Pokwang naging emosyonal sa buhay niya ngayon: “I'm a single mom again pero I'm fighting.”

Pokwang at Lee pinili umanong walang bitterness sa pagitan nila para sa anak nilang si Malia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang masaya ang buhay ngayon kahit siya ay single mom again.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Buhay ni Pokwang bilang single mom.
  • Hiwalayan ni Pokwang at boyfriend na si Lee O’Brien.
  • Pag-celebrate ni Lee O'Brien na kasama si Pokwang at ang mga anak nitong si Mae at Malia.

Buhay ni Pokwang bilang single mom

Hindi napigilan ng komedyanteng si Pokwang na maluha ng magbigay ng update sa buhay niya ngayon. Ang komedyante sinabing ito ay tears of joy dahil siya ay very happy sa pagiging isang single mom. Pag-amin ni Pokwang bagamat mahirap at very challenging ang pagiging single mom sa mga anak na si Malia at Mae ay kinakaya niya ito.

"Iba't ibang pain, iba't ibang pagsubok pero, ako, natuwa lang kasi ako dahil sa kabila ng mga nangyari sa akin, 'di ba alam n'yo naman, I'm a single mom again pero I'm fighting."

Ito ang pahayag ni Pokwang sa panayam sa kaniya sa 24 Oras.

Dagdag pa niya, walang bitterness sa pagitan nila ni Lee. Ito ay ginawa nila para sa anak na si Malia.

"Nakakatuwa kasi wala kaming pait. Para kasing gusto naming lumaking happy kid si Malia”, sabi pa ni Pokwang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiwalayan nina Pokwang at Lee O’Brian

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Matatandaang nitong Hulyo ay kinumpirma ni Pokwang na sila ay hiwalay na ng boyfriend niyang si Lee O’Brien. Ginawa ito ng komedyante sa pamamagitan ng isang Instagram post. Bagamat paglilinaw niya may maayos silang relasyon ng ex-boyfriend alang-alang sa anak nilang si Malia.

“Yes, it’s been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia.”

Ito ang panimula ni Pokwang sa kaniyang Instagram post na kung saan kalakip ang mga larawan ng kaniyang mga anak na si Mae at Malia. Si Mae ay ang unang anak ni Pokwang sa naunang karelasyon. Si Mae ay 26 years old na sa ngayon.

Pagpapatuloy pa ni Pokwang, bagamat maagang natapos ang pagsasama nila ni Lee na tumagal ng anim na taon, magpapatuloy naman ang pagiging mabuting ina niya sa kaniyang mga anak.

“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng Panginoon.”

Ito ang sabi pa ni Pokwang sa naturang IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa parehong IG post ay nagbigay rin si Pokwang ng mensahe sa mga tulad niyang single parent. Ito ay may hashtag pang, “Wag mapagod para sa mga anak."

“Sa mga single parent na kagaya ko, hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw-araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay.”

Ito ang sabi pa ni Pokwang.

Pagdating sa dahilan ng hiwalayan ni Pokwang at Lee, ayon kay Ogie Diaz na malapit na kaibigan ni Pokwang ay masalimuot ang kuwento ng break-up ng dalawa. Pero hindi niya na ito idinetalye pa sapagkat may maayos naman daw na co-parenting relationship sa ngayon ang dalawa sa 4-year-old daughter nilang si Malia.

“Sanay naman ako na nag-iisa noon pa naman, di ba? Alam mo iyan. Kilala mo ako. Ang importante sa akin mga anak ko. Basta kasama ko ang mga anak ko, ‘ke may partner o wala.”

Ito daw ang mga salitang binitawan ni Pokwang kay Ogie tungkol sa hiwalayan ng komedyante at boyfriend niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pokwang

Pokwang nakasama si Lee sa naging birthday nito last month

Samantala, base sa isa sa mga latest post ni Pokwang ay makikita ngang happy at peaceful ang relasyon nila ni Lee. Nitong ngang birthday ni Lee ng nakaraang buwan ay ipinagdiwang ni Lee ang kaarawan niya sa bahay ni Pokwang. Si Pokwang kasama ang mga anak na sina Mae at Malia ay kinantahan ng “happy birthday” ang dating kinakasama. Ang mga ito makikitang masaya at walang ilangan sa isa't-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy birthday Dada @leeobrian pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan nanaman sya…”

Ito ang caption ng post ni Pokwang tungkol sa birthday ng ex niyang si Lee O Brian.

 

Sa nauna ng panayam sa kaniya ng broadcaster na si Karen Davila ay ibinahagi ni Pokwang kung bakit espesyal ang ex-boyfriend na si Lee kumpara sa mga nauna na niyang nakarelasyon.

“Si Papang kasi very supportive sa akin, siya talaga yung tiga-angat ko.  Hindi siya nananakit, yung mga nakaraan ko kasi nananakit. Battered mom din ako, kapag yung nagseselos, pero siya hindi. Never niya akong pinagbuhatan ng kamay.”

Ito ang sabi ni Pokwang sa naturang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement