Pokwang sa relasyon nila ng ex niyang si Lee O’Brian para sa anak nilang si Malia: “Nakakadalaw na naman siya at naipapasyal na niya yung bata.”

Pokwang mukhang talagang nakamove-on na sa masalimuot nilang hiwalayan ni Lee.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang ibinahaging nagkaayos na sila ng ex niyang Lee OBrian. Ang kanilang pag-aayos ginawa daw nila para sa kapakanan ng anak nilang si Malia.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Relasyon ni Pokwang at ex niyang si Lee OBrian.
  • Paano nagkaayos si Pokwang at kaniyang ex.

Relasyon ni Pokwang at ex niyang si Lee OBrian

Larawan mula sa Facebook account ni Pokwang

Nagkaayos na si Pokwang at ex niyang si Lee O’Brian. Ayon sa komedyante, ang kanilang pag-aayos ay ginawa nila hindi para sa kanilang mga sarili kung hindi para sa anak nilang si Malia. Masaya daw si Pokwang ngayon na muling nagkakasama ang mag-ama.

“Yes, ipinapahiram ko na, kasi it’s all about Malia naman, e. Okay na, nakakadalaw na naman siya at naipapasyal na niya yung bata.”

“So, ngayon hinihintay ko kung kailan niya uli gusto (makipag-bonding sa anak), kasi importante sa akin yung happiness ng anak ko. Tsaka magpa-Pasko, e, alam naman nating lahat that Christmas is for children.”

Ito ang nasabi ni Pokwang sa isang panayam.

Paano nagkaayos si Pokwang at kaniyang ex

Larawan mula sa Instagram account ni Lee O'Brian

Kuwento ni Pokwang, nagsimula ang pagkakaayos nila ng magpakita ng effort at interes si Lee na makasama ang anak nila. Kaya naman ang komedyante hindi naging makasarili at hindi ipinagdamot ang anak sa kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dun naman sa fadir, in fairness, lately nag-effort naman. Hindi ko naman pinagdamot, okay, go, bonding kayo.”

Ito ang kwelang pagkukuwento pa ni Pokwang.

Mukha ngang nakamove-on na si Pokwang sa masalimuot na breakup nila ni Lee. Pero ng matanong kung ready na ba siyang magmahal muli. Ito ang sagot ng komedyante.

“Pwede na rin naman, pero mas priority ko muna yung bagong bahay, yung negosyo ko tsaka siyempre ang mga anak ko.”

“Sabi ko nga, kahit sino kahit anong nasyon, basta tao ang ugali, mamahalin ang mga anak ko.”

Ito ang sabi pa ng komedyante ng matanong kung ready na ba siyang magmahal. At kung ano ang hinihiling niyang taglayin ng bagong lalaking papasok sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Pokwang

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement