na-udyuk ang board na muling pag-aralan ang naunang desisyon.
Sa nasabing protesta, hiniling ng mga estudyante sa mga miyembro ng board na i-hold ang 6 batang lalaki na responsible. Kanilang nilalaban na hindi lamang panuntunan ng paaralan ang nilabag kundi pati ang Cybercrime Prevention Act. Ayon sa Cybercrime Prevention Act, hindi maaaring magpost ng litrato ng mga babae nang walang pahintulot.
Ipinaalala ng mga estudyante ang pinsala na nadulot sa mga dignidad ng mga biktima. Ang mga lalaki ay ginawa lamang silang mga bagay ng sekswal na pagnanais, sa halip na mga tao na karapat-dapat ang lubos na pag-galang.
Ayon sa official statement ng board of trustees ng Pisay, hindi nila pinayagan ang 6 na lalaking estudyante na mag-martsa sa graduation.
Tatlo sa 6 na nagkasala ay makukuha parin ang kanilang mga diploma. Ang natitirang tatlo naman ay makakakuha lamang ng certificate of completion bilang katunayan na natapos nila ang 6-year program. Lahat ng nasasangkot ay kailangan kumpletuhin ang additional requirements na kabilang sa kanilang sanction.
Narito ang buong pahayag ng pamunuan ng Pisay:
Source: Rappler
Photo by Charles DeLoye on Unsplash
Basahin: Ateneo bully, na-kick out na sa eskwelahan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!