May bitterness pa nga ba sa puso ni Pokwang sa hiwalayan nila ng husband na si Lee O’Brian?
Pokwang naka-move on na nga ba sa kaniyang husband?
Tahasang sinagot ni Pokwang ang mga katanungan tungkol sa hiwalayan nila ng kaniyang husband na si Lee O’Brian. Sa interview ni Bea Alonzo sa comedy actress sinabi ni Pokwang na marami pa ring bitterness sa puso niya dahil sa kaniyang husband.
Aniya, “Wala kasing nanay na gustong masira ang pamilya. Walang nanay na gustong magkawatak-watak kayo.”
Hindi pa rin daw siya nakakamove on sa sakit na kaniyang naranasan dito. Aminado rin si Pokwang na bukod sa mga issue sa negosyo ay naging problema rin nila ang cultural differences.
Larawan mula sa Instagram ni Pokwang
Sinubukan niya raw na isalba pa ang kanilang pagsasama pero ayaw na ni Lee. Ginawa na raw niya ang lahat to make it work to the point na naging tanga na siya sa pag-ibig.
“Tayo kasing mga Pilipino, hihimasin pa. Baka sakaling pwede pang maayos. Sa kanila pala hindi ganon.”
Paliwanag ni Pokwang, “Madaling sabihin na ang bitter mo, magmove on ka na. Ang daling sabihin ‘yon kasi hindi kayo ang nakakaranas. Ang bawat sugat lalo kung malalim, hindi tinakpan mo lang ng band aid gagaling na. It will heal slowly.”
Handa ba sa co-parenting kay Malia?
Larawan mula sa Instagram ni Pokwang
Nilinaw din naman ng aktres na hindi siya nagseselos sa bagong girlfriend ni Lee. Bagkus ay galit umano siya sa dating asawa dahil ang dali lang siyang pinalitan nito.
“Habang kami ng mga anak mo gabi-gabi kaming nagdadasal na sana maayos pa, ikaw pala nakarampa ka na agad…Ang bilis ah.”
Iginiit din ni Pokwang na ayaw niyang mag-co-parenting sila ni Lee sa kanilang anak na si Malia. Sa ngayon daw ay nasa legal process na ang custody ni Malia.
“Ang isang ina ‘pag naging palaban, ‘pag tumatapang ang isang ina ibig sabihin niyan meron siyang pinoprotektahang anak.”
Sa kabila ng mga dinanas ay handa pa rin daw magmahal muli ang aktres pero this time magiging maingat na ito at hindi na magpapakatangang muli.
“Time will heal. Hayaan niyo lang muna ako.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!