Nadagdagan nanaman ang bilang ng polio cases in the Philippines. Ito ay matapos makumpirma na polio ang sakit ng isang batang babae mula sa Maguindanao. Bilang tugon dito, ang Department of Health ay magsasagawa ng vaccination campaign sa naturang probinsya.
Polio cases in the Philippines: Pangatlong kaso na ang naitala
Nuong ika-26 ng Setyembre 2019, ang 4 na taong gulang na babae mula Datu Piang, Maguindanao ay nasuri na may acute flaccid paralysis (AFP). Siya ay dinala sa Cotabato Regional Medical Center. Nakitaan siya ng mga sintomas na lagnat, diarrhea, pagsusuka at pananakit ng katawan.
Ika-24 ng Oktubre nang makuha ang resulta ng kanyang stool samples. Siya ay nagpositibo sa vaccine-derived poliovirus 2 (VDPV2). Naiuugnay ito sa naitalang naunang kaso ng polio sa Morogong, Lanao del Sur. Ang stool samples ay sinuri sa National Institute of Infectious Diseases sa Japan.
Sa ngayon ay mayroon pang isang resulta ang inaantay para sa isa pang pinaghihinalaang kaso ng polio.
Tugon ng DOH
Bilang tugon ng DOH, magkakaroon ng vaccination campaign sa Datu Piang, Maguindanao. Gaganapin ito mula ika-4 hanggang ika-8 ng Nobyembre. Nais nitong mabakunahan ang nasa 4,254 na batang nasa 0 hanggang 5 taong gulang. Nilinaw naman ng DOH na sapat ang stocks ng OPV para sa mga mangangailangan nito.
Sa ngayon ay naghahanda na ang DOH para sa gagawing vaccination campaign.
Nagkaroon din ng pagpupulong ang DOH kasama ang United Nations Children’s Fund at mga lokal na opisyal ng Datu Piang upang talakayin ang gagawing responde sa naturang outbreak. Isinagawa ang pagpupulong mula ika-28 hanggang ika-29 ng Oktubre.
Pag-iwas sa polio
Napag-alaman ni Health Secretary Francisco T. Duque III na ang 4 na taong gulang na bata ay hindi tumanggap ng oral polio vaccine (OPV). Ipinapaalalang muli ng DOH na ang pagtanggap ng bakuna ang pinaka-mainam na paraan upang maiwasan ang pag-iwas sa mapanganib na sakit.
Bukod dito, importante rin ang pagiging malinis sa kapaligiran. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan upang ipagtibay ang zero open defacation policy.
Basahin din: 13 ospital sa Maynila na namimigay ng libreng bakuna kontra polio
Source: DOH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!