Max Collins ginawang smoothie ang PLACENTA (inunan) matapos manganak

Ibinagi ni Max Collins ang kaniyang placenta smoothie recipe. Ito umano ang isa sa mga nakatulong sa kaniya after niyang manganak dahil sa sustansiya nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ni Max Collins sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang recipe sa kaniyang placenta smoothie. Aniya marami ang madadalang mabuting benepisyo nito para sa mga bagong panganak na nanay.

Hindi na iba ang pagkain ng placenta ng mga bagong ina matapos manganak. Punong-puno kasi ng mga nutrients na beneficial rin para sa mga ina. Ang placenta ang siyang naghahatid ng nutrients mula sa ina papunta sa kaniyang anak sa loob ng kaniyang sinapupunan kaya naman punong-puno ito ng sustansiya.

Larawan mula sa screen capture sa YouTube channel ni Max Collins

Kaya naman marami ang naniniwala na ang nutrients na dala nito para sa sanggol ay maaari ring mapakinabangan ng kaniyang nanay matapos nitong manganak. Maaari itong makapag-provide ng tulong para sa recovery ng ina sa pangangak at pagsisimula niyang mag-breastfeed sa kaniyang baby sa pagkain nito o pag-inom nito.

Isa na sa gumawa nito ang Filipino actress model na si Max Collins na proud pang ibinahagi ang kaniyang placenta smoothie o placenta shake sa kaniyang YouTube channel.

Pag-inom ng Placenta Smoothie ni Max Collins

Matapos manganak ni Max Collins, ayon sa kaniya uminom agad siya ng placenta smoothie. Naniniwala umano ito sa kakayahan at sustansiyang dala ng placenta para sa katulad niyang bagong panganak pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasama sa video tutorial na ito si Irina Otmakhova isang kaibigan na kasama niyang gumawa ng smoothie. Ayon sa kaniya ang placenta ay punong-puno ng sustansiya. Dagdag pa niya,

“It releases stress fighting hormones that helps you fight or cope with anxiety and depression that cause childbirth.”

Kaya naman swak na swak ito para sa mga bagong panganak na mommy upang maiwasan o malabanan ang postpartum depression. Subalit ang pagkuha ng placenta o pag-preserve ng placenta ay madali lamang para sa mga homebirth mommy. Iyong mga nanganak sa bahay dahil mas madali nila itong makukuha at maitatabi ng maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Woman photo created by Racool_studio – www.freepik.com

Ibig usapin kasi kapag nanganak ka sa loob ng ospital ayon Kay Irina dahil kailangan umanong masusi ang pagpapaalala sa iyong medical team na gusto mong makuha ang iyong placenta matapos mong manganak. Kailangan din umanong ipaalala na hindi dapat lagyan ng kahit anong kemikal ang placenta katulad ng alcohol o formalin. Sapagkat hindi na ito mapapakinabangan at hindi na safe para gawing smoothie.

Dapat umanong fresh at raw ito. Kaya kailangan sabihin na kailangan lang nitong ma-freeze upang mauwi mo ito. Subalit nakadepende pa rin ito sa ospital. Iyong iba kasi ay hindi ito pinapayagan kaya kung madedesisyon kayo na kunin ang iyong placenta matapos manganak i-check din kung okay lang ba ito sa ospital kung saan ka manganganak.

Placenta smoothie recipe

Ang placenta smoothie recipe na ginagawa at iniinom ni Max Collins ay mula sa kaniyang kaibigan na si Irina Otmakhova. Sa kaniyang recipe ito ang mga sangkap;

Weidest smoothie recipe

  • 1 mango
  • Prunes
  • Yoghurt drink
  • Water
  • Fresh placenta
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa IStock

Best smoothie recipe

  • Bananas
  • Mixed berries
  • Pineapple juice
  • Ice cream
  • Fresh placenta

Ang mga recipe na ito ang lagi umanong iniinom ni Max Collins matapos niyang manganak. Madali at masarap umano ito at helpful umano para sa kaniya.

Maraming mommy katulad ni Max Collins na naniniwala sa magandang dulot ng placenta o inunan ng bata para sa mga bagong panganak na babae. Maraming nagsasabi na nakakapagbigay ito ng enerhiya sa kanila matapos nila itong gawing smoothie at inuman matapos manganak. Kung tutuusin puno talaga ng sustansiya ang placenta dahil rito kumukuha ng sustansiya ang sanggol mula sa kaniyang ina noong nasa sinapupunan pa lamang siya.

Subalit kung may pag-aalingalangan kayo maaari kayong mag-research at magtanong sa doktor kung ayos lamang ba ito. Hindi naman siguro umano makakasama ang pagtatanong lalo na kung para naman ito sa ikakabuti ng inyong kalusugan. Kaya ano mga mommy gagawin niyo rin bang smoothie o placenta shake ang iyong placenta pagkatapos niyong manganak? O nagawa niyo na ito?

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

YouTube, webmd

 

BASAHIN:

Placenta: why it’s important in your pregnancy

Placenta smoothie: Ano ang benefits nito para sa bagong panganak?

What can you do with your baby’s placenta?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote