Pokwang to ex Lee O’Brian matapos sabihin nitong minahal niya ang komedyante na ina ng kaniyang anak: “USER TAMA NA HOY!”

Komedyante mukhang nasagad na at sinimulan narin ang pag-aalis ng apelyido ni Lee sa anak niyang si Malia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang may tirada sa ex niyang si Lee OBrian na tinawag niyang plastic at narcissistic.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mensahe ni Lee OBrian sa ex niyang si Pokwang.
  • Sagot ni Pokwang kay Lee O’Brian.

Mensahe ni Lee OBrian sa ex niyang si Pokwang

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Sa isang panayam sa bago niyang proyekto ay natanong ang ex ni Pokwang na si Lee O’Brian tungkol sa estado ng kanilang relasyon ngayon. Pati na kung aware ito sa mga post ni Pokwang patungkol sa kaniya sa social media. Si Lee, hindi deretsahang sinagot ang tanong at sinabinng mahal niya si Pokwang bilang ito ang ina ng kaniyang anak na si Malia.

“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child into this world. And that’s my story. That’s all I can say.”

Ang interview na ito ng PEP.ph kay Lee ay ibinahagi nila sa kaniyang social media accounts. Si Pokwang hindi napigilang mag-react sa sinabi ni Lee na ifineature ng entertainment magazine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Sagot ni Pokwang kay Lee O’Brian

“The design is very plastic and narcissistic hahahahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”

“Tama ka na accla!”

Ito ang naging reaksyon ni Pokwang sa naturang post.

Sa isa sa mga latest IG stories ni Pokwang ay ibinahagi niyang may nakilala siyang isang netizen na kilala rin daw si Lee. Ito daw ang nasabi sa kaniya ng naturang netizen.

“Thank God, natauhan ka din after several years.”

Nitong Marso ay sinimulan na ni Pokwang ang pag-aayos ng papeles na maalis ang apelyido ni Lee sa anak nilang si Malia. Gusto ni Pokwang na gamitin na ng anak ang apelyido niyang Subong. Si Malia ngayon ay limang taon na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Hulyo nitong nakaraang taon ng i-reveal in Pokwang na hiwalay na sila ni Lee. Noong una ay hindi niya sinabi ang tunay na dahilan ng hiwalayan. Pero kalaunan ay ibinahagi narin ng komedyante na may ibang babae daw si Lee.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement