Pokwang sa pagkapanalo sa deportation ng case ng ex na si Lee O’Brian: “Ngayon, lalo kong susubukan na maging mahusay na ina at ama sa aking anak.”

Ayon sa komedyante, sa wakas ay nabigyan na sila ng hustisya ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang panalo sa deportation case laban sa ex niyang si Lee OBrian.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pokwang deportation case against ex Lee OBrian.
  • Reaksyon ni Pokwang sa pagkapanalo niya sa kaso.

Pokwang deportation case against ex Lee OBrian

 

Hunyo nitong taon ng magsampa ng kasong deportation si Pokwang sa ex niyang si Lee OBrian. Ang dahilan ng komedyante ay hindi ginagampanan ni Lee ang responsibilidad niya bilang ama sa anak nilang si Malia. Pati na ang illegal nitong pagtratrabaho sa bansa kahit na naka-tourist visa lang ito. Inakusahan niya rin ito ng financial abuse bagamat hindi nakasaad sa mga reports ang ensaktong ginawa nito sa kaniya.

Matapos ang anim na buwan nagkaroon na ng desisyon ang Bureau of Immigration sa kaso ni Pokwang. Ang desisyon pabor sa komedyante. Ang ex niyang si Lee ay idedeport na at nakalagay na sa black list ng immigration.

Reaksyon ni Pokwang sa pagkapanalo niya sa kaso

Si Pokwang masaya sa naging resulta ng kaso na isinampa niya laban kay Lee. Giit niya, sa pagkapanalo niya ay nabigyan sila ng hustisya ng anak niyang si Malia.

“Nagpapasalamat ako una sa Panginoon dahil pinakinggan niya ang aking mga dasal na magkaroon ng hustisya ang nangyari sa akin at sa aking anak.”

Pagpapatuloy niya pa, ngayon na mapapaalis na sa bansa ang ama ng anak niyang si Malia ay magdodoble sikap siya para mas magampanan dito ang pagiging ama at ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng taong tumulong sa amin ni Malia. Ngayon, lalo kong susubukan na maging mahusay na ina at ama sa aking anak. Lalo pa akong magsisikap sa araw-araw para maitaguyod ko ang aking pamilya.”

Ito ang sabi pa ng komedyante.

Taong 2021 ng kumpirmahin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee. Noong una ay sinabi niyang naging maayos ang paghihiwalay nila. Pero makalipas ang panahon ay isinawalat niyang may third party sa relasyon nila. At ang ex niyang si Lee ay ginamit lang siya para sa mga personal nitong interes.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement